Akala ko kasi talaga e.

43 3 1
                                    

First year pa lang tayo non. Una kitang nakita sa room dahil magkaklase tayo. Sa una, hindi ka pansinin, dinadaan-daanan ka lang ng tingin. Pero habang tumatagal, hindi lang ang mga mata ko ang nakakakita sa'yo.

Magbabakasyon na non, dinala mo kami sa bahay nyo. Kasama natin yung iba pa nating mga kaklase. Hindi ko akalain na, bago matapos ang taon, may magandang ala-ala ang maiiwan sa isipan ko.

Nang mag2nd year tayo, may isang tao na nakaalam ng damdamin ko para sa'yo. Isang tao n naging dalawa, apat hanggang sa lahat na ng mga kaibigan at kaklase natin. Hiyang-hiya at ilang n ilang ako sa'yo twing magkakasama tayo. Ngunit sa'yo, parang baliwala lang.

Panay sumasagi na isip ko na, hindi tayo bagay, Hindi tayo "compatible" kasi maliit ka, matangkad ako. Z ako, A ka naman. Ang layo natin noh? Parang langit at lupa ang pagitan. 24 letters sa alphabet ang naghihiwalay sa atin. Pero kahit na ganoon, hindi ako nawawalan ng pag-asa. Magiging "bagay" din tayo, yung meant to be ba. At mas lumakas ang pag-asa ko dahil sa..

"Zay, si Aaron nakita ko nakatingin sa'yo!" Pitong salita na nagpalakas lalo ng loob ko. Simula ng nadinig ko ang mga salita na iyan, panay na akong nakatingini sa'yo. At panay ko ding nahuhuli na nakatingin ka sa akin. 

Isang araw, hindi ko alam kung bakit ka aligaga at sobrang busy. Pumasok ka ng may dalang cake at bulaklak. Nakalimutan ko, birthday nga pala ni Ariane. At kasabay non, ang panliligaw mo sa kanya. Bagay kayo, bagay na bagay. A ka, A din sya. Parehas kayong maliit at compatible sa isa't-isa. Natanong ko sa sarili ko, bakit sya? E ako yung tinitignan mo.

Bigla na lang may sumagi sa isipan ko. Kaibigan ko nga pala si Ariane. Palagi kong kasama, kung wala sa harap, sa gilid o kaya naman sa nasa likod ko. Doon ko napagtanto na, akala ko tinitignan mo ko. Akala ko, ako. Sya pala.

Kahit na nasasaktan ako, hangad ko na maging masaya ka sa piling ni Ariane. Nandoon ako ng tanungin mo sya kung pwede bang manligaw. Pero nabusted ka. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. sakit, lungkot, o saya. Saya dahil, hindi naging kayo. Sakit dahil, mahal mo sya. At lungkot dahil, alam kong nasasaktan ka at wala akong magawa. 

Lumipas ang mga araw, buwan at taon. Malapit na tayong makatapos ng high school. Ngunit ang dmdamin ko sa'yo, hindi pa din nagtatapos. Simula ng masaktan , tinignan na kita mula sa malayo. Sa twing nasasaktan ka, gusto kong saluhin lahat ng sakit. Gusto ko ako na lang, wag ka na. Pero walang akong magawa. Wala akong nagawa.

4th year na tayo ngayon. Pero wala pa ding bago. Mahal pa din kita. Ang sabi mo, hindi mo na mahal si Ariane. Hindi ko alam kung totoo. Hanggang ngayon, tinatanaw pa din kita. Eto na naman. aasa na naman ako.

Math ang first subject natin. Nasa likod ka, nasa harap naman ako. Magkahiwalay ang babae at lalaki. Katabi ko si Ariane. Sa twing titingin ako sa'yo, nahuhuli ko na tinitignan mo din ako at agad kang iiwas ng tingin o kaya nmaan ay ako ang mauuna. Umasa akong ako naman ang tinitignan mo. Pero eto na naman, nakalimutan ko na naman na, nasa tabi ko lang pala si Ariane. Akala ko lang pala..

Twing English hanggang lunch, nakatingin lang ako palagi sa'yo. At eto na naman, nahuhuli kitang tumitinggin din sakin. Pero nakalimutan ko, nasa likod ko nga lang pala si Ariane. Akala ko lang pala..

Twing TLE natin, tayo ang lumilipat imbis na teacher. Nasa unahan na namana ko. At nasa likod ka. Nahuli na naman kitang tumitingin sakin. Ang saya ko, kinikilig na ko ng maalala ko na sa gilid ko lang pala nakaupo si Ariane. Akala ko lang pala..

Ilang buwan na lang, makakapagtapos na tayo ng high school. Iba't-ibang daan ang tatahakin. Hindi man naging masaya ang high school mo, sana matandaan mo na andito ko sa tabi mo, may Zay na handang sumalo ng lahat ng sakit na matatanggap mp. Magkakalayo na tayo. Magkakalayo na kayo. Hangad ko ang kaligayahan mo. Hindi man ako ang dahilan, napakasaya ko na masaya ka, kahit sa piling ng iba. Pero sa kabila ng lahat, umaasa akong bago tayo magtapos, mapapasaya kita gamit ang pagmamahal na meron ako para sa'yo. Pero eto na naman, akala ko lang pala..

-------

WTF. HAHAHAHA. <3 Thank you! :*

Akala ko..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon