PROLOGUE

24 0 1
                                    

"Mia, tara canteen tayo ginugutom ako, mamaya mo na gawin iyan, ang rinig ko wala daw si Sir Fabio at may pinuntahang seminar tsaka hanggang thursday pa naman iyan ipa-pass."

Di ko pinansin si Rai at pinagpatuloy ang ginagawa. Iyan din sabi nila nung nakaraan na kesyo absent daw si Sir ganito ganiyan and guess what happened muntik na akong walang mai-pass dahil di ko pa tapos at masyado akong nagpakampante nung sinabi nilang wala si Sir. Buti na lang at mabait si Sir at pinagbigyan kami na kinabukasan na lang kami mag- pass.

Sir Fabio is one of the fresh grad. teachers that we have. Ang totoo niyan mas matanda pa siya sa ibang fresh grad dahil nag-aral pa siya ng Business bago ang Educ. Unang take pa lang niya ng exam ay nakapasa na siya agad at ang ganda rin ng background niya nung nag-aaral pa siya kaya di na niya kinailangang mag-apply sa private achools para makakuha ng experience. I'm going to be honest, Sir Fabio is really handsome at medyo bata pa kaya maraming nagkakagusto sa kanya maliban DAW kay Rai na bestfriend ko.

"Paano kung false alarm na naman iyan at wala namang pinuntahan si Sir? Edi wala ka na naman maipapasang requirement sa kanya?"

"Sa huwebes na lang ako magpa-pass tsaka ano ka ba, this time totoo na 'to. Sinilip ko iyong faculty kanina at wala siya dun, eh vacant niya ang second hour ng class diba?"

"Ewan ko? Malay ko ba sa mga schedule ng mga teachers natin. Ikaw? Bakit alam mo schedule ni Sir? Are you stalking him?" nakatungo pa rin ako sa ginagawa kong Portfolio pero nagawa ko siyang sulyapan para tignan ang kanyang naging reaksyon and there I saw it.

Gotcha girl. Nakabukas pa rin ang bibig niya na bahagyang nagulat at nakakunot ang noo na tila nag-iisip ng isasagot... Deny pa ng deny eh alam ko naman gusto rin talaga niya si Sir ayaw lang magpahalata dahil nga ayaw daw niyang maging kasali sa mga fangirl ni Sir.

"W-what? M-me?" Bahagya pa siyang nainis dahil sa pagkabulol niya at di ko maiwasang matawa.

"Stop Laughing! I'm not stalking him or something. Gaaahhhd I'm not into him."

"Ok sabi mo eh" I said as I continued doing my Portfolio and "Done, tapos ko na iyong akin Rai. Do you want to see?"

"Patingin nga para naman may idea ako sa gagawin ko. Si Sir kasi di man lang maipaliwanag ng maayos iyong mga sinasabi niya di ko tuloy alam gagawin ko."

"Here" sabay abot ko sa kanya ng portfolio ko "Ang sabihin mo di ka lang nakikinig kay Sir Fabio. Ito may pagkain ako, gusto mo? para di na tayo pumunta ng canteen." Inabot ko sa kanya iyong biscuit na kinuha ko sa tindahan namin bago pumasok.

Mahal ang mga tinda sa canteen namin kaya naisip ko na simula ngayon magbabaon na alng ako. Malaking tipid din iyon para sa akin lalo na't hindi naman kami mayaman. Sa umaga bago ako pumasok ay tinutulungan ko muna si Mama na gumawa ng kakanin na tinitinda niya sa bayan kapag may tinda at kapag wala naman ay nilalako niya sa mga bahay bahay. Sa gabi naman ay ako ang nakatokang magbantay sa tindahan namin. May mga tinitinda din kaming balut at chicharon, tabi kasi ng highway ang bahay namin kaya sinamantala na namin magtinda ng ganun para kung sakaling magutom man ang mga bumibiyahe sa daan.

"Ngayon mo lang sinabi eh patapos na iyong recess. Tara na sa classroom dun na tayo kumain."

Tumayo na kami sa inuupuan naming bleachers na malapit sa may library. Medyo may kalayuan sa classroom namin kaya kailangan na talaga naming bumalik 10 minutes bago mag-end iyong recess lalo na't hindi naman namin sigurado kung wala ba talaga si Sir Fabio at sa 3rd floor pa ng buiding namin ang aming classroom.

"Mia, mauna ka na sa classroom."

Nilingon ko si Rai at tinanong "Ha? Bakit? Saan ka pupunta? Paano pag meron pala si Sir? Edi late ka na?"
Hawak-hawak niya iyong cellphone niya at halatang may ka-text. Sigurado ako iyong boyfriend na naman niya iyan

Shattered DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon