Chapter 15

44 5 0
                                    

--------

[ Krystel's POV ]

BZZZZZZZT BZZZZZZZZT

Marahan kong kinapa ang nag vivibrate na cellphone ko.Sino ba ito?kahit kelan talaga may panira ng tulog aiiisshhh.

Calling : 0975*******

Sino naman ito?

"Hello"

Time check :

6:00 AM

Ayos may alarm clock ako.Buti nalang may gumising na naman sa akin.

"Hello" paguulit ko kasi hindi naman siya sumasagot.

"Sino ka ba?tatawag tawag ka hindi ka naman pala sasagot.Sasagot ka o iba---"

"Happy birthday bestfriend

Happy birthday bestfriend

Happy birthday

Happy birthday

Happy birthday dear Krystel"

Napangiti ako sa boses na narinig ko.

Siya lang pala

Haaaayyy ! Nakakainis talaga siya

Kahit di niya ako nabati last year siya naman ang unang bumati sa akin ngayon.I miss Danica so much,kailan kaya siya babalik?marami kasi akong tanong sa kanya.Isa na doon ay kung bakit di siya nagpaalam man lang na umalis siya.

Ganon pa man hindi naman ako galit sa kanya.

"I miss you bhes.See you soon"

Toooooot toooooooot ----

Call end..

Ano ba yan,hindi man lang ako pinagsalita.At kelan ba yang soon na yan?

June 28,ito yung kaisa isang araw na siguradong sasaya ako.Simula nong magisa nalang ako sa buhay.Naging malungkot na ako,pero kada dadating ang araw na ito.Pakiramdam ko normal pa ang buhay ko.Pakiramdam ko kasama ko parin ang pamilya ko sa pagdiriwang ng kaarawan ko.

Kahit na wala na sila,andyan naman sina Lei at ate Joding para sa special day ko.

Kaya hinding hindi ko makakalimutan ang araw na ito.Kada dadating ito,hindi ko talaga mapigilang ma excite.

.

.

Pagkatapos ng kadramahan ko naligo na ako.

Napatigil ako nang makita ko kung ano yung nasa lamesa.May cake na may nakasinding 17 candle at malapit nang malusaw.

Tapos may mga ballons pa, na prepared narin ang breakfast ko.Dali dali akong lumabas para tingnan siya pero mukhang nakaalis na siya.Alam kong mangyayari na naman ito pero nagugulat parin ako sa tuwing makikita ito.

Kinuha ko yung papel sa tabi ng cake at binasa.

WAIT! MAKE A WISH AND BLOW THE CAKE MUNA BAGO MO ITAPON TONG SULAT.

Napatawa ako doon.Kelan ko ba itinapon ang mga sulat niya sa akin?

Ginawa ko naman ang nakasulat.

Palagi na itong ginagawa ni ate.Siguro kaya hindi siya nagpapakita sa akin tuwing birthday ko dahil alam niyang mgalit ako sa kanya.Alam kong iniisip niya na kapag nagpakita siya sa akin,masisira lang itong araw ko.Pero gumagawa parin siya ng paraan para mabati ako.

You're lucky,I'm inlove with you(ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon