A/N: hey guys! Happy halloween! Gaano kasaya Halloween niyo ngayon ha?
Comment down below kung ano Ang mga naranasan niyo ngayong Halloween.
Sorry for the wrong grammar and typo.
Chapter 7
Zoe POV
Nagising ako ng maaga pero di pa rin ako bumabangon sa pagkahiga. Hindi dahil tinatamad akong tumayo kung hindi dahil iniisip ko pa rin ang nangyari saakin kahapon bago pa ako mapunta dito.
Habang nakatitig sa kisame bigla na lang may kumatok sa pinto kaya agad akong bumangon at binuksan ang pinto.
Iniluwa nito si Sabrina na halatang bagong gising lang. "Bumaba ka na daw. Kakain na kasi tayo" Sabi niya.
Ibubuka ko palang sana ang bibig ko ng bigla siyang umalis.
"Psh. Maldita." Sabi ko pero mahina lang.
Isinara ko na ang pinto at nagtungong banyo para gawin ang morning ritual ko.
Nang matapos na ako sa morning ritual agad akong bumaba at pumunta sa kusina. Halos kabisado ko na ang pasikot sikot dito dahil kay Czarina.
"Good morning guys!" Sigaw ng kung sino. Agad akong napatingin dito. Si Czarina lang pala.
"Oh! Zoe, good morning!" Sabi niya at nginitian ako. Lumapit siya saakin at hinawakan ang kamay ko.
Hinila niya ako papuntang kusina. Nang makarating kami sa kusina ay agad niyang binitawan ang kamay ko at tumingin sa dalawang matanda na nakaupo sa dining area.
"Mom, Dad... Kailan pa kayo nakauwi?" Sabi ni Czarina. So ibig sabihin Mommy at Daddy niya to. I see.
Nakita kong tumayo ang mommy ni Czarina at lumapit saamin.
" Kamukha mo nga siya!" Masiglang sabi ng mommy ni Czarina saakin at hinawakan ang mukha ko.Agad na kumunot ang noo ko at napatingin kay Czarina na ngayon ay nabigla rin.
"Oh...sorry nabigla Lang ako" Sabi ng mommy niya. Binitawan ng mommy ni Czarina ang mukha ko.
Weird.
"Tara upo na tayo?" Yaya saakin ni Czarina. Agad Naman akong tumango at tumabi sakanya sa upuan.
"Ija, ano ba ang pangalan mo?" Napalingon ako bigla sa daddy ni Czarina.
"Zoe Forester po" magalang na sambit ko. Nakaka kaba ang Papa ni Czarina.
"Hanggang kailan ka ba dito, ija?" Tanong naman ng Mama ni Czarina.
Hanggang kailan nga ba ako dito?
"H-hindi ko po alam" Sabi ko. Nag angat ng tingin ang Mama ni Czarina syaka tumingin sa asawa niya.
"By the way, ako nga pala si Gemma at ito namang katabi ko ay si Rico" pagpapakilala ni Ate Gemma- Ang mama ni Czarina.
"Pwede mo naman kaming tawaging Tito at tita" maligayang sambit ni Tito Rico. Medyo napayuko ako ng kaunti dahil sa hiya na nararamdaman ko ngayon.
YOU ARE READING
Love In First Bite(On-going)
FanfictionZoe is the type of a girl na walang pakielam sa buhay na meron sya DATI but when Ashton comes everything has change and also her life. With a simple girl, weak, and cheap into a strongest girl. She want a peaceful life pero makukuha niya nga kaya yu...