Ilang oras na akong nakatunganga sa kwarto ko, papasok ba ako hindi? Magpatransfer kaya ako?
"aaaAAAAHHHHHHHHHHHHHHH" Sigaw ko habang umiiling. Pano ba naman kasi naaalala ko na naman yung mukha kahapon ni yoongi. Akala mo nasapian ni bakugo eh, gALET NA GALET US2 MANAKET????
*Flashback*
"WHAT THE FUCK ARE YOU DOING MISS MORIN??!!" Sigaw ni yoongi na umalingawngaw sa buong classroom.
"A-ano u-uhhh, WALASIGEBYE" nataranta na ako dahil halata na ng galit at inis sa mukha ni yoongi. Juskopo ayoko pa mamatay.
Dali dali na akong bumaba gamit ang hagdan, pag nag elevator pa ako malamang sa malamang maabutan niya ako. Pagbaba ko sa ground floor kung saan naghihintay si Julia ay agad ko na siyang hinila kahit pa hinihingal na ako.
"Aray ko teh dahan dahan naman? Bat ka ba nagmamadali?" Tumigil kami sandali dahil baka madapa pa ako dahil nanginginig yung tuhod ko. Naalala ko na naman yung mukha ni yoongi, akala mo sinapian ni bakugo eh, gALET NA GALET US2 MANAKET????
"W-wait" Baka lang naman pwede huminga noh?
"Namumutla ka ba?" Nakakunot-noong tanong ni Julia
"Julia alam mo ba kanina-"
"Miss Morin!" Sigaw ni yoongi sa di kalayuan kaya naman napatingin lahat ng estudyante sakin. Napayuko nalang ako at hinawakan ang braso ni julia.
"Uh-oh. Julia Takbo!" Sabi ko at hinila na si julia na mukhang clueless parin palabas ng school. Gaano ba kahaba ang biyas niya at naabutan pa kami?
*End of flashback*
In the end di na kami nakapagsamgyup ni julia kahalin dahil sakto naman na may kakababa lang na taxi at nagpadiretso na kami sa dorm. Hanggang ngayon nga kinukulit parin ako ni julia kung anong nangyari kahapon pero di ko pa rin masabi. Imagine ghurl yung crush ko na patay na patay ako ng ilang taon lalake din pala gusto? Edi sana pala ginawa ko nalang siyang bff dati pa edi nagkasundo kami sa make up.
Pero may part parin sakin na hindi naniniwalang vavae si yoongi, ilang taon ko nang crush si yoongi at ilang taon ko na rin siyang pinagmamasdan sa kalayuan and It is just so different the way he acts. Namisunderstood ko lang kaya?
Pero punyeta ano bang ginagawa ko dito? Malalate na naman ako wala pa naman akong karamay dahil di makakapasok si julia dahil may emergency daw. Tumayo na ako at sinuot na yung uniform. Hay bahala na si barbie
Pagkarating ko sa school ay dumiretso na ako sa locker para kunin yung libro ko. Nagpalinga linga pa ako kasi baka nasa tabi tabi lang si yoongi, minsan pa naman parang pysa yun na bigla bigla nalang lalabas?
"Sinong hinahanap mo?" Tanong ng lalake sa likod ko.
"Si yoongi hehe" sagot ko habang nagmamasid parin sa gilid.
"Anong kailangan mo?"
"Bat ka ba tanong nang tanong chismoso ka rin eh" sabi ko at nilingon na yung epal sa likod ko na ikinalaki ng mata ko.
"Really chismoso?" Tanong niya habang nakasmirk.
"Hehehe sige na yoongi una na ako nandiyan na ata si Miss Berdin sa room" sabi ako at minadaling sinarado yung locker ko na kamuntikan ko pa malaglag yung padlock sa sobrang taranta.
"May meeting sila" simple niyang sabi. Unti unti naman siyang lumalapit sakin. Kakainin niya ba ako ng buhay? Okay lang naman HAHAHAHAHAHA Charot
Maya maya naman ay inilahad niya yung kamay niya. Ano problema neto? nagugutom ba siya? kinuha ko yung candy kanina at nilagay ko sa nakalahad niyang palad sakin.

BINABASA MO ANG
How To Get Your Crush To Like You Back / Min Yoongi Fanfic
RomanceHow to Get Your Crush to Like You Back / Min Yoongi Fanfic