First day of school na namin ngayon at muntikan pa ako malate kasi naman sa BGC yung school namin at dumaan pa ako ng dorm para ihatid yung mga gamit ko, actually di naman kalayuan ang bahay namin sadyang matraffic lang talaga tuwing umaga kaya ayun.
Charot, kaya lang talaga ako nagdorm para pwede akong gumala anytime nang walang bantay sksksk
Pumunta na ako ng 3rd floor at agad naman akong lumapit sa bulletin board kung saan nakapaskil yung mga sections. Ang maganda pala sa school namin is hindi by rank ang sectioning, halo halo kami sa isang classroom kasi dzai, kung by rank jusko malamang sa malamang nasa pinakadulo ako.
Pero di ako bobo ha, nakakasagot naman ako sa exam depende nga lang kung matalino yung katabi ko. Kaya nga di ako tumatabi kay julia tuwing exam kasi ano na lang mangyayare samin? Baka biglang lumitaw at mapakanta ang parokya ni edgar ng bagsakan dahil samin ng di oras.
Nagsign of the cross pa ako bago tingnan yung list. Lord naman last year na 'to at last chance kona rin para lumandi. Pagod na ako kaka "sana ol" beke nemen.
Class 305
Gianna Morin
*at kung sino sino pang mga nilalang*
-Nothing follows
Ilang beses kong tiningnan yung list kung nasaan ako pero wala si yoongi. Di na ako nagabala pa na tingnan kung saan siya nakaassign dahil baka mabadtrip pa ako at 2 minutes nalang magsstart na kami.
Pagpasok ko sa room konti pa lang tao, wao may mga mas tamad pa pala sakin akalain mo yun.
Nagpalinga linga ako sa room para maghanap mg magandang spot at shuta I can't believe my eyes.
BA'T NANDITO SI YOONGI SA ROOM KO??
Bumalik ako sa pinto para tingnan yung master list na nakapaskil. Class 305 nga pero ba't siya nandito? Lord eto na ba yung sign? Ikakasal na ba kami? AAAAAAAAAHHHHHH pero wala na akong pake basta nandito siya uwu
Pinagmasdan ko si yoongi na nasa second to the last row sa kanan. Nakahoodie siya habang nakaearphone at nakasandal sa gilid. Shet mas lalo siyang pumogi at kuminis, alagang vicky belo ata to eh.
Sakto naman na wala pa siyang katabi kaya pakonti konti ko siyang inapproach baka kasi magising patay tayo diyan. Si yoongi kasi yung tao na pag ginising mo maghukay ka na ng libingan mo.
"Uhm excuse me gianna, the seat is taken" sabi ng isang dimunyu at sumingit sa tabi ko. Nakuha naman ang attention ni yoongi at napatingin sakin at ang sama ng tingin niya.
Hoy di ako yung nangistorbo ah si nikki yun!
Punyeta ka nikki eto na chance ko makatabi si yoongi eh! Di sana masarap ulam niyo mamaya!
Wala akong nagawa kaya umupo na lang ako sa likod nila. Wala akong maisip dito kundi bunutin ko kaya yung buhok niya isa isa no?
"Nikki di ka ba natate?"
Parehong napalingon sila sakin at sinamaan ako ng tingin. Baka lang naman eh hehehe. Sana matae siya no para pag pumunta siya sa CR pwede ko siya agawan ng upuan, kaso mukhang desidido na tong isa eh, kahit pa ata matae siya okay lang.Bumalik si yoongi sa pagkakasandal at mukhang natulog ulit, wala naman akong nagawa kaya umupo nalang ako sa likod ni yoongi. Si nikki naman ay nagreretouch ng makeup mukha parin namang tanga. Buti nalang at dumating si julia dahil magkaklase din kami at pinatabi ko na sakin.

BINABASA MO ANG
How To Get Your Crush To Like You Back / Min Yoongi Fanfic
RomanceHow to Get Your Crush to Like You Back / Min Yoongi Fanfic