Title: Anh alaga kong si Putol
Note: once again, ito pong kwento na aking nilikha ay pawang kathang isip lamang. Sana ay inyo po ulit magustuhan.
Jonas!!!!!!!! Bangon na!! tanghaling tapat na nakatuwad ka pa riyan!!! Baka gusto mo ng bumangon dyan sa higaan at mag hilamos!! Ni tae ng manok wala ka ng aabutan!! Ang mabungangang hiyaw ni aling Marita.
Humahangos namang bumangon at bumaba ang binata.
Ano ba naman kayo inay!! Sabado ngayon!! Wala ho akong pasok ngayon! Reklamo ng binatang beinte singco anyos.
Sya ring bangon ng nag iisang kapatid na babae nito na si Anna. Yung nanay mo ang ingay ingay naman! Ang aga aga!! Himutok ng dalagang edad disi otso. Nanay mo rin yun noh ka ba! Asar na agot naman ni Jonas.
Mag sipag almusal na kayo at mag titinda pa ako ng gulay sa palengke. Yung mga alaga mo Jonas nag kalat na naman ng tae sa buong bahay! Baka gusto mong despatsahin yang mga yan! Sigaw na sermon ni Aling Marita. Si Jonas ay likas na mahilig sa mga hayop. Halos lahat na yata ng tuta o kuting na madaanan nito sa kalsada ay inaampon nito. Ang iba ay pinaampon na nya o di kaya ay ipinamigay sa mga kapit bahay na mahilig din sa mga hayop. Naawa kasi sya sa mga ito. Palagi syang may dalang tira-tirang pag kain para sa mga ito.
Sa kasalukuyan ay meron syang dawalang pusa at tatlong aso sa bahay. Alaga nya ang mga yon simula pa itoy mga kuting at tuta kaya hirap syang ipamigay dahil sa napamahal na ang mga ito sa kanya.
Yung mga alaga ko na naman inay ang Nakita ninyo, huwag po kayong mag alala at lilinisin po ni Anna yan mamaya. Sagot ni Jonas sabay ngiti sa kapatid na babae. Anong ako? Alaga mo yan eh! Reklamo agad ni Anna. Sige na, bigyan kita ng isang daan mamaya. Ikaw na lang noh! Sagot ni Anna. O sya, mag sipag ayos na kayo ng bahay. Anna, anak mag luto ka ng pananghalian ha at ikaw naman Jonas manguha ka na ng pang gatong mamaya,ang bilin ni Aling Marita bago umalis ng bahay. Maliit lamang ang bahay nila Jonas pero komportable naman itong tirhan. Sementado lahat, yun lang ay wala pa itong kisame. Napapaligiran sila ng mga puno ng mangga, puno ng bayabas, puno ng alatiris at mga gumamela sa paligid. Sa likod bahay naman ay meron silang halaman ng santan at alagang manok at tandang. May mga tanim din silang samo’t saring gulay doon. Tipikal na bahay kubo kung tutuusin dahil napapligiran din sila ng palayan.
Miming!! Siiiwwssiiiwss!! Sswwsswwss!! Kkuuu!!!kkuuuh!! Tawag ni Jonas sa mga alagang aso at pusa. Kain na kayo!! Habang nilalamas yung tirang kanin na may tirang ulam sa lalagyang hawak nito. Nag silapitan naman ang mga alaga nitong nag kakakawag ang buntot and lumilingkis sa mga hita nya. Si Anna naman ay nag simula ng maghanda para sa pananghalian.
Kina lunes-an, nag hahanda ng pumasok si Jonas sa klase. Engineering ang kursong kinukuha nito at HRM naman ang sa kapatid nya. Anak ng pitong kambing!! Jonaaaas!!! Hiyaw na naman ni aling Marita.
Si aling Marita, byuda, masipag, mapag mahal na ina at mabunganga rin. Nay…… Ano po yon? Tnong ni Jonas. Hindi maipinta ang mukha ng ina dahil sa nakatapak ito ng dumi ng aso sa kusina. Ipinakita na lang nito ang tsinelas na may dumi ng aso. Hindi napigilang tumawa ni Anna. Ahahahaha!! Nay!! Swerte daw yan! Ahahahah!! Kakamot kamot naman ng ulo ang binata. Jonas, seryoso ako. Ipamigay mo na yang mga alaga mong aso at pusa dahil kung hindi iyan pa ang magiging dahilan ng kamatayan kong bata ka!! Sabi ni Aling Marita. Bakit naman ho inay? Kailangan ho natin ng bantay dito sa bahay at taga huli ng mga daga, paliwanag naman ni Jonas. Anong bakit? Eh tuwing babangon ako ng madaling araw kundi dumi ng pusa eh dumi ng alaga mong aso ang agad kong natatapakan! Ngayon lang halos madulas ako at mabagok ang ulo dahil dyan! Itali mo yang mga yan sa labas o ako mismo mag papamigay sa mga yan, galit na litanya ni Aling Marita sa anak. Pasensya na po kayo inay at lilinisin ko na lang po, sabi na lamang ng binata.
Kinagabihan, pag kauwi ng mag kapatid galing eskwela ay andon na si Aling Marita. Mano po nay, sabay sabi ng dalawa.
Kumain na kayo dyan at nag luto ako ng longganisang bawang at tocino. Nauna na akong kumain at sobra gutom ko kanina sa palengke, sabi ni Aling Marita. Bakit naman po hindi kayo bumili ng makakain doon inay? Tanong ni Jonas. Oo nga apo nay, bawal sa inyo ang malipasan ng gutom ah? sabi naman ni Anna. Eh mga anak mag babayaran tayo ng kuryente at tubig sa isang linggo at sa skwelahan ninyo kaya ako naman ay nag titipid, ang sagot naman ni Aling Marita. Wag nyo na akong alalahanin pa. Hala at mag sipag palit na kayo ng damit at mag sikain, dagdag pa ng kanilang inay. Sabi ko naman sa inyo nay, hayaan nyo na akong mag working student ng makatulong ako sa gastos dito sa bahay, ang sbi ni Jonas. Anak ako ay malakas pa, mas mainam na ikaw ay mag focus sa iyong pag aaral at ng makatapos kayong parehong magkapatid at pag nangyari iyon ay tiyak kong tayo ay giginhawa rin. Sa ngayon pag aaral nyo lang muna atupagin nyo, ang sabi ni Aling Marita sa mga anak.
Habang nag hahapunan ang mag kapatid ay nag salita ang kanilang ina. Mga anak, nabalitaan nyo ba yung napatay raw dyan sa may katabing barrio natin? Wakwak daw ang tyan at wala ng laman loob na Nakita. Nag katinginan naman ang mag kapatid habang kumakain sabay lunok. Uhmm hindi po nay, sagot ni Anna. Mag sipag uwian kayo ng maaga ha, wala ng gagala o tatambay sa court. Deretso uwi na kayo ng bahay at mahirap na. Sino kaya ang may gawa ng ganong klaseng pag patay?masyadong karumal dumal. Tanggal daw ang atay at puso pero hindi naman Nakita sa paligid o katabi ng bangkay nito, dagdag pa ni Aling Marita habang tutok na tutok ang mata sa tv at umiinom ng kape. Ganon ho ba nay? Taong ni Jonas na medyo nawawalan na ng gana dahil sa pinag keke-kwento ng ina. Tama lang talaga na may alaga tayong aso dito sa bahay, ang sabi ni Anna. Oo nga..sabagay sang ayon din ng ina.
Makalipas ang ilang araw ay patuloy pa rin ang balitang may pumapatay sa barrio at pinag iingat ang lahat.
Kinagabihan, nakakita si Jonas ng isang tuta na basang basa sa ulan. Medyo mailap ito pero nagawa nya itong buhatin. Kulay itim ito at putol ang buntot.
Halika dito, anong ginagawa mo riyan? Asan ang nanay mo? Tanong ni Jonas sa tuta na akala mo ay sasagutin ang mga katanungan nya.
Umiyak lamang ang tuta kaya naman lalong naawa ang binata.
Lagot na naman ako sa inay nito kapag inuwi kita, sabi ni Jonas sa sarili.
Kaya napilitan syang iwan nya ito sa ilalim ng isang puno at iniwanan ng monay na nabili nya sa bakery kanina. Ngunit hindi pa sya nakakalayo ay nakitang sumusunod ito sa kanya na tila nag mamakaawa.
Dahil sa malambot ang puso ng binata ay lumuhod sya at kinausap ang tuta na akala mo tao. Ano bang gagawin ko sayo? Ok fine, ilalagay kita sa bag ko at itatago pansmantala sa kwarto ko pero huwag kang maingay ha.. ayaw ni nanay ng dagdag hayop sa bahay. Pag katapos ng ilang araw ibibigay kita sa ibang kaibigan ko ok?
Kakawag kawag naman at umikot ikot pa ang tuta animoy naiintindihan sya.
Pag dating ng bahay wala pa ang kapatid at ina kaya dali dali syang umakyat ng kwarto nya. Binigyang ng pag kain ang tuta at maiinom. Nilinisan nya rin ito at tinuyo gamit ang isang lumang damit na hindi na nya ginagamit. Ano bang ipapangalan ko sa iyo? Blacky? Ng mapansin ni Jonas na putol ang buntot nito.
Aha!! Putol na lang ang ipapangalan ko sa iyo!! Masayang wika ni Jonas. Natulog syang katabi ang tuta. Kinaumagahan ay wala namang napansin ang kanyang ina o kapatid. Kaya naman safe pa rin si putol na mag stay sa bahay nila.
Naging maganda ang bonding nila ni putol, nang huhuli ito ng daga at kung ano-anong insekto. Nag simula ng tumahol si putol sa gabi kaya naman sya ay nahuli ng kanyang ina. Jonas!! Nag uwi ka na naman ng bagong aalagaang hayop!! Namamaho ka na dahil sa mga iyan!! Sigaw ni Aling Marita. Hindi naman inay!! Grabe naman kayo. Ihahanap ko rin ho ng taong mag aalaga sa kanya si sputol, sagot ni Jonas. Hanapan mo agad yan ng mag aampon ha, aalis na ako at wala na akong oras manermon ngayon na bata ka!!tanda tanda mo na! imbes na manligaw ka dyan sa labas ng kadalagahan puro pag aampon ng mga hayop na gala ang inaatupag mo!!! Pahabol na sigaw ni Aling Marita bago tuluyang lumabas ng bahay. Kakamot kamot na lamang ng ulo si Jonas.
Kuya!! Cute naman nyang bago mong ampon. Anong pangalan nya? Tanong ni Anna. Putol ang pangalang ibinigay ko sa kanya, putol kasi ang buntot nya.. sagot ni Jonas. Bibo si putol at hindi kalaunan at sa unang pag kakataon ay nagustuhan rin ni Aling Marita ang bagong ampon ni Jonas. Dahil tuwing darating ito ay agad na dinadalhan nito si Aling Marita ng tsinelas pambahay. Bibong bibo tlaga tong si Putol! Masayang sambit ni Aling Marita.
Isang gabi, habang papauwi si Jonas galing skwelahan. Sa may pilapil ito dumaraan bago makarating ng bahay ay may kung anong sumusunod sa kanya. Wala naman syang Nakita. Kaya binilisan nya ag kanyang pag lakad. Hindi nya napansin na may dalawang pulang mata ang syang nag mamatyag sa kanya. Pag uwi nya ng bahay ay nakita nya si putol at iba pang alaga ang sumalubong sa kanya. Ngunit napansin nya na medyo lumaki si putol at imbes na salubungin sya ay bigla itong umungol sa harapan ng mga puno nila. GGRgggrrrrRRR!!!! Parang may nakita itong hindi Nakikita ni Jonas na sinundan ng kahol ng iba pang mga aso. Akala mo may panganib sa asta ng katawan nito.
Putol! Pasok na dito! May pag aalalang sigaw ni Jonas. Sumunod naman ito ngunit nag iwan ng matalim na tingin sa pusikit na kadiliman.
Nang mga sumunod na araw ang unti unting nag babago si putol, lalo itong lumalaki. Nag taka naman si Jonas ngunit inisip na lamang nya na may halong ibang lahi yung aso nya. Patuloy pa ring luamalaganap ang patayang at itoy nasa barrio na nila.
Jonas, mag handa ka ng mga kawayan at iyong talasan, sabi ni Aling Marita.
Anna, ikaw naman ay mag handa ng mga gasera incase of emergeny, baling nito sa anak na babae. Maging maingat kayo ngayon at andito na raw sa atin gumagala ang killer. Si aling Marita namn ay inilabas ang itinatagong kwarenta’y singco na baril na pag aari ng kanyang yumaong asawa. Inay, kayo ba’y marunong gumamit nyan? Tanong ni Jonas. Aba’y oo naman, noong araw kami ay sumasabak sa gerahan! mayabang na sagot ni Aling Marita. Si Anna naman ay medyo kinakabahan. Ngayong gabi, tabi tabi na tayong matutulog hanggang mahuli ang kriminal.
Nang gabi ring iyon ay biglang nag kahulan ang mga aso. Tumayo naman agad si Aling Marita at Jonas upang silipin kung ano iyon. Sumilip sila sa may siwang ng bintana ngunit wala namang nakita. Si putol, nasa harapan ng labas ng pintuan nila na animo ay nag babantay ng teritoryo. GGggrrr!!!! Gggrrrr!! Angil nito. Putol!! Ano yon? Anong nakikita mo? Tanong ni Jonas at lumabas na rin ng bahay. Ngunit mabilis na humarang si putol kay Jonas, tila ayaw syang palabasin o palayuin ng pintuan ng bahay nila. Jonas, anak pumasok ka na rito. Tawag ni Aling Marita. Sinara na lamang nila ang bahay at maya maya pa ay tumigil na rin sa pag kahol ang mga aso.
Makalipas ang ilang araw, may mga tanod na nag lilibot at nag babahay bahay upang icheck ang kaligtasan ng nasasakupan. Aling Marita!! Tawag ng isang barangay tanod na agad namang pinag buksan ni Aling Marita. Ano ho bang atin? Agad na tanong nito. Nabalitaan nyo naman ho ang patayang nangyayari at kami ay nag iikot po lamang. Ah ganon ho ba, eh halika ho muna at kayo ay mag kape sandali para kayo ay gising mamaya, imbita ni Aling Marita. Jonas!! Mag handa ka ng kape anak para sa mga tanod natin. Tumalima naman agad si Jonas.
Ano raw ho ba ang pumapatay? Tanong ni Jonas. Base sa mga nakasaksi ay isa raw malaking aso na parang aswang. Kaso yung taong iyon ay hindi na makausap ng matino ngayon. Lagi kayong mag handa ano’t anuman. Paalala ng tanod. Iha, wag kang mag papagabi na sa daan. Napaka delikdo ngayon, paalala nito kay Anna. Opo, wag po kayong mag alala. Salamat po, sagot ni Anna.
Ilang araw ding nag iingat at naging mapag matyag sila Aling Marita, Jonas at Anna. Napansin ni Jonas ay tuwing gabi wala si putol at hindi nya ito mahagilap. Natatakot sya na baka ito mapahamak. Putol!!! Putol!!! Kakain na!! asan ka bang aso ka gabi na!!! maktol ni Jonas. Nang may makasalubong si Jonas na isang napakaling nilalang. Para itong kalabaw na may mukhang aso, may malalaking pangil at sungay, pula ang mga mata at may mga parang malalaking tinik sa likuran nito at nag lalaway. Napaatras agad si Jonas at nag tatakbo pabalik ng bahay. Isara nyo ang pinto inay!! Nasaan ang baril? Anna!! Kuhanin mo ang mga kawayan!! Bilis!! Taranta at humahangos na tawag ni Jonas. Si Aling Marita naman, ano bang nangyayari sa iyong bata ka?? Yung halimaw na pumapatay malapit na sa atin!! Sagot ni Jonas. Ano? Anna! Tawagin mo si kaka! Bilis!! Mag dala kamo ng mga tanod at armas, andito kamo yung halimaw sa atin! Tawag ni Aling Marita sa anak na dalaga at agad din itong sumunod. Isinara nila ng mabilis ang mga pinto at mga bintana. Inay teka!! Mga aso ko nasa labas! Kailangan ko silang ipasok at baka kainin ng kung anong halimaw na yon mga alaga ko! Sigaw ni Jonas na akmang lalabas. Huwag ka na anak lumabas! Sabi ni Aling Marita. Hindi ho pwede! Sabi naman ni Jonas. Pag bukas nya ng pinto ay lumabas sya at kinarga ang mga alaga nyang aso papasok ng bahay. Nang akmang papasok na sya ng bahay ay hindi nya makita si putol. Putol!! Putol!! Walang putol na lumabas.
Nang biglang tumambad sa harapan nya ang nakapang hihilakbot na halimaw. Nakaririnarim ang itsura nito at nakakatakot. Mukha itong Malaki at nakakatakot na kalabaw na may mga tinik sa likuran at nanlilisik na mga mata, isama pa rito ang nag lalakihang pangil. Nanigas bigla si Jonas sa kinatatayuan. Jonasaass!!!! Hiyaw ni Aling Marita. Pasok na bilis!! Saka lang natauhan si Jonas. Paatras syang lumakad pabalik ng bahay karga ang mga asong nag aangulan. Ngunit sa kamalas malasan ay natisod sya. Ang mga asong karga nya ay matapang na hinarap ang halimaw. Animoy makikipag patayan para ma-protektahan ang kanilang mahal na amo. Nay! Iitsa nyo sa akin ang baril bilis!! Tawag ni Jonas kay Aling Marita. Na agad naman ginawa ng ina. Pinaputukan nya ang halimaw ng sunod sunod ngunit parang hindi man lamang ito tinatablan.
Ilang saglit pa at nakalapit na ang halimaw, mga ilang dipa na lang at pwede na nitong sakmalin si Jonas. GGGrrrrr!! Nag lalaway na ungol nito at bigla itong tumayo. Parang slow motion ang mga pangyayari. Nang akmang sasakmalin nito si Jonas ay biglang lumabas si putol at humarang sa pagitan ni Jonas at ng halimaw. Hindi makapaniwala si Jonas. Unti unting nag babago ang anyo ni putol! Umusok ito at unti unting lumalaki na tila isa ring halimaw! Mas Malaki itong di hamak sa halimaw na gusto syang lapain. Nag bagong anyo si putol! Mukha itong napakalaking lobo na may malalaking pangil at pulang pula ang mga mata. Ang mga kuko nito ay napaka tutulis at ang mga buhok nito ay prang tinik na malalaki at sobrang tatalim. Nag pambuno ang dalawang halimaw hanggang sa nakalmot sa mata si putol. Sinamantala ito ng klaban at kinagat si putol sa leeg. Sumaklolo naman ang ibang aso ngunit lumipad lamang ang mga katawan nito sa lupa. Aawwww awwwwwuu awwww!! Iyakan ng mga asong nasaktan. Akmang tatapusin na ng masamang halimaw si putol ngunit kumuha agad si Jonas ng malaking dos por dos at inihampas ito sa halimaw. Hindi man ito nasaktan ay napatigil naman nya itong lumapit kay putol ngunit sya naman ang hinarap. Nanginginig man ang tuhod ay nag matapang pa rin si Jonas. Hindi nya alam kung ano o kung saan nanggaling si putol, ang alam nya lang ay alaga nya ito at pprotektahan nya ito. Layuan mo kami! Layuan mo ang mga alaga ko! Ikaw na masamang nilalang!! Bumalik ka sa pinanggalingan mo!! Sigaw ni Jonas. Ngunit parang nginisihan lamang sya nito at ramdam nya ng iyon na ang kanyang katapusan.
Paalam inay at anna, mahinang usal ni Jonas na nakatingin sa ina at kapatid. Handa ng tanggapin ang kanyang kapalaran. Hinagilap nya ang baril na dala nya ngunit wala na rin itong bala kaya pumikit na lamang sya. Ngunit ang kuko na inaasahan nya ay hindi dumapo sa kanya. Pag dilat nya ay nakita nya si Aling Marita na pinupukol ng bato yung halimaw. Lumayo ka sa anak ko! Ako na lang ang lapain mong hayop ka!! Anna huwag na huwag kang lalabas ng bahay naiintdhan mo ba? Jonas takas na bilis! Sigaw ni Aling Marita.
Naiinis man sya sa ina ng mga sandaling iyon dahil sa mapapahamak pa ito sa mga pinag gagagawa ngunit hindi nya kaya iyon. Ngunit humanga rin sya rito sa taglay na tapang. Tapang na tanging nanay nya lang ang alam nyang nag tataglay. Inay! Bakit pa kayo lumabas? Tumakbo si Jonas sa ina. Magkayakap at hindi sila makapasok pasok sa bahay nila at tyak rin nilang mabubuwag ang bahay na iyon pag sinundan sila ng halimaw. Lumapit ang halimaw at handa na ang dalawang putahe sa kanyang harapan ng biglang gumulong ang ulo nito sa lupa. Sa harapan mismo nilang mag ina. Nakabangon si putol at hinaklit ang ulo ng halimaw mula sa likod nito. Patay ang halimaw na kulay berde ang dugo. lumapit naman si putol kay Jonas at kay Aling Marita. Animoy maamong tupa sa kanilang harapan na gustong mag pahimas ngunit natatakot sila dahil napakalaking halimaw ang nasa harapan nila. Ngunit si Jonas lamang ang nakakaintindi ng nais ng kanyang alagang ampon. Lumapit sya at hinimas nya ito. Putol, hindi ko alam ang sasabihin ko syo.. sabi ni Jonas. Ngunit dinilaan lamang sya nito gamit ang napakalaking dila nito.
Maya-maya pa ay nakita na nila ang ilaw ng mga sulo ng taong bayan. Putol, kailangan mo ng umalis, mag tago ka na at tiyak kong papatayin ka nila.
Inay, hindi natin pwedeng ibigay si putol sa kanila. Nakita nyo naman kung pano nya tayo ipinagtanggol kanina. Pag mamakaawa ni Jonas sa Ina. Ako na ang bahala anak na makipag usap kina kaka at kumpre at sumang ayon ka na lamang, sabi ni Aling Marita. Siguro ay dahil sa napamahal na sa kanya si putol at sa pag liligtas nito sa kanilang mag iina.
Nag bagong anyo si Putol at nag mukha na ulit aso. Aling Marita! Nasaktan ho ba kayo? tanong ng mga tanod. Hindi naman po. Nakita na lamang nilang nakahandusay ang halimaw sa lupa at tanggal ang ulo. Habang nag kakagulo ang mga tao ay hindi rin mapakali si Jonas.
Ff:
Punong puno ng media ang bahay nila Jonas, interview rito at interview roon. Wala na ang halimaw at hindi na rin nila makita kung nasaan si putol. Ilang araw ang lumipas ay may kumakatok sa kanilang pinto. Nang buksan ito ay laking gulat nila Jonas, Anna at Aling Marita. Si putol!! Kumakawag kawag ang buntot!! Nag katinginan na lamang ang mag- iina at masayang pinapasok ang kanilang taga pag tanggol.
Ang hindi nila alam ay meron pang isang halimaw na nag tatago sa kadiliman. Tumutulo ang luha nito dahil sa ang napatay pala ay ang asawa nitong halimaw.. bago ito nag laho sa pusikit ng kadiliman ay matalim itong nag iwan ng tingin sa bahay kung nasaan naroon sila Jonas at ang alaga nitong si Putol.
The end.