LEI'S POV
Gaya ng sabi ni Liam ay dinala niya kami ni Dothy sa bahay niya, umaga na at mahimbing parin na natutulog ang anak ko. Ilang sandali pa ay nagising na siya at bakas sa mukha niya ang pagtataka, nasa ibang bahay na siya at hindi lang isang ordinaryong bahay kundi isang napakalaking mansyon. Hindi ko inakalang ganito kalaki at kaganda ang bahay ni Liam. Mag-isa lang siyang nakatira dito bukod sa mga katulong at driver niya.
"Mommy, kaninong bahay po ito? bakit po tayo nandito?" napakamot tuloy ng ulo si Dothy.
"Bumangon at maligo kana baby, maaga pa ang pasok mo... nandito tayo ngayon sa bahay ni Tito Liam mo" paliwanag ko.
"Why are we here Mom? meron naman po tayong bahay" Dothy.
Napakadaldal at napakabibo talaga ni Dothy kaya lagi siyang may award sa school, mabuti nalang at namana niya ang katalinuhan ko. Hindi rin siya nauubusan ng tanong tuwing nalilito siya sa isang bagay.
"You know what anak, I'll explain to you later after you take a bath" Ako.
"Okay Mom" Dothy.
Bigla namang kumatok si Liam sa pinto ng kwarto kaya pinagbuksan ko.
"Good morning guys, breakfast is ready" sabay pakita ng malapad niyang ngiti.
"Good morning" pasimple kong bati.
"Good morning, Tito Liam" tipid na sagot ng anak ko, marahil ay nalilito parin siya kung bakit nandito kami.
"Sige na baby, take a bath and bamaba ka na pagkatapos" utos ko sa kanya.
"Okay Mom" tipid parin siyang sumagot.
Bumaba na kami ni Liam at tinulungan ko siyang magprepare ng breakfast. Pinag day off niya kasi lahat ng maids niya at bukas pa daw ang balik nila. Kasalukuyan akong gumagawa ng omelet nang bigla niya akong yakapin mula sa likod ang it's making me crazy dahil tumatama na naman sa likod ko and galit na galit niyang alaga.
"Hmm... ang bango naman ng mahal ko" malambing niyang sabi.
"Ano ba love, nagluluto ako eh.. baka masunog to sige ka, gusto mong kumain ng sunog?" patay malisya kong sagot pero parang nababaliw na ako dahil sa alaga niya.
"Ayaw, dahil ikaw ang gusto kong kainin" Liam.
"Sige ikaw ang bahala, susunugin ko talaga to" pananakot ko sa kaniya.
"Ok fine" siya sabay pout pagkatapos ay bumitaw na siya sa pagyakap sakin.
"Good, tatapusin ko na to then ready na ang breakfast natin" Ako.
After five minutes ay ready na ang breakfast namin, umakyat na ako sa kwarto ni Dothy para yayain siyang kumain. Tapos na siyang maligo at magbihis pero naka upo lang siya sa kama habang nakatingin sa glass window at mukhang malalim ang iniisip ng anak ko.
"Baby, ready ka na ba? bumaba ka na at mag be-breakfast na tayo" Ako.
"Ok Mom" tipid pa rin ang sagot nito.
Marahil ay naninibago parin siya at nalilito sa mga pangyayari.
Sabay kaming bumaba at naabutan namin si Liam na nakaupo at hinihintay kami."Good morning Dothy, how are you?" Liam.
"Good morning, I'm fine po" tipid paring sagot nito.
Tahimik lang kaming kumain, samantalang kinakabahan parin ako kung paano namin sasabihin kay Dothy ang totoo. Pero out of nowhere ay biglang umiyak at nagtanong ang anak namin na nakapagpadurog ng puso ko at ng puso ni Liam.
"Mommy, I really want to see Dada.. i miss him so much.. please" Dothy.
"Dothy kasi-" Ako.
"Mom please.." pagmamakaawa niya.
BINABASA MO ANG
A Hot Night With My Landlord (COMPLETED)
RomansaSabi nila ang love ay parang mainit lang na kanin na kapag isinubo mo agad ay mapapaso ka. True love waits ika nga nila pero paano kapag dumating sa buhay mo ang isang tao na alam mong mamahalin mo ng panghabangbuhay, susugal ka parin ba kahit alam...