Riva
****
Bagong bahay, bagong school, bagong pakikisama, panibagong pakikibaka!
Ganito kami taon-taon. Kami yung pamilyang literal na NPA!
No Permanent Address.
Kung saan saan na kami napunta ng pamilya ko. Siguro dahil ganun talaga ang klase ng trabaho ni papa at mama.
Si papa ay isang Biochemist, si mama naman ay Anthropologist.
They're both successful in their careers but I don't really understand like what the hell? Bakit kailangan naming lumipat ng lumipat sa iba't ibang lugar dito sa Pilipinas. Dinaig pa namin ang mga no mads sa dami ng napuntahan naming lugar.
Minsan natanong ko na 'to sa kanila kung may tinatakasan ba sila? Drug lord ba sila o kung anu-anong sindikato sila kabilang kaya kami nagpalipat-lipat sa iba't ibang lugar? Pero imbis na sagutin nila ako ay pinagtawanan pa.
Bumalik lang ako sa kasalukuyan ng matabig ni papa ang balikat ko.
"Sorry!" sabi niya at naglakad na papasok sa bagong bahay namin.
As usual eto na naman ako nakatingala sa bungalow house sa harapan ko. Ang laki nito para sa'ming tatlo. Nagtataka nga ako eh, kung saan nakukuha nila mama at papa 'yung mga perang pinambibili nila sa mga bahay na nagiging amin at sa huli iiwan din naman pala namin.
Nakakapanghinayang lang kasi pati mga kaibigan ko dati ay di ko na nakikita dahil paiba-iba din sila.
Kaya sa huling dalawang lugar ay halos hindi ko na in-attached ang sarili ko sa mga bagong kakilala ko. Alam ko na kasi ang mangyayari eh.
"Alam ko iniisip mo" ngumiti si mama ng tumingin ako sa kanya.
Di ko naramdaman na tumabi siya sa akin sa pagkakasandal sa sasakyan namin.
"Soon, you will understand my dear" ngumiti ulit siya sa akin at binigyan ako ng matamis na ngiti.
Di ko man maintindihan kung anong ibig sabihin ni mama ay pinilit kong ngumiti. Kahit na maraming tanong sa utak ko na hindi ko mahanap ang sagot.
Soon, you will understand
Paulit-ulit niyang sinasabi sa akin tuwing may bago kaming malilipatan na lugar.
"I love you!" humalik siya sa pisngi ko.
"I love you ma." sabay kaming pumasok sa loob ng bahay.
*******
Alas onse na ng gabi pero di pa rin ako makatulog. Kanina pa ako paikot-ikot sa kamang ito. Di ko alam kung excited ba ako para bukas este mamaya o kinakabahan. Sabi kasi ni mama sasamahan na daw niya ako sa bagong school na papasukan ko.
Sabi niya pa mas kakaiba daw ang school na 'to. Mas macha-challenge daw ako kesa sa mga past school na pinangalingan ko.
After namin kumain kanina ay nakaramdam na ako ng antok, pero ewan ko ba? Pagdating ko sa kwarto ko ay parang mas naging hyper ako. Parang may bolta-boltaheng kuryente ang dumaloy sa mga ugat ko.
Daig ko pa ang kumain ng isang bag ng chocolates. Pinipilit ko ang sarili kong makatulog pero wala pa rin.
Minabuti kong bumaba muna para maghanap ng makakain sa ref. Habang naglalakad ako ay napansin kong bukas ang pinto ng kwarto nila mama.
Hindi ko naman ugali ang sumilip sa kwarto nila dahil alam kong busy sila sa mga studies nila about sa career nila, pero ewan ko ba kung bakit parang may kung anong nagutos sa mga paa kong lumapit mula sa maliit na siwang ng pinto.
Mula doon ay kita ko ang isang computer na nakabukas. Pero hindi eh, computer ba 'yun? Tanong ko sa sarili ko. Mas tumaas 'yung curiosity kaya nagmasid pa ako lalo. Ngayon ko lang napagtanto, na parang hologram 'yun.
Isang matandang lalaki ang kausap ni papa. Hindi ko masyadong maintindihan kung ano ang pinaguusapan nila dahil medyo mahina ang mga boses nila. Para silang nagbubulungan pero alam kong natatalo sila.
"Alpha!"
Mabilis akong lumayo sa pinto. Nakita ba ako nung matanda? Mabilis ang lakad kong bumalik sa kwarto ko.
At tama ang hinala ko sumunod nga si papa. Ramdam ko ang yabag na papalapit sa kwarto ko.
Nagkukunwari akong tulog nang maramdaman kong binuksan niya ang ilaw. Nawala ang yabag.
Idinilat ko sa hangin ang mata ko para mamula. Siguradong hindi ito maniniwalang nakatulog na ako at nagising dahil sa kanya.
Ramdam ko ang unti-unti niyang pagangat sa kumot.
Ayokong mahuli ni papa. Tiyak na hindi lang palo ang aabutin ko.
Kunwari gumalaw ako ng matanggal niya ang kumot. I played with my mouth, sabi kasi ni mama ganun daw ako matulog. Gumagalaw yung bibig ko pagnaiistorbo sa tulog.
"Pa..." sabi ko habang nagkukunwari paring kakagising lang.
Kunwari ay nag inat pa ako.
"Shhh" sabi ni papa. "stay asleep, sorry sa istorbo" sabi niya at inayos ang kumot ko. Agad naman akong bumaluktot patalikod sa kanya. Gusto kong tumawa ng malakas dahil naisahan ko si papa. Pigil na pigil lang ako dahil ramdam ko na nakatingin pa rin siya sa akin mula sa pintuan ng kwarto ko.
Namatay ang ilaw hudyat na wala ng ibang tao sa kwarto ko. Saka ako humagikhik ng mahina.
Muntik akong mapasigaw ng biglang bumukas ang ilaw ulit.
"Di mo na ako maiisahan Riva!" ramdam ko ang galit sa boses niya.
Mabilis naman akong pumikit ulit. Rinig ko ang tibok ng puso ko. Nakow! Siguradong yari talaga ako.
Hindi na ako tumawa nung namatay ulit ang ilaw. Mas pinilit ko nalang na makatulog ako.
No more no less! Bukas este mamaya na ang sintensya ko.
Pinipilit ko makatulog na, pero wala pa rin akong ideya kung bakit hangang ngayon ay gising pa din ang diwa ko.
I know she can do it! Trust her ability! She'll gonna make it!
'Yon lang ang masyadong nagbigay sa akin ng impact. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ako 'yung pinaguuspaan nila. And that old man know me, I knew it. Kaya pala parang kilala ko siya eh. Familiar sa akin 'yung hitsura niya. Hindi ko lang alam kung saan o kung kailan ko siya na meet.
Basta ang alam ko kilala ko 'yung matandang iyon. It felt strange, parang may malakas na pwersa ang gustong-gusto ko siyang makita sa personal pero paano? At kung saan?
I have a feeling na may maisasagot siya sa mga katanungan ko.
Saan ko ba siya mahahanap?
Saan ko makikita?
Ilan lang 'yan sa mga katanungon ko.
YOU ARE READING
Code Name Alpha
Science FictionRun as fast as you can. But you can't hide! Code Name Alpha is a story of a girl named Riva, A.K.A Alpha! Riva is a high school girl, pero bata palang ay nagpaiba-iba sila ng lugar na tinitirhan. Dahil sa klase ng trabho ng parents niya. Ang kanyang...