CHAPTER 30

542 12 2
                                    

Chapter 30- Am i pregnant too?

RAINE POV

Dalawang linggo ang nakalipas simula nang malaman ko ang katotohanan sinabi na din sakin ni drake na may nangyari na nga sakanila pinaliwanag nya saken lahat lahat simula nung nagpanggap sya, naging sila lahaat lahat sinabi nya.

Edi ito ako ngayon wasak haha! Saya diba? Hanggang dun pala niloloko nya na ko? The heck? Bat ba ang tanga ko nang di ko man lang mapansin yon? Nang di ko man lang malaman yon?.

Tanga tanga kasi raine.

Letcheng buhay to minsan na nga lang mainlove ganto pa nangyare dun na e dun na sa part na kami na nung tao e umepal pa e.

Damn bat ang sakit?

Anong laban ko dun? Mag kakaanak na yon? Minahal nya yon almost 6years laban ko dun? samantalang eto lang naman ako! Yung bestfriend ni drake na hindi pa alam ang totoong kulay! hahaha tsanggalang buhay to!

Tok*tok*tok

"Iha reyn? Gising ka na ba halika na sa baba nagluto na ko nang maalmusal mo" Paanyaya sakin ni manang flora.

"Yes manang baba na po ko mag aayos lang po ko saglit lang" sabi ko kainis naman to si manang nag eemot pa nga ko e huhu.

Pag tapos kong mag ayos ay bumaba na ko para kumain ewan parang gutom na gutom ako maygad.

"Oh ito iha ang paborito mong adobo"

"Thankyou manang ^_^"

Maya maya pa ay aamuyin ko na sana ang ang adobo nang biglang kumalam ang tyan ko at parang nabahuan ako e? At.
.
.
.
.
.
.
.
Natagpuan ko nalang ang sarili ko nasa cr na ko.

Hala?

"Oh iha anong nangyare sayo ay bigla ka nalang sumuka?" Nag aalalang tanong ni manang."ayos ka lang ba?" Tanong pa nito ulit.

"O-opo nab-bahua-an lang p-po ko sa a-dobo" Natatarantang sabi ko at nagkakandautal utal pa.

"Ha? Eh ang bango bango nga nang adobo na iyan at paborito mo yan, Ano bang nangyayare sayo iha? Masakit ba ang yong tyan?" Tanong pa nito ulit.

Daming tanong e no?

"Hindi ko nga din po alam kung bakit e siguro po masakit lang yung tyan ko, ahm manang kayo nalang po yung kumain nang adobo sayang naman po kung walang kakain nyan mag gagatas nalang po muna ako para po kasing hinahanap nang panlasa ko po yung gatas e" Ani ko sabay punta sa kusina para magtimpla nang gatas.

"Gatas?" Nagtatakang tanong ni manang

"Opo"

"Alam ko hindi ka mahilig sa gatas iha"

"Po?"

Hindi ba ko mahilig sa gatas?

"Ang sabi ko hindi ka mahilig sa gatas"

"Pero..."

"Oh sya sige na sige na aywan ko sayong bata ka at ang wirdo wirdo mo ngayong araw pero hindi lang ngayong araw nitong mga nakaraan din yung mga paborito mong pagkain ayaw mong kainin tapos yung hindi mo naman paborito gusto mong kainin" sabi ni manang habang naglilinis nang kung ano ano at tumingin sakin ng medyo matalim hala?

"Magtapat ka nga sakin!"

"Naglilihi ka ba?"

Meh? Naglilihi ako? Si manang parang tanga eh?

"Pfftt HAHAHAHA ako manang naglilihi? Bat naman ako naglilihi haynako manang" natatawang sabi ko kay manang. At sya naman ay namaywang lang at tumingin sakin nang pagkataas taas.

"Huh! Dumaan na ko sa ganyan iha papunta ka palang pabalik na ko, Hindi mo ko maloloko."

Ano ba kasing pinagsasabi ni manang?

"Siguro naman nag aaral kayo tungkol dyan sa pagbubuntis diba?"

Meh? Bat napunta sa buntis to?

Wait a minutes

Buntis?

Buntis???

Buntis????

Napahinto ako bigla at napaisip wait wait don't tell me buntis ako? Pano? Ano? Bakit?.

Inisip ko yung mga nangyayare sakin nitong mga nakaraan.

Lagi akong nagsusuka
Lagi akong naglalaway sa mga pagkain
Lagi akong nahihilo
Tapos parang ang babaw babaw ng luha ko.

What the heck? What wrong with me?

And last

3months na akong di nag kakaroon.

Am i pregnant?

The who the hell is the father of my unborn child?

Pero diba kailangan munang mag pt? Baka naman may sakit lang ako hahaha masyado lang akong nag isip nang kung ano ano hayst.

"Ano ba yan manang? Eh wala nga akong boyfriend tapos mabubuntis ako?"

"Ala e ano pala itong si drake?"

Opss



OMG!!!!!

I remember something may nangyari nga pala samin ni drake omaygaad.

No no no no no no!

Hindi pwede to!

Nooo

"Oh eto gamitin mo to iha alam kong nag iisip ka na ngayon, wag kang mag alala malay mo may sakit ka lang pero mas mabuting mag gamit ka nito para malaman natin, hindi ko naman ito ipagsasabi sa mommy mo o sa daddy mo ikaw na ang bahala dun, sa kalalagayan nyang kung positibo ba" paliwanag ni manang.

Ayoko! Ayokong gamitin yan natatakot ako.

"Ma-manang a-ay-yoko po". kinakabahang ani ko.

"Bakit kasi natatakot ka?".

"O-opo".

"Bakit ka natatakot?".

"Sa kalalabasan po e".

"Wag kang matakot iha pwera nalang alam mo dyan sa sarili mo ang magiging kalalabasan nyan".

Fvck hinuhuli huli ata ko nito ni manang e?



TO BE CONTINUED

A/N:
Haaaays nakapag ud din sa wakas so ayon readers kung meron man another update ulit itooo pamasko ko na sainyo hehe sorry kung ang bagal ko mag ud pero promise babawi ako sainyo.

Kung may tanong kayo just comment below and vote na din kayo thankyouu

My Gay Bestfriend Got Me PregnantWhere stories live. Discover now