Chapter 1
This is not a fairytale. This is a world of crying people. A world where reality exists.
I held her warm hands again and tried to memorize every details of her hands. This is heaven for me. To know that she's still with me. With us.
Tiningnan ko ang namumutla niyang magandang mukha. Marami ng pagbabago sa panlabas niyang kaanyuan pero siya pa rin ang Alexandra na minahal ko at patuloy na mamahalin.
Ang dating maganda at tuwid na buhok niya ay wala na. Kinailangan nila siyang kalbuhin para sa naging operasyon na wala ring naidulot na maganda.
Ang dating malambot at mamula-mulang labi niya na madalas ay may magandang ngiti ay nanlalamig at unti unti nang nangingitim.
Kung dati ay payat na ito...mas lalo itong pumayat ngayon.
Ang dating malakas at astig kong Alexandra ay nanghihina na. Wala na ang dati niyang lakas. Kung pwede lang na ibigay ko sa kanya ang natitira kong lakas ay gagawin ko. Pero wala ng ibang paraan. Isa na lang ang kailangan naming gawin, iyon ang ihinto ang makinang bumubuhay sa mahal ko at palayain siya.
Pero hindi namin kaya. Hindi pa namin kaya. Hindi namin alam kung kakayanin naming isuko ang isang taong naging mabait at mapagmahal sa aming lahat.
***
"Otep, ano 'yang binabasa mo?" tanong ng isang ka-edad kong batang babae na kakatapos lang makipagtakbuhan sa mga kaibigan niya. Kaklase ko ito simula nang unang beses na pumasok ako sa eskwelahan. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya mabigkas ang pangalan kong Joseph kaya ang mabahong 'Otep' pa rin ang tawag niya sa akin.
"Bible," sabi ko habang binabasa ang kwento ni Joseph, The Dreamer kung saan hinango ang pangalan ko.
"Basahin mo ng malakas, please" hiling ng batang babae na ang pangalan ay Alexandra.
Sinimulan kong basahin ang Bibliya at hindi ko maiwasang punahin ang maganda at maamong mukha ni Alexandra.
"Ikaw ba iyan?" tanong ng inosenteng Alexandra nang marinig ang pangalan ko sa kwento.
"Hindi," tanging sagot ko at magpapatuloy pa sana pero bigla siyang tumayo sa harapan ko.
"Simula ngayon dapat lagi mo akong basahan niyan!" ang sabi niya.
Nasa Kinder pa lang kami nang maging magkaibigan kami dahil sa simpleng pakikinig niya sa pagbabasa ko sa Bible. Ako ang tipong hindi sumasali sa mga laro samantalang pumapasok lamang siya para makipaglaro. Bata pa lang ako nang matuto akong magbasa kaya agad kong nahiligan iyon.
May isang araw na apat na babaeng kaklase namin ang sumali sa kanya sa pakikinig sa akin. Nasa elementarya na kami noon.
"Joseph, anong ginawa ng hari sa kanyang anak?" tanong ng isa naming kaklase.
Busangot ang mukha ni Alexandra habang pinapakinggan ang pagsagot ko sa kanilang tanong. Alam kong hindi siya natutuwa. Kaya hindi na ako nagulat nang hinarap ako ng nagtatampong mukha niya pagkatapos ng bible reading.
"Bakit mo sila isinali?" tanong niya.
"Mas maganda kung maraming makakarinig ng mga salita ng Diyos."
Nagtatampo pa rin ang mukha niya habang umuupo sa tabi ko para samahan ako sa pagkain ng lunch. Nakaugalian naming mag-bible reading muna bago kumain ng lunch.
"Alam ko iyon. Pero pwede naman silang humanap ng sarili nilang Otep ha?" angal pa rin niya.
Sa mga panahong ganito, kung kailan may ipinaglalaban siya ay mas gusto ko na lang magpatalo para matigil iyon. Ayaw kong nagagalit o nagtatampo siya sa akin. Pinapabayaan ko na rin ang pagtawag niya sa akin sa mabahong pangalan na iyon kahit alam kong kaya naman niyang bigkasin ng tama ang pangalan ko. Pakiramdam ko kasi ay hindi makukumpleto ang araw ko kapag hindi niya ako natawag ng Otep.
"Sige, sasabihan ko sila sa susunod."
**
Bumalik ako sa realidad nang bigyan ako nang mahinang tapik ni Tita Cass sa balikat. Punung puno ng kakungkutan at pagmamahal ang mga mata niya.
"Joseph...we only have a week. Gusto na nilang ihinto ang makina." Mahina ang pagkakasabi ni tita dahil sa sobrang bigat dalhin ng sakit.
Alam kong darating ang araw na ito. Pero umaasa pa rin ako na darating ang hinihintay ko.
Binitawan ko ang kamay ni Alexandra at umalis sa pagkakaupo sa tabi niya para ibigay ang pagkakataong ito kay Tita Cass na makasama ang kaisa-isang niyang anak.
Naintindihan ni Tita ang gusto kong mangyari kaya niyakap niya ako at nagpasalamat bago ko siya muling iwanan.
Tahimik akong naglakad papunta sa may chapel ng ospital. Bata pa lang ako ay gawain ko na ang pagdarasal. Ang dahilan ko noon ay para mapunta ako sa langit pero simula nang dinala si Alexandra sa ospital, iba na ang dahilan ko. Gusto kong magkaroon ng himala.
She's clinically dead but I am still hoping. I want her to stay. Just stay.
Tinitingnan ko ang malaking krus na nakasabit sa dingding ng ospital habang sinasabi sa Kanya ang lahat lahat ng nasa loob ko.
Kaya kong isuko ang kahit ano para lang manatili siya sa amin. Kahit ano.
Sa sobrang haba ng panahon na magkasama kami...siya na ang naging buhay ko. Hindi ko alam kung makakaya ko kapag tuluyan na siyang mawala sa amin.
Lord, a miracle, please. I am begging you for a miracle. We want her to stay. Please tell her to stay with us.
BINABASA MO ANG
Just Stay (KathNiel) [Finished]
FanficHow long can a man wait for his best friend...who happened to be clinically dead?