para sayo

10 1 0
                                    

Para sayong bago na darating sa buhay ko

Matalas, malamig at walang mababasa sa mukhang ipinapakita
Ngunit sa likod ng mukhang ipinapakitang nakapinta
Ay may bahid na lungkot, sakit at hinanakit
Na ang nakaraan ay walanghiyang kumakapit

Minsan mahirap akong unawain
Mahirap intindihin bakit hindi ko kayang tanggapin
Ang mga bagay-bagay na tuluyan ng lumisan
Kung andito ka naman na sadyang dapat hindi maging sanhi ng kinaiinisan

Bugbog, sugatan at duguan ang puso kong lumaban sa giyera
Na umabot ng ilang taon para lang pala humantong sa desisyong dapat awat na
Dahil sa dulo ng laban ang pagmamahal ay hindi sapat
Ang paguunawa, pasensya at presensya ay hindi naman pala kinailangan dapat

Kaya't isa lang ang masasambit
Kapag nakuha mo na ang loob ko sadyang malakas ako kumapit
Mahirap akong makuha dahil kapag ako'y napasaiyo
Mahirap din para sa puso at loob ko'y mapalayo at lumaho

Hindi man halata o ramdam sa mga ibang pagkakataon
Nagmamahal ng totoo sa loob ng mahabang panahon
Nakakatakot isipin at intindihin
Dahil sa ugali kong ito mapili sa gustong ibigin

Bibigyan ng pagkakataong makilala ako ng tama
Dahil hindi ako kuntento sa rasong dahil wala ka lang makasama
Kaya ba napag-isipang subukan at tumigil sa wasak at tinapak-tapakang puso kong madrama?

Please lang wag basta-bastang subukan ang pusong marunong magmahal ng walang kulang
Dahil masakit ng masaktan pa muli kaya ito ang isaalang-alang
Hiling ko panindigan na kailangan ko pa ng higit pa sa sankatutak na pag-unawa
Dahil nahihirapan pa rin kumawala sa taong pilitan na lang ako itinulak para maging malaya

Masasabi na lang na kapag napatunayan ika'y nananatili
Tunay kang mabibigyan ng lugar sa pusong nagpapagaling pa dahil sa mga nabigong mga mithi
Na mahirap gawin sapagkat dati isa lang ang nagmumukad tanging nagmamay-ari
Kaya't isipin ng mabuti ang gusto mong sabihin mula sa iyong mga labi

Dahil sa oras na ito ay iyong nasambit at aking narinig hindi mo na to pwede basta-bastang mababawi

Aaminin ko ang layo ko sa ideyang dyosa at perpektong tao ako
Hindi ako yung tipo na kumpleto at na sa akin na ang lahat
Pero isa lang mapapangako kapag nagkaroon ng lugar sa isip at puso ika'y papahalagahan ng higit pa sa sapat

Minsan hindi ko papakita ang kilig at pasasalamat
Mas pinipili magkubli at ngumiti ng parang may nakain na maalat
Ngunit kapag wala ng nakakakita ang tanging masasambit na lang ay ang mga salitang salamat
At mapapaisip akong tama lang pala na ikaw ang pinili ko ng walang pagaalinlangan dapat

Kaya kong panindigan at panagutan ang mga kilos at salita
Ngunit kapag napaasa kita doon na nagiging masama
Ang mga asal ko na wala namang ibang layunin kundi para makilala ako ng lubos
Intindihin sana nahihirapan pa rin akong umusad ng diretso para mga luha para sa kanya ay tuluyang maubos

Ayaw makasakit ng taong patuloy na lang may tinatagong sakit
Kaya kapag minsan hindi na lumalapit
Iniisip ko lang sana ikaw na talaga ang sumagip
Sa puso kong wala na lang ginawa kundi pumikit at umidlip
Sa mga pagkakataong kaya naman pala akong bigyan ng panibagong panaginip

Maghintay ka tulad ng paghihintay kong halos masabihan na para ka nang tanga
Dahil hindi ako isang tao na pumapayag sa salitang ako na lang sana
Sapagkat kapag ikaw na ang walang malay na hinahanap at binabalik-balikan
Ang mga nakaraang alaalang gustong ibalik ay mawawalan na ng rason para muli pang balikan

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 02, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

With My WordsWhere stories live. Discover now