Chapter 46- Kasagutan Mula sa Nilalaman

123 4 0
                                    

'Kawal'
Isang imperyo ng martir,
Naghirap sa sagana.
'Di na diretso ang taksil,
Tumagilid na kasama.

Sakay ang kabayo papunta sa walang patutunguhan,
Imperyong tinakasan, bitak ay namumuong sugat.

Kawal, o kawal. Iangat ang sandata at humanda sa digmaan.
Bakit kailangang kasama ang kapwa niyang kawal noong tumakas?
Bakit ang aking kahati ay sumayad,
At 'di na ginusto pang muli na lumaban.

Nagliliyab ang apoy sa bintana,
Pagsapit ng umaga.
Ano ang nangyare sa bintana?
Bakit bumaliktad ang paghawak ng espada?

Isang kawal sa isang kawal ay alanganin;
Kawal na tumiwalag sa digmaa'y natangay ng hangin.
Kawal na matindi pa sa kidlat ang hangarin;
Ngunit ang mismong kawal ding yon ay sabik sa pagtanaw ng bahaghari.

Kayo ang mga kawal na iba  ang pagkakagawak sa espada.
Ikaw ang kawal na baliktad ang paghawak ng espada.
By: Kaori Pia I. Ramirez

"Ang akala ko, si Teresita talaga ang may akda ng tula na 'to. Pero sino tong si Kaori? Ate ni Paulo? Nakababatang kapatid?" Tanong ko pa, habang binabasa muli ang nilalaman ng papel.

"Ang dapat na tanong ay kung saan ito nakuha ni Teresita—at paano? Ano ang motibo niya para ibaon sa lupa ang palatandaan? Para saan?" Tugon naman sa akin ni Sir Lim.

Nakuha ko ito sa Library ng school nila Andre. Tama ang naging hinala ko, may alam nga si Andre tungkol dito. Pero ba't 'di niya naman sinabi sa amin, at dinaan pa sa maraming pasikot-sikot?

"Ano po'ng balita sa naging pagpapatiwakal ni Sir Rodel?" Biglang tanong ko naman.

"Hindi pa ako nababalitaan ni Aragon. Pero dito muna tayo magfofocus sa tula na nakuha mo. Alam kong may ibig-sabihin 'to, at kailangan nating matuklasan kung ano ang totoong mensahe sa likod nito. Dahil mukhang puro Cipher o encryption codes madalas ang mga nakukuha natin buhat ng pagsagawa natin ng imbestigasyon sa kaso na 'to." Ito naman ang naging sagot ni Sir Lim sa akin.

Sa tingin ko, mas akma siguro na kontakin ko si An--hindi, hindi pala. Kasi palagay ko ay medyo maliit lang ang porsyento ng kaalaman niya rito. Mas akma siguro na si Paulo ang pagtatanungan ko.

"Tawagan ko po kaya si Paulo. Dahil baka relatives sila ng may akda ng tulamg ito? Pag-aalok ko pa kay Sir Lim.

"Hindi." Pagtanggi pa niya sa alok ko—na siyang ipanagtaka ko naman.

"Bakit po?"

"May posibilidad na hindi siya magsasabi ng totoo. Tandaan mo, ilang ulit na siyang nagsinungaling sa atin, para paniwalaan mo pa. Mas maganda kung yung Ina nila mismo ang tatanungin natin. At least yun, may tyansang hindi magsisinungaling sa atin."

"Yung Ina? Pero paano natin yun kukunin?" Tanong ko.

"Ganito ang gagawin mo..."

Binigay sa akin ni Sir Lim ang wastong instruction nang sa ganoon ay magawa ko ng mas pulido ang trabahong ito.

----------
Medyo mga ilang minuto rin akong paikot-ikot dito sa labas para humanap ng Payphone. Yun kasi ang inutos sa akin ni Sir Lim, dahil naiisip niyang may Caller's ID ang telephone nila Paulo, kaya ayaw niyang gamitin ang Telephone mismo ng Police Station. Lalo na't kapag si Paulo ang sasagot, dahil mas matigas pa ang ulo nun sa mga sementadong kalsada ng Roma.

Ang Pagkawala Ni Teresita GomezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon