___ ___ ___ ___"Hi Bianca are you busy now?" tanong ng kausap ko sa kabilang linya. Katatapos ko lang aralin ang kaso kung anong susunod kong gagawin nang tawagan ako ni atty. yes yong bunso Francisco ang kausap ko ngayon. Isang buwan narin kaming magkaibigan at makulit pala ang isang ito.
"Hindi naman masyado,bakit napatawag ka?" kahit siya hindi nito alam kong anong trabaho ko at mabuti naman hindi niya ako nagawang imbestigahan. Pero siguro ginawa na yon hindi ko lang alam. Narinig kong napatawa ito sa kabilang linya ang husky talaga ang boses ng kumag na to'.
"Hmm..gusto sana kitang yayaing kumain sa labas,kung okay lang sayi.?" napa tssk na lang ako. Ilang beses na rin niya akong niyayang kumain sa labas kaya lang hindi ako pumapayag. Ayoko ngang siya ang magiging first date ko no! mas gusto ko pang makafirst date ang kuya niya dream on Gabrielle' ano ba itong pinag iisip ko. Gusto kong batukan sarili ko sa naiisip ko.
"You know kung ano isasagot ko diyan di ba?" sino ba namang hindi alam eh ilang beses ko na siyang tinanggihan kahit isang buwan na ang pagkakaibigan namin. Minsan sa cafe kami nagkikita dahil doon talaga ito minsan hindi ko nga alam kong bakit nandoon yon lage. Nagugulat nalang akong kinakawayan nalang niya ako pagpumapasok ako sa cafe.
Pagkababa ng tawag niligpit ko na ang mga gamit sa lamesa saka pumasok sa banyo at nagbihis. Pagkalabas ko nasalubong ko ang isang pulis na kasamahan ko din. Tulad ko nakabihis na din ito dahil alam ko pareho namin tinatago kung sino talaga kami. Kasama ko din siya sa intel isa din siyang pinagkakatiwalaan ni general.
"Wala bang utos sa kabila?"tanong nito. Alam ko ang tinutukoy niya umiling lang ako."May binigay sakin si general inaaral ko pa."anito. Kaya tiningnan ko siya na nagtatanong na mga mata dahil wala naman akong nabalitaan na may ibang kaso pinapahawak si general.
"Anong kaso?"balewala kong tanong,kinuha ko ang susi sa bulsa at pinindot para buksan ang kotse ko. Magkalapit lang ang kotse namin kung saan ako nakaparada sabay kaming naglakad.
"Ang sindikato ng mga druga, at isa pa iimbestigahan ko pa, mukha pinupunterya ang Chua's winery ang CEO nun."sagot nito napatango tango naman ako. Kilala ko ang kompanyang yan,sino ba ang hindi yan ang sikat na pagawaan ng iba't ibang alak sa buong asya. Sila ang may pinakamalawak na pagawaan ng wine na sobrang sarap ang timpla sa panlasa ng lahat. Kaya nga isa din ang mga Chua sa pinakamayaman buong asya nabibilang din sila.
"Nag iimbestiga din ako,pero confidencial sabi ni general." sabi ko. Tumango lang ito,alam nito pag sinabing confidencial naiintindahan na niya.
"Sige good luck na lang sa mga kasong hawak natin." tinapik ko ito sa balikat tumango naman saka sumakay na kami sa kotse.
Tinahak ko ang daan papunta sa bahay ng mga magulang ko dahil ilang linggo na rin akong hindi umuuwe dun nagtatampo na naman ang maganda kong ina. Sa sobrang busy sa kaso hindi ko na sila nadadalaw hanggang tawag nalang ang ginawa ko. Naiintindihan naman ako ni papa pero ang mama hanggang ngayon hindi niya pa rin naiintindihan ang trabahong pinasok ko. Nag aalala pa rin ito sakin,pero ito kasi nagpapasaya sakin ang makatulong sa ibang taong nangangailangan kahit buhay namin ang nakasalalay sa trabaho namin.
Pagkapark ko ng kotse sa tapat ng bahay agad akong bumaba at pumasok sa gate. Bukas ang mga ilaw siguro may bisita ang mga ito wala naman silang sinabi sakin.
Nasa labas na ako ng pinto nanag makarinig ako nang ingay sa loob hindi na ako kumatok binuksan ko agad. Sanay naman silang ganun ang gawain ko. Pagbukas ko ng pinto nabungaran ko ang mga itong nag uusap usap sa sala. Ang mga tiyahin ko pala kasama ang mga asawa nito."Oh Gabrielle,!" si tiya Emily ang unang pumansin sakin katabi nito ang tiyo Kaloy ang asawa nito.
"Anak,buti napadaan ka dito." sabi naman ng papa ko. Lumapit na ako sa kanila at isa isang nagmano bilang paggalang ko sa mga ito.
BINABASA MO ANG
HOTMEN SERIES:4 CHIEF OF POLICE (COMPLETED)
Storie d'amoreMatured scenes..for adult only.. JUSTINE FRANCISCO A CHIEF OF POLICE WHAT HE WANT'S HE GET. MAKUKUHA NIYA KAYA ANG GUSTO kong isang kadugo niya ang kakompetensya? This story of Justine ay gawa lamang ng lumalakbay kong isipan.Wag seryosohin dahil h...