Crush to Ex-crush to Crush again?!

46 1 0
                                    

DJ's POV

"Faith!! Gumising kana! Gisingin mo na din yang kapatid mo! Tanghali na malalate na kayo sa klase!" sigaw ni Lola.Tinakpik ko agad si Lee sa tabi ko para gisingin.Hindi pa din ako dumidilat puyat ako kagabi dahil sa kakachat namin ni Kris.

"Hmm.. Ate ano ba! Inaantok pa ako eh!" sabay talikod sakin ni Lee. Aba buset to ah! Humanda ka sa matindi kong si---ayaaaaah!

Blaaaaaaaggg!

"Ano ba Ate?! Buset ka talaga!! Isusumbong kita kay Lola!" bulyaw sakin ni Lee sabay labas sa kwarto. Tss. Edi isumbong nya. Bwahaha sya pa din naman ang pagagalitan.Pfft.

Dumilat na ako at nag-unat. Inayos ko muna ang higaan bago lumabas sa kwarto. Pag labas ko sa kwarto dumiretso ako sa lamesa at sumandok ng pagkain.

"Lola si Ate! Sinipa ako kanina! Nahulog tuloy ako sa kama.." sabay dila sakin. Psh! Ang laki laki na isip bata pa din. Ngumiti na lang ako sakanya ng mapang-asar. Hahaha.

Pagkatapos namin kumain naligo na agad ako at nagbihis.Nagtoothbrush na din ako at inayos ang necktie ko.Matapos ko mag-ayos nagpaalam na ako kay Lola at naglakad papasok sa school. Walking distance lang naman. Habang naglalakad ako pinanonood ko ang mga tao na kasabay ko maglakad.

Nang makarating na ako sa school namin dumiretso na ako sa classroom. Wala na kasi sila sa baba siguro nasa classroom na sila. Saktong 6:45 na kasi ako dumating.

Pumanik na ako.. Grabe! sa 4th floor pa ang classroom namin! Nakakapagod .. nasa tapat na ako ng pinto nang lumabas ang Ex-crush ko. Oo EX-Crush haha.. pinaubaya ko na kasi sya sa kaibigan ko.. feeling ko kasi mas bagay sila kahit na masakit para sakin yun. Drama ko -___-"

Di ko na lang siya pinansin at ganun din naman sya. Siguro awkward sya sakin simula nung nalaman nyang crush ko sya last year. 2 months pa lang naman simula nung nagstart ang klase at 3rd year na ako.

Pagpasok sa classroom namin dumiretso agad ako sa upuan ko kung saan katabi ko ang mga kaibigan ko. As usual babatiin na naman nila ako ng .. "Ayan na pala si Dj .. kala ko d ka na naman papasok eh." sabi ni Mari.

"Tss. At least pumasok.. tignan mo nga si Belle wala pa. Late na naman din yun papasok" sagot ko. Grabe tlga tong mga kaibigan ko. Tch.

Dumating na ang teacher namin at syempre ano pa bang gagawin ng teacher? Ang nakakaantok na lesson.Habang naglelesson si ma'am magpapakilala nga pala muna ako.Faith is my nickname.. ang buo kong pangalan ay Patricia Faith Javier .. i'm 15 years old. Nakatira sa bahay malamang kung saan sa earth kung saang bansa sa Pilipinas kung saan sa Pilipinas sa Luzon kung saan sa Luzon sa Manila kung saan sa Manila.. secret na yun.

Meron akong demonyitang kapatid si Lee Min Javier sya ay 9 years old na.Yung parents namin ay isang OFW sa Korea.Si Lola ang nag-aasikaso samin.Nag-aaral ako sa Private school ganun din si Lee pero magkaiba ang school namin.

Yan na. Masyado nang madrama pagpinahaba ko pa.Nasa canteen na kami ngaun.. kasi nagteleport kami.Haha de joke lang. Oo na corny na ung joke.Kumakain kami ngaun malamang kasabay kong kumain ang mga kaibigan ko. Hindi ko na sila ipakikilala isa-isa magkakaroon naman sila ng POV eh. D ba author? 

Habang kumakain kami nagkukwentohan kami magkakaibigan. "Faith! Ayun si Nukleus oh! Ayieee! Hart hart!" sabi ni Belle. "Tse! Hindi ko na crush yan! Sayo na yan.. ayiee! Haha" -ako

"Weeeeeh! Eww lang ha! Di ko crush yan. Asawa mo na yan eh! Ayieee! Faith <3 Nukleus is harthart!"- Belle.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Crush to Ex-crush to Crush again?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon