Uwian na at naglakad lang si Brea pauwi. Hindi naman kasi kalayuan ang boarding house niya sa eskwelahan.
Habang naglalakad, hindi niya maiwasang makaramdam ng takot at kaba. Hindi mawala sa isip niya ang mga pangyayari tuwing uuwi siya para sa tipon-tipon ng kanilang angkan. Kada taon, may nalalagas na isang miyembro sa kanila at ang mas masaklap ay walang nakakaalam ng mga dahilan ng kanilang pagkamatay.
Hapon palang pero medyo madilim na ang daan. Biglang humangin ng malakas na naging dahilan sa pagtayuan ng balahibo niya. Ramdam niya na parang may sumusunod sa kaniya kaya lakad-takbo ang ginawa niya.
"Brea! Let's swim in the beach this Holy Week!" Napahawak siya sa dibdib niya nang biglang sumulpot ang kaibigan.
"Loko ka talaga Maldred! Ginulat mo pa ako!" Humagalpak ito ng tawa kaya binatukan niya ito.
"Sorry Maldred. Pass muna ako. Uuwi kasi ako sa probinsiya namin. I'm sure they already missed me." Tinaasan siya ng kilay nito.
"Really huh? Last time lang nagkwento ka na natatakot kang umuwi because you felt that there's someone always watching you from behind. What makes you change your mind?"
"Well, I'm scared but I need to go home. Hindi ako umuwi last year so babawi ako ngayon."
"Okay then. Basta pasalubong ha!"
"Sure! Suman!"
"Loko! Kahit kandila nalang eh! Ingat!" Kumaway si Maldred at lumihis na ng daan. Natawa nalang ng mahina si Brea sa kaibigan.
Pagkauwi ay nagimpake agad siya. Mula sa lungsod ng Bago ay isa at kalahating oras ang biyahe sakay ng bus patungong barrio ng Buena Vista. Pagkarating sa paradahan ng tricycle ay nagtakip siya ng mukha at sumakay. Labin' limang minuto ang biyahe ng tricycle patungong bahay nila.
Tumigil ang tricycle sa harap ng bahay nila. Rinig niya ang kasiyahan sa loob.
"Magandang gabi!" bati niya rito pagkamasok at napatigil ang lahat. Nanlilisik ang mga mata nila sa kaniya.
"Welcome back anak!" sigaw ng ina niya at lumapit sa kaniya para yakapin siya. Hindi niya lubos maintindihan kung bakit bigla nalang siyang tinatrato ng gano'n ng mga miyembro ng pamilya niya. Siya kasi ang sinisisi sa pagkamatay ng mga kasapi nila. Binansagan siya nitong aswang. Pero alam niya sa sarili niya na hindi siya iyon at may ibang nilalang na siyang pumapatay.
Umakyat siya sa loob ng kwarto niya. Hindi niya maiwasang humikbi. Ang pamilya niya ay kilala ng lahat. Laging tumutulong sa kabario nila at mga manggagamot. Ngunit nung kumalat na aswang siya, na isa din sa angkan nila ang nagpakalat ay kinamumunhian siya ng lahat. Galit ang lahat sa kaniya.
Nagising siya bigla dahil sa kaluskos sa ilalim ng kama niya. Nakatulog pala siya dulot ng labis na paghikbi. Sinilip niya ito at nadatnan niya ang isang lalaki.
"Sino ka!?" Lumabas ito sa ilalim ng kama niya.
"Ako si Sigin. Ako'y isang sigbin." Biglang umiba ang kaniyang anyo. Naging isang halimaw ito.
Takot na takot si Brea sa nilalang na nasa harapan niya. 'Hindi ako maaring magkamali siya yung nadatnan ko na pumatay sa kapatid ko!'
"I-Ikaw! Ikaw ang pumapatay!" galit na galit na sigaw niya.
"Oo Brea, ako nga. Pero may dahilan ako." Bumalik na ito sa ilalim ng kama niya dahil may biglang kumatok. Pipigilan pa niya sana si Sigin ngunit pumasok na ang kumakatok kaya nagpanggap siyang natutulog. Bigla siyang nakadama na parang may tinurok sa kaniya na likido kaya tuluyan na siyang nakatulog.
Umaga na nang magising si Brea. Bumaba siya sa sala at nadatnan niya ang patay na katawan ng pamilya niya.
"Hindi ito maaari! Sino ang gumawa nito!" Lumuhod siya sa wala ng buhay niyang pamilya.
Lumitaw sa harapan niya si Sigin. Kinuha niya ang kutsilyo sa kusina at galit na tinutok ito kay Sigin.
"Halimaw ka!" sigaw niya.
"Hindi ako Brea! Sila!" sagot nito sa kaniya.
"Pamilya ko sila!"
"Hindi! Gusto ka nilang maging alay sa hari nila. Sila ang tunay na aswang! Mahal kita kaya niligtas kita sa kanila!"
"Hindi totoo 'yan!" sigaw niya at sinaksak ang sarili.
"Brea! Mahal ko!" Dali-daling binuhat siya ni Sigin at dinala sa lugar nila.
"Brea Mahal ko! Malayo ka na sa kapahamakan at ang magiging anak natin. Patawarin mo ako!" wika niya habang hinahaplos ang tiyan ni Brea.
BINABASA MO ANG
Sigbin
HorrorPrompt #3 Ang Lagim ng Unang Pagsinta (The Horrors of First Love) entry.