Hindi Inaasahan

18 1 0
                                    

Casts

Kathryn Bernardo and Daniel Padilla

--------------------------------------------------------------------

 ~Susubukang pipigilan ang nararamdaman sayo aking iniirog upang puso'y hindi na mawawasak pa ang durong na puso ng labis.~

--------------------------------------------------------------------

     Unang tapak ko lamang sa malaking paaralan na pinaglipatan, ang aking mga mata ay napako sa isang lalaking tila bumuhay sa puso kong natutulog. 

Ang cute niya. 

Ano kaya ang pangalan niya? 

Ilang taon na kaya siya?

May jowa na siya?

     Ilan lamang iyan sa mga saloobin ko tungo sa kanya habang siya ay tinititigan. Hindi ko namalayan, nawala na siya saaking paningin at .....

....

...

..

.

*riiiinggg*

LATE NA PALA AKOOOO! WAAAAAAH

     Kasalanan talaga ito ni Kuya Gwapo. Kung hindi lang siya nagpakyut saakin, di sana ako malate eh. Pero sana naman makita ko siya muli. Hihihi. Landi ko talaga, late na tuloy ako. Psh.

*boogsh* 

    Aray koo! Ang tigas talaga ng pader. Huhuhu. Mamii. 

"Okey ka lang Miss?" saad ng pader. P-pader?! Nagsasalita na pala ang pader ngayon?! WAAAAAHH! Mamiiii.

"Miss! Okey ka lang?" H-hala! S-si Kuya Gwapo! Omg!! Ang gwapo niyaaaa!

"O-opo. O-okey lang po ako. Hehe." anubayan! Pautal-utal ako. 

"Mabuti. Hahaha." Ang cute ng tawa niya *_* "Saan ba ang room mo? Para mahatid kita." 

    Agad-agad ko namang sinabi sa kanya saan ang room ko at ang galing talaga ni tadhana. MAGKAKLASE PALA KAMIII! 

--------------------------------------------------------------------

     Ilang buwan ang nakalipas, kami ay naging matalik na kaibigan. Gumawa ng mundong ako at siya lamang naroon. Walang iba. Tanggap ko naman na kami lamang ay magkaibigan at hinding-hindi na magiging magka-ibigan. Masakit pero yan ang totoo. 

     Pakshet lang men! Yung puso kong tanga pilit paring pinipilit na mahalin siya eh! Ang ganda mga mata niyang nangungusap. Yung tawa niyang hindi nakakasawang pakingan na tila musika. Mala perpektong jawline. Tinalo pa nga niya si ZAYN MALIK sa kagwapohan eh! 

Kaso PAASA siya eh! 

Napaka-sweet niya rin eh. Laging nagmemessage ng GOODMORNING at GOODNIGHT. Tinatanong kung KAMUNSTA NA BA AKO at kung KUMAIN NA BA AKO. 

Akala ko saakin lang, pero sa LAHAT pala! Tinalo niya pa si Gerald ah! Kaya naman yung tangang puso ko UMAASA lang sa wala!

--------------------------------------------------------------------

February 14. I decided na sabihin na lahat sakanya ang nararamdaman ng puso't isip ko. Nanginginig na ako dahil sa takot. 

Baka layuan niya ako!

Paano ang friendship namin?!

Baka di niya ako gusto.

Baka may iba na siyang napupusuan.

Kaya ko ba ito?! 

"Bes! Happy Valentines' Day!" Masayang bati niya saakin. Pero ako, nakatulala lamang sakanya. Di ko alam ang gagawin ko! Para akong najejebs sa kaba.

"Okey ka lang ba bes?"

"Oo. Happy Valentines' Day din Bes! Uhmm.." Sasabihin ko na ba? Ay bahala na!

"May sasabihin ako!"

"May sasabihin ako!" Sabay pa talaga kami! Match made from heaven talaga kami *_*.

" Ikaw na mauna bes." Curious ako sa sasabihin niya. Sasabihin niya bang mahal niya ako? 

"Uhm.. Bakla ako." P-puta? 

"H-huh?" N-nabingi ata ako ah. Ang ingay kasi ng paligid. "Ano nga ulit yun bes?" 

"Sabi ko, BAKLA ako. Maglinis ka nga ng tenge bes. Kaloka ka eh." 

    Tumigil ata sa pag-ikot ang mundo ko. Katagang hindi ko inaasahang marinig mula sa taong mahal na mahal ko. Hindi ko alam ang dapat kong magiging reaksyon. Hindi inaasahan ang luha'y tumulo. 

"Uy Bes! Okey ka lang?" Ngiti na lamang ang nasagot ko sa kanya sapagkat di ko na makakayang magsalita at tila'y mabibiak na ang aking boses. Ngunit, ano nga ba ang magagawa ko? Yan na eh, nangyari na. 

     Siya nalang ay tatanggapin. Sapat na lamang 'yon saakin basta't siya ang kasama kahit bilang magkaibigan na lamang. Di nalang ako aasa na ang aming nararamdaman ay magiging magkapareha sa huli upang hindi na mamasaktan pa. Pilit na lalayuan siya upang hindi mahuhulog pa ng labis. Susubukang pipigilan ang nararamdaman sayo aking iniirog upang puso'y hindi na mawawasak pa  and durong na puso ng labis.

Paalam na aking kaibigan.  

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

~11/4/19 <3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 01, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shots StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon