Chapter Four
“Idiretso mo lang 'tapos kumanan ka roon sa dulong kanto,” pagbibigay niya ng direksyon kay Brandon.
She sighed. S'abi na nga at mali ang pumayag pa siyang magpahatid sa lalaki. Simula ng makasakay ito sa kotse ay wala na itong imik at tila may itim na aura na bumabalot dito. Gusto man niya itong tanungin ay tila laging umuurong ang dila niya kapag tinitingnan ito. He looked like he would eat her alive if she dared talking to him.
“'You okay?” narinig niyang tanong nito. Am I okay? Ikaw dapat ang tinatanong ko niya. But to answer your question...
“Yes.” No. “Ikaw ba?”
“Fine,” tipid nitong sagot.
Fine? Duda siya roon. Maayos ito kanina sa shop habang kausap nila si... Olivia.
Ah... Now she understands. Sumama siguro ang timpla nito dahil napilitan itong iwan ang babae roon para lang ihatid siya. But he didn't have to do this, right? Hindi naman niya ito pinilit o kung ano pa man. Ang tanging rason na naisip niya para gawin ito ng binata ay para maipakita kay Olivia na gentleman ito, that he is reliable and thoughtful. Yeah, that should be it.
Mapait siyang napangiti sa sarili. Gusto niyang paniwalaan na totoong mabait ang lalaki, na hindi pakitang-tao lamang ang ginagawa nito simula n'ung una niya itong makita. That someone as perfect as him could also be gentle and kind to her.
“Which one is your house?”
Napatingin siya sa labas ng bintana. Hindi niya namalayang malapit na pala sila sa bahay ng mga magulang. “Ahh... Pakihinto na lang doon sa kulay cream na bahay na may katabing puno ng mangga.”
Tumango lang ang binata sa kanya bilang sagot.
Mula sa loob ng sasakyan ay kita niyang nakaabang ang pinsan niyang si Mike sa may gate nila. Just like the last time she saw him, he still looked dashing.
“We're here,” anunsiyo ni Brandon. Agad itong kumilos palabas para sana pagbuksan siya ng pinto nang maunahan ito ni Mike.
“Hello there, princess,” bati ni Mike sabay yakap sa kanya ng mahigpit. “I'm glad to see that you're doing great.”
“Ahh... H-hello, Mike,” utal-utal niyang sabi.
Kumalas ito sa pagkakayap sa kanya at binalingan si Brandon na nakatayo lang malapit sa kanila. “Thank you for driving Eclair here. Malapit ko na kasi pagselosan 'yong mga librong binabasa niya.”
“W-what are you saying?” nanlalaki ang mga mata niyang tanong sa pinsan. Nang sulyapan niya si Brandon ay tila mas dumilim ang aura nito.
“Nothing much,” her cousin happily said while lightly tapping her head. He seemed happy about something she doesn't know.
“By the way, my name is Mike,” pakilala ng pinsan kay Brandon bago nakipagkamay sa lalaki. “Maraming salamat uli sa paghatid mo kay Eclair dito.”
“I'm Brandon Cerna, at walang anuman. I'll do anything for her,” ani ng lalaki sa isang sinserong tinig.
Pakiramdam niya ay tumagos sa puso niya ang sinabi ni Brandon. Kung isang malaking echos lang iyon ng lalaki ay wala na siyang pakialam. Gusto niyang paniwalaan ang sinasabi at kinikilos nito sa harap niya dahil pinaghihilom n'un ang sugatan niyang puso.
“Hmm... So paano? Papasok na kami.” Kinuha ni Mike ang kamay niya at muling tiningnan ang lalaki. “Salamat uli. 'Ingat ka sa pagda-drive.”
BINABASA MO ANG
Books and Coffee and Love
RomanceThere are lots of people saying that it is impossible to find true love in a bookstore. But I want to make it happen. At least in my imagination. :)) So, here's the story of Eclair and Brandon. <3