Advice: How to Move On©jam

79 3 1
                                    

Simply remove the "L" on Lover and realize its over.  Hindi ko pwedeng ikumpara ang pinagdaanan ko sainyo dahil iba iba ang tao at iba iba din ang relationship. Isa lang ang pwede kong sabihin, lahat tayo nasasaktan magkakaiba man ang sakit Buttom line, MASAKIT. Yung tipong ang sarap ng pagkain sa mesa tapos wala kang kagana gana kumain, yung tipong gumuguho na yung mundo mo kasi wala na yung taong ginawa mong mundo for the longgest time, yung tipong lahat ng plano mo kasama mo sya pero ngayon nagpaplano na sya kasama ang iba. Well gusto ko lang malaman mo na hindi ka nag iisa! :D Halos lahat ng nagmahal ng totoo nasasaktan ng mabigat sa hiwalayan, walang madaling paraan. Hindi mo makakalimutan lahat ng magagandang ala-ala,  at lalong hindi mo makakalimutan ang taong minahal mo ng sobra. Ang dapat mo gawin? Mahalin mo ang sarili mo, appriciate mo lahat ng maliliit na bagay ibuhos mo ang intensyon mo sa mga bagay na hilig mo, tawagin mo mga kaibigan mo sumama ka sakanila, yung kahit hindi na sila magpayo e yung presence na nanjan sila sa paligid mo comforting na. Nanjan ang pamilya mo na pwede mong pagbuhusan ng pagmamahal mo. Tandaan, hindi sulusyon ang uminom,  magadik, maglaslas, at in some cases wag gumanti at maghanap kagad ng kapartner, lalo mo lang pinapabigat problema mo e, in the end mas lalo pang magiging komplekado. Learn to appreciate life, alam mo naman na iiyak at magmumokmok ka pag pinatugtug mo themesong nyo bakit mo pa ipiplay yon? Umiwas sa mga bagay na malalapit sa kanya,tulad ng mga kaibigan nya, umiwas ka MUNA. Wag ka na mag stalk sa mga accounts nya. How to Move on, dapat diretso, walang likuan, wag mo di  sabihin na "Wala ka ng makikitang katulad ko!" Dahil nagmumukha ka lang tanga, hindi totoo yun, lalo mo lang pinapaitim yung puso mo sa pag iisip ng ganun, maging masaya ka rin sa kanya kahit papano kung talagang nagmahalan kayo. Bakit hindi mo na lang tanggapin na, may mga taong nagkakatuluyan at may mga taong hndi diba? Wala ka ng pakialam kahit may iba na sya kahit may iba na syang pinakilala sa friends nya sa family nya, lahat ng worst isipin mo na at tanggapin mo na. Dahil yun nga,  Wala ka ng karapatan. Lahat ng natutunan mo sa kanya dalhin mo, lahat naman ng ayaw mo sa relationship nyo iwanan mo at baguhin mo yun sa bagong relationship mo. Maniwala ka na may taong darati g sayo talaga, hindi man sya kasing pogi o ganda o yaman ng ex mo hindi mahalaga yun. Dahil kung yun basehan mo, isa kang Materialistic. Iba pa rin pag naramdaman mo yung chuga chuchu, wag kang maghanap kasi kusang darating yan maniwala ka.  Enjoyin mo buhay mo bilanv single, sa ganitong paraan mas mag go-Grow ka as a person. TAKE A BREAK. Tama yung 3 months rule o higit pa. Hanggat hndi nag hi-heal yan puso mo, relax ka lang wag kang magmadali hindi ka mauubusan. Isa pa, hindi muna kayo pwede maging magkaibigan ng ex mo. Take note, MUNA. Pwede kayong maging mag kaibigan pag lumipas na yung pagmamahal at sakit.  Pero yung agad agad? Isang malaking kalokohan. O siguro hindi talaga kayo nagmahalan. Ang importante, isentro mo ang buhay sa tama at sa diyos. Dahil hindi mo yan kakayanin mag-isa. Kung isusuko mo sakanya yan, giginhawa yang pakiramdam mo. Wag kang matakot mag mahal ulet dahil napakasarap mag mahal. Kung takot ka dahil masaktan ka bukas e, baka mangyare nga yun, dahil unconsciously your assuming that  its gonna be happen. Wag mo isipin na nagpapagwapo ka o nagpapaganda para pag nagkita ulet kayo matatakam sya. Hindi ganun yun, uulitin ko. Kung gusto mo talaga mag Move on, ito ay para sayo at hindi para sa iba. Hindi lang ito lesson ng pag moMove on. Tinuturuan din kita kung pano makita ang ganda ng buhay.  Pag nagawa mo yan, tatawanan mo na lang yung mga pangyayari at sasabihin mo sa sarili mo  Ang galing! Naka Move on na pala ako! Ready ka na ulet pumasok sa isang commitment na mas matibay ka na, mas mature, mas alam mo na ang gagawin at mas maganda ang outlook sa buhay. Remember: Focus on being a better you instead of looking for someone better than your ex, a better you will attract a better next, dont be Bitter be Better. :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

how to move onTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon