Prologue

9 0 0
                                    

 Bali-balita sa buong Baranggay ng San Jose sa may Lungsod ng Quezon ang sunog na tumupok sa limang magkadikit na mga bahay sa isang compound sa may kanto ng Aguinaldo at Quezon Street. Hindi pa rin tiyak kung ano ang dahilan ng sunog ngunit hinihinala nilang dahil ito sa naiwang kandila. Naganap ang sunog mga bandang alatres imedya ng madaling araw at naapula ito mga bandang alassingko na ng umaga. Tinatayang nasa sampu katao ang nasugatan samantalang dalawa naman ang namatay at sila ay sina Sheila,pitong taong gulang at ang ina nitong si Sindel,tatlumputdalawang gulang. Hindi apoy ang pumatay sa dalawa. Si Sindel ay natagpuang nakabigti sa kanilang sala samantalang si Sheila naman ay nabundol ng kotse habang tumatakbo bitbit ang maganda niyang manika na kapareho niya ng pangalan. 

2:57 PM, Ilang minuto bago ang Sunog. 

Nagising si Sheila mula sa isang masamang panaginip. Dahil hindi na niya magawa pang matulog ay lumabas siya saglit ng kwarto bitbit ang kanyang manika. Habang naglalakad siya patungo sa sala ay nakarinig siya ng isang malakas na kalabog ula sa kanilang bodega. Pinuntahan niya ito. Pagdating niya sa bodega ay nakita niya ang isang libro na nasa sahig. Naintriga siya dito kaya naman ay pinulot niya ito at binuklat. May mga sulating malalatin sa libro, imahe ng mga malademonyong nilalang at mga simbulo. Habang binabasa niya nang tahimik ang mga sulatin ay may biglang nahulog na tatlong  kandila at isang kahon ng posporo. Maya mmaya ay nagpakita ang isang lalaking nababalutan ng itim na tela Natakot si Sheila at kakaripas na sana ng takbo nang bigla siyang hawakan ng lalaki. Binigay nito ang posporo at ang mga kandila sa kanya sabay ibinuklat ang aklat sa isang pahina na merong simbolong mata sa nadadaanan ng isang arrow. Itinuro nito kay Sheila ang mga sulatin sa pahinang iyon.Binasa iyon ni Sheila nang malakas. 

"Idi-e-carcez' de silajande' se qui shaandre sacopa ei"  

Kumapal bigla ang usok na nagmumula sa kandila at mistulang bumubuo ito ng imahe ng isang nilalang. Maya-maya ay umalingawngaw ang tunog ng isang malakas na ungol at dahil doon ay nagising ang ina ni Sheila at kumaripas ito ng takbo papunta sa pinagmumulan ng tunog. Naabutan niya ang kanyang anak sa bodega, nakaharap sa malaking usok na nagmumula sa mga kandila. 

"Sheila! Lumayo ka diyan!"-sigaw niya 

Kumaripas ng takbo si Sheila bitbitbit pa rin ang aklat at ang kanyang manika. Nagtago ito sa likod ng kanyang nanay. 

"Nay. Anong nangyayari?"Takot na tanong ni Sheila sa kanyang ina 

"Kailangan mo nang lumabas muna anak. Ako na bahala dito" sagot ng ina. 

Sinunod ni Sheila ang kanyang ina. Kumaripas siya ng takbo palabas ng kanilang bahay. Kinompronta naman ni Sindel ang nilalang na nabuo mula sa usok. Kumuha siya ng rosaryo mula sa kanyang bulsa at itinutok ito sa nilalang. 

"Sa ngalan ng Diyos na makapangyarihan. Pinapalayas kita demonyo!" Sigaw ni Sindel 

Umungol ang nilalang at dahil doon ay tumalsik si Sindel. Lumapit paunti unti ang nilalang sa kanya hanggang sa mahuli siya nito. Idinikit niya ang rosaryo sa noo ng nilalang at dahil dito ay nabitawan siya nito. Tumakbo siya palabas ng bodega at kumuha ng lubid. Nakatayo ang nilalang at nagtungo sa may kusina kung saan naabutan nito si Sindel na nakatungtong sa upuan habang nakatali ang leeg sa may lubid na nakasabit sa may kisame. 

"Patawarin niyo ko Ama" sabi niya bago tuluyang ibigti ang sarili. 

Umungol ulit nang malakas ang nilalang kaya humangin nang malakas dahilan upang matuba ang mga kandila na siyang nagpasimula ng sunog. 

Samantala,hsbang tumatakbo  tumatakbo si Sheila palabas ng kanilang bahay ay nakita niya na nasusunog na ang bahagi nito at nakita niya rin ang nilalang na lumabas ng kanilang bahay at hinabol siya nito. Noong makaabot si Sheila sa may kalsada ay nabundol siya ng isang pick-up truck na naging dahilan ng kanyang pagkamatay. Ang kanyang dugo ay tumalsik sa manika. 







SheilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon