Chapter 9: Joke Only

9 0 0
                                    

"Precious who's that man? At ano yang pusa na yan? Saan galing yan?"teka andami dami namang tanong eh isa isa lang naman ah. Jusq napaka-issue pa man din nitong Kuya ko.

"Ahh....si Buttercup to kuya at si Lance naman yun yung kaklase ko."sabi ko at ngumiti sa kanya. Kaninang umaga lang kung i-spoil nya ako grabe grabe tapos ngayon kung imbestigahan ako akala mo may malala akong krimen na ginawa.

"Lance? Hmm. Where's Piolo? Hindi ka ba nya hinatid ngayon?"Natigil ako dun huh. Hindi nga pala nila alam kung anong nangyari saamin.

"Piolo? Ahhh Piolo hindi ko alam." at naglakad na papasok. Medyo madumi din kasi si buttercup kaya balak kong paliguan or punasan man lang andumi nya eh.

"Pam okay ba kayo ni Piolo? I mean napapansin ko kasing hindi na siya pumupunta dito since your birthday. May lq ba kayo? Pam ah patawarin mo na mahal mo naman eh." at kinindatan pa ako ni Kuya. Hays sasabihin ko na ba sa kanya? Oo sabihin ko na para malaman din naman nya.

"Wala na kami kuya." mapait akong ngumiti. "Sige kuya pasok na ako pupunasan ko pa kasi si Buttercup." at pumasok na ako. Ayoko ng pagusapan pa yung tungkol samin ni Piolo.

"Pam do you love him?"tumigil ako sa paglalakad nung tinanong ako ni Kuya. 

"Wala ako sa mood makipag chit chats about sa kanya."at umali na akong tuluyan. Kahit kailan andaldal at matanong tong kuya ko. Kahit gusto kong sabihing Yes! Kuya I love him. I do really love him kahit masakit na. Kaso hindi, hindi ko masabi sa kanya kasi wala duwag ako pagdating sa nararamdaman ko or maybe nahihiya lang ako mag-open ngayon kay Kuya. Sa dami ba naman ng nangyari. Hays.

Pinunasan ko na si Buttercup kasi super dungis nya. Poor little cute one. Habang pinupunasan ko sya hindi maalis sa utak ko yung tinanong sakin ni kuya kanina. I mean bakit? Anong meron at ganun yung tanong nya. Masyadong straight to the point eh.

I remember those good old days with him. Yung tamang tatawagin nya ako boss so he can caught my attention, like Piolo ganun mo ba kagusto makausap ako? Nakalimutan ko galing pala sya sa Section 3B. Bakit ba kasi sa lahat ng pwedeng section sya pwedeng manggaling dun pa talaga. Nakakainis huh!

Namomoblema ako hindi ko alam kung saan matutulog si Buttercup. Wala ka siyang sariling bed hays. Hindi naman sa ayoko syang katabi kaso baka umihi ganun.

Kaya tinawag ko si Yaya at nagpakuha ng basket at puting tela para yun muna yung higaan ni Buttercup.

Habang hinihintay ko yung pinakuha ko bigla may nag text sakin. Eh sino naman kaya? Baka si Piolo Omg!!!!!!

Nawala ang ngiti saking mga labi dahil hindi yung taong mahal ko ang nakita kong nag text sakin. It was Lance. That jerk!

"Hey Pam! How's our baby? I mean Buttercup?"

"She's fine. Anything else?"  

Nagreply naman ulit. Akala ko titigil na eh.

"Ansungit naman ne'to.  Paki sabi na lang kay Buttercup Goodnight at Goodnight na rin sayo Pam."

Aba dapat lang na tumigil sya kung hindi uutusan ko si Buttercup na kalmutin sya noh!

"Pam Sungit."

Aba!!!! Nakakainis talaga yun!!! Hayaan ko na nga siya ayokong ubusin ang lakas ko sa mokong na yun!

Nagising ako kasi may pakiramdam ko basa ang ang mukha ko. Huh? Basa ang mukha ko?! I-dinilat ko ang aking mga mata at nagulat ako na nakita si Buttercup na nasa aking tiyan. Anong ginagawa nitong pusang ito dito? Pinatulog ko naman sya ng maayos kagabi ah.

"Buttercup? Baby? Wake-up." at hinimas-himas ko ang ulo nito. Agad naman itong nagising at mukhang nag lalambing dahil dinilian ang mga daliri ko. Kaya naman napangiti ako. Ang sweet naman ng baby ko.

"Goodmorning din Baby!" at binuhat ko na sya at nilapag sa basket nya. "Wait for me here okay? I'll just take a bath."at hinalikan ang noo nito. Para ko tuloy anak tong pusa na ito.

Bumaba na ako at bitbit ko ngayon si Buttercup. Pinunasan ko na rin sya at infairness ang bango na nya ngayon di tulad nung nakuha ko sya kahapon. Improving sya!

"Goodmorning Kuya!!!" masayang bati ko sa kanya.

"Why so happy huh?" kumunot naman ang noo ko sa kanya. Bakit masama na bang maging happy ako huh? Masama na ba yun huh?

"Is it bad ba?"

"Huh? What do you mean?"at takang tignan ako ni kuya.

"Masama bang maging happy?"at tinaasan ko sya ng kilay. Hays kahit kailan sinisira nya mood ko.

"Hindi naman. Teka bat dala mo yang pusa na yan dito?"at tinuro pa nya.

"Bakit masama ba? Kakain sya malamang."sabi ko at ibinigay si Buttercup kay Yaya.

"Yaya kayo na po bahala kay Buttercup okay?"at aalis na sana ako kaso nagsalita ulit si Kuya.

"Hindi mo ba ako hihintayin?"akala ko naman kung anong sasabihin nanaman nya. "Dalian mo kuya!"

At nang makapg ayos na si Kuya ay umalis na kami pero bago kami umalis syempre nagpaalam muna ako sa baby ko noh.

Pagdating ko sa school nakita ko si Lance kaya mas lalong nawala ako sa mood.

"Goodmorning Pam sungit."bati nya sakin at naka ngisi pa sya.

Nakakaasar talaga tong mokong na to eh! Kakatusan ko na talaga to. Pwede naman nyang sabihin na "Pam Cute", "Pam Ba-" aish! stop that Pam why would he call you like that huh? Sige pag papaka marupok nanaman ang gagawin mo huh!

Inirapan ko nalang sya at nilagpasan. Nakakainis kasi talaga sya eh.

"Pam sandali lang! Kamusta yung baby natin?" Akala mo naman mag-asawa kami at kung maka-baby eh talagang anak nya eh. Feeling Daddy ang mokong!

"Did I heard it right? May baby na kayo?"omyghad! Sa lahat ba naman ng pwedeng makarinig word na 'baby' eh si Piolo pa talaga. Kung pwede lang sabihin ko sayo na ikaw lang ang baby ko! Ikaw lang ang baby ko Piolo! Ikaw lang! Kaso di ko masabi eh.

"Ahhh-- wala."at tumawa ako ng mahina. "Nakapulot kasi ako pusa kahapon--"

"Yeah, we have a baby. May masama ba dun?"Lance said without hesitation. His eyes were full of intensity. Galit ba sya? Sobrang nagiigting ang panga nya eh.

"Yeah a baby cat." Piolo laughed. Ugh! My heart melts when I heard his laugh again. Sana palagi ko na lang yun naririnig. Namimiss ko na kasi talaga eh.

"Not just the cat."seryosong tugon ni Lance. Huh? Not just the cat???!

"What do you me--"

"Well, Pam is also my baby."at inakbayan naman nya ako bigla. Nagulat ako sa ginawa nya kaya tinanggal ko ang kamay nito.

"Joke only." Isaid laughing so bitterly. Masyado kasing mapanakit yung tingin ni Lance sakin. Hindi naman nya kailangan gawin yun. Hindi naman nya kailangan ipakita kay Piolo yun! Masasaktan ang baby Piolo ko Lance! Jusq. Hindi ko na alam gagawin ko kay Lance.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 23, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ROSES BLANCHES illusion or reality:fooledWhere stories live. Discover now