Hindi lang kami ang sumayaw kasabay ng music. Nang makita kasi ng ibang tao yung ginagawa namin, nakigaya nadin sila sa pag sayaw. Lalo na yung mga couple. Ang cute nga eh, parang nagkaroon ng flash mob. haha...
Hindi naman nagtagal, natapos na ang araw at kinailangan na naming umuwi. Hindi mawala yung ngiti ko sa labi.
8:27 pm sakto ako nakauwi sa bahay. Hinatid ko pa kasi si Denise pauwi sa kanila. Ininvite ko nadin sya na pumunta dito sa bahay bukas. Kasi birthday ko. Magkakaroon lang ng maliit na salo-salo. Yung mga kaibigan ko lang tsaka si Denise yung invited. At tsaka pala, bukas ko din makikilala yung Girlfriend ni Dad. Haha... Si tita Julia. Ang saya nga eh.
Naglinis na ako ng katawan ko, tapos nahiga sa kama pero hindi magawang matulog. Pinilit kong ipikit ang mga mata ko pero laging is Denise ang nakikita ko. Tinry ko mag isip ng ibang bagay pero, paulit-ulit na nagrereplay sa utak ko lahat ng ginawa namin ngayong araw. Kaya napag isipan ko na, hayaan nalang. In-enjoy ko nalang yung mga memory na walang hawang lumulutang-lutang sa isip ko. Eventually, nakatulog na ako.
KINABUKASAN.
Nagising ako sa mataas na sikat ng araw na kumakawala sa mula sa bintana ng kwarto ko. Mabilis kong kinusot yung mga mata ko, at nag inat para bumangon.
Dumiretso ako agad sa banyo para maghilamos at mag ayos ng sarili. Pero nagulat ako ng pagharap ko sa salamin, tumambad sa akin ang isang malaki at pulang pulang tigyawat sa kaliwang pisngi sa ilalim ng mata. OH MY GOSH!! Hinawakan ko yung tigyawat at sinubukan kong pisain pero SOBRANG SAKIT!!! kaya hindi ko na tinuloy pero naging mas mapula yung tigyawat.
ANONG GAGAWIN KO?!! ayokong may makakita sa'kin na may ganito! Kahit lalaki ako, concious padin naman ako kung anong itsura ko. At may bigla akong naalala. Birthday ko pala ngayon! At in-invite ko yung mga kaibigan ko at si Denise na pumunta dito! Humanap ako ng pwedeng remedyo sa dilemma ko pero wala akong nakita.
Nagulat ako ng may malakas na katok akong narinig sa pinto ng kwarto ko. "Birthday boy! Gising na!!" sigaw ng tao sa labas ng kwarto. May bisita na agad? At sa tingin ko, kilala ko na kung sino. Mas lalo pang lumakas yung katok, kaya lalo akong nataranta. Bumalig-baling ako at nakita ang isang face towel. Tinakip ko yun sa parte ng mukha ko na may tigyawat at lumabas na ng banyo.
"Oh, anu yan? Ninja ka?" nagtatakang tanong ni Jesse nang buksan ko yung pinto. Bestfriend ko sya, simula pa nung elementary. Hanggang ngayon barkada parin kami. Yung towel, itinali ko sa mukha ko. Mukha tuloy akong ninja. "Ah? Ito ba? Wala 'to!" sagot ko sa kanya. "Bakit ang aga mo?" "Maaga? 1pm na! Tsaka ano ba yang tinatago mo sa mukha mo?" sabay hila nya sa towel ko.
1pm na? So, sobrang haba pala ng tulog ko? Tumawa ng malakas si Jesse ng makita nya yung pimple ko. "Ano yan? Pimple? Bakit ang laki? hahahahaha...... Buhay ata yan eh! hahaha...." halos maiyak-iyak na sya kakatawa. Hinila ko sa kanya yung towel at agad na tinakip ulit sa mukha ko. "Tumigil ka nga!" saway ko, pero hindi padin sya tumitigil sa pagtawa. "Okay lang yan bro, ngayon napatunayan nating hindi ka unggoy! hahaha.... tara na sa baba. Andun nadin sila Kevin." Inakbayan nya ako at isinama pababa.
Habang bumababa ako, naririnig ko yung maingay na pagkanta ng mga barkada ko ng HAPPY BIRTHDAY. Nakita ko si Kevin, Frank, Joshua, Patrick pati si Neon. Mga matagal ko nang kaibigan.
"Guys, guys..." pagpapatigil sa kanila ni Jesse. "Si Mico may pimple!" pag aannounce nya, kaya nasundan yun ng malakas na hiyawan at pang kakantyaw sa akin. "Bro, ang laki nyan ah! Alaga mo ba yan?!" "Sino ba yang pimple mo na yan?! Mukhang mahal na mahal mo ah!" yan ang mga sinabi nila. Natigil lang sila ng dumating sa living room si Daddy para tawagin ako at ipakilala sa'kin si Tita Julia.
Si Tita Julia. Pinakilala palang sya sa akin ni Dad pero parang ang gaan na ng loob ko sa kanya. Maayos naman nya akong kausapin, tsaka gusto ko sya para kay Dad.
Bumalik naman ako agad sa mga barkada ko, hindi parin sila tumitigil sa pang aasar sa'kin pero, alam ko naman na joke lang nila yun. Kumain na kami tapos nag umpisang magkwentuhan. Hindi naman talaga 'to party. Maliit lang na celebration, kaya kami kami lang ng barkada at si Denise. Wait. Speaking of Denise, bakit wala pa sya?
Chineck ko yung phone ko kung may text sya na hindi na sya makakapunta, pero wala naman. Naisip kong itext na sya ng biglang may nag doorbell. Nagkatinginan yung mga kasama ko, parang nagtataka kung sino yung bagong dating. Ang alam kasi nila sila lang yung bisita ko.
Alam ko si Denise na yun kaya nakaramdam ako ng matinding conciousness dahil nga sa malaki kong pimple. Hinanap ko yung towel tapos, tinakip ko ulit sa mukha ko.
Si yaya na yung nagbukas kay Denise kaya nakasalubong ko sya sa pinto. Medyo nagulat nga sya sa itsura ko eh. "Denise," sabi ko. "Mico, ano yan?" tinutukoy nya yung towel sa mukha ko. "Wala 'to." pero tinanggal nya padin. Nakita kong napangiti sya sa nakita nya kaya nahiya ako kaya feeling ko nagblush ako na mas lalong nagpamula sya pimple ko. Napakamot nalang ako ng ulo. "Napuyat kasi ako eh," paliwanag ko. Bahagya syang tumawa, "Okay lang yan! haha," sabi nya. Napangiti nalang ako. "Tara na sa loob, papakilala kita sa mga barkada ko." tapos hinawakan ko sya sa kamay, papasok sa loob ng bahay.
Halos lahat ng nasa living room nagulat nang makita si Denise. Yung iba nga napa 'whoa' pa eh. "Bro, sino yan?" mabilis na tanong ni Jesse. Tinaas ko yung hawak kong kamay ni Denise, "Guys, meet Denise, my...." natigilan ako tapos napaisip. Ano ko ba si Denise? Girlfriend? Tinignan ko sya, nakatingin din sa akin. Binalik ko yung tingin ko sa mga kaibigan ko sabay ngiti. "Friend. She's my friend" pagpapatuloy ko.
Nakita ko yung mga nagtatakang expression ng mga barkada ko. Tila nagtataka sa sinabi ko.
Tama! Denise is just my friend. Hindi pa kami. Parang kami, pero hindi PA kami. Ang gulo.
BINABASA MO ANG
ALMOST Lover
Short StoryIto ay ang kasunod na istorya matapos ang Third Party story at #CertifiedTorpe entitled Almost Lover.