Bilis ko magupdate, ganun ba pag broken hearted... BOOM! okay korni.
vote and comment. =))
PICTURE PO NI KIRT SA RIGHT SIDE MULTIMEDIA ----->
-KA<3
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
GABE'S POV
Halos dalawang linggo narin simula ng napagdesisyonan ko na layuan muna si Seph. Nagkikita naman kami sa university, minsan naaabutan ko siyang nakasulyap sakin sa cafeteria. Mukhang gumana yung plano niya, mukhang tama nga siya na kakayanin niya kahit na magisa lang siya. For the past few days, nachichismis na nagpapaligaw na daw si Kirt kay Seph. Maraming imbyerna at maraming natutuwa dito.
Tuesday ngayon at walang mga prof. sa university, may orientation kasi sila sa baguio. O diba? bakasyonista lang ang peg nila. Habang kaming mga dakilang estudyante ay nagkakandaugaga kakagawa ng mga tambak ng gawain na iniwan nila. Sweet ng mga prof. no? HAHAHAHA
Wala akong ginagawa kapag dating ng lunch, nakatunganga lang ako dito sa cafeteria. Minsan sinasamahan ako ni Kyle, minsan si Elie. Pero kadalasan kasabay ko ang mga kaklase ko, meron pa nga akong palaging nakakasabay dito paglunch. Kabatch ko siya, pogi naman siya kaso medyo weird mahilig siya sa palaka. Punong puno yung bag niya ng puro keychain na palaka, yung bag niya gawa sa balat ng palaka yung sapatos. Basta kahit ano na pwedeng gawin sa palaka meron ata siya.
Last week ko lang siya nakilala, pinakilala nila Poy at Bogs sakin. Kaklase ko sila at para ko na silang kapatid, kateam nila si Seph. Sabi nila crush na crush daw ako ni Neil, neil kasi yung pangalan nung ka-batch kong mahilig sa palaka.
Kaya pinagtripan nila ako at yung Neil na yon. Kinulong nila kami sa classroom, don ko siya sinumulang kilalanin. Hinde naman pala siya sobrang weird medyo lang....Slight lang. Puro palaka ang topic namin, yung mga klase ng palaka. In short, para akong nakulong ng ilang oras kasama si Kuya Kim. Okay lang naman at marami rami rin akong nalaman. Pagkatapos namin magusap non, sabay na kami minsan maglunch.
Niloloko nga nila ako na baka kami na daw at ayaw ko pang umamin. Pinagtatawanan nga nila ako kasi wala akong malay na kaklase ko pala si Neil sa lahat ng klase ko. Napakamot na lang ng ulo sila Poy at Bogs sa sobrang bobo ko. HAHAHAHA
Tinext ko ngayon si Elie, kung pwede niya ba akong samahan para mag-lunch. Hinde naman siya nasagot, busy-busyhan ang bakla.
Nagdrawing nalang ako pampalipas oras..... hala sige sketch lang ako ng sketch. Nang may biglang umupo ......si Kyle.
"Forever Alone ka talaga. tsssk" pangaasar nito.
"Mangaasar ka nanaman, lubayan mo na nga lang ako."
"Taray ni Ate.... meron ka ngayon no?" sabay smirk nito. Pogi :)
"Wala, nandidito ka nanaman mangbwibwiset ka nanaman!"
"Eto naman..... sinasamahan na nga kita para hinde ka mukhang forever alone eh." sagot nito.
"Shut up..... hinde ako forever alone.. sadyang busy lang ang mga kaibigan ko, alam mo naman kaming mga Engineering." pageexplain ko
"Eh bat ikaw nandito? Engineering ka din naman di ba?" pangasar na sabi nito.
"Eh ikaw.. nasaan ang mga tropa mo at nandito ka nanaman para mambulabog?" sagot ko.
"Hinde ako nambubulabog, saka may lakad sila Seph eh."
"Ewan, makaalis na nga!" tumayo na ako at nagsimulang maglakad ng biglang hinablot ni Kyle yung bag at mga gamit ko.
BINABASA MO ANG
Sweet Revenge
General FictionFalling in love with your bestfriend while he's deeply in-love with a different type of girl. Epic right? A story about love, friendship and REVENGE. Or should I say SWEET REVENGE.