Korean-filipino Stunner

6 0 0
                                    

How old were you when you first experienced love? San mo siya nakilala? ang tanong nagkatuluyan ba kayo ngayon? Iniaalay ko ang kwentong ito para sa lalaking nagpatibok ng puso ko  pero tulad ng karamihan pinagtagpo tayo pero hindi itinadhana. Ngayon ikaw ay masaya na sa piling ng iba at masaya na rin ako para sayo. Roy, para sayo ito. Para nga pala sa mga magiging mambabasa ko, ngayon palang ay nagpapasalamat na ako sa inyo. Matagal na kong nagtatangkang magsulat subalit hindi ko ito inilalathala sa kahit na anumang site. Sana ay magustuhan nyo ang nobela kong ito. (Hindi ako ganun kagaling, Unang beses ko ito na magpublish, suportahan ko po ako. Gamsahabnidda! fighting!)

"Suwon... bumangon ka na diyan! malalate ka na!" sigaw ng aking ina mula sa kusina habang ipinapatong ang plato ng pagkain sa mesa. kahit na dinig ko si omma ay di ako kumibo. "Suwon!" mas malakas.. "alam kong gising kana.... bumangon ka na diyan.. pag ikaw ay di pa bumangon bubuhusan kita ng tubig. " galit na si mama.. "Suwon! isa... " naririnig ko na ang kalabog ng tsinelas ni mama patungong kwarto ko kaya't dali-dali na akong nagbangon. "omma, good morning! magandang umaga!" sabay kiss at yakap sa mama ko. "ikaw Suwon, lagi mo talaga akong pinagtitripan..." di na galit si mama. "sorry na ma. kamusta ang tulog mo po? mahimbing po ba?" tanong ko kay mama. "oo, ikaw kamusta ang tulog mo? mahimbing din ba?"

"neh!" .. mag almusal na ako ma ha!" 

Ako nga pala si Suwon Lee, Isang korean-filipino. Ang aking ina ay dating isang ofw na nagtrabaho sa korea nung dalaga pa siya at doon niya nakilala ang divorcee kong Ama na si Hyun-sik Lee. Ang ama ko ay 35 nung makilala niya ang aking ina na 27 naman ng mga panahon iyon. May mga korean siblings ako sa dating asawa ng aking ama subalit hindi ko na sila nakilala. Nang pakasalan ng aking ama ang aking ina ay tutol ang pamilya ng aking ama dahil nonkorean ang akin ina, subalit kahit ganun na lang ang pagtutol ng pamilya ng aking ama sa kanilang kasal ay ipinaglaban pa rin ni Appa ang aking ina. Dahil nga sa tutol ang aking grandparents sa kanila ay nagalit sila ng husto nung itinuloy parin ni appa ang kanilang kasal at dahil doon ay itinakwil ng aking lola ang aking ama, tinanggalan ng mana at naghirap. Ipinanganak ako sa korea subalit sa hirap ng buhay namin dun ay nagpasya ang akig appa na sumama na lang sa aking ina sa Pilipinas at dito na manirahan.   

Ang aking ina ay isang napakacute na pilipina , napasungit pero napakamapagmahal at maalagain samin ni Dad. Sayang lang at di na ako nagkaroon ng kapatid sa kanila. 

Dito ako nag-aaral sa isang public Highschool sa Laguna at dahil nga sikat na sikat ang Kpop at Kdramas dito sa pilipinas ay naging sikat ako dito. Di naman sa pagyayabang subalit maganda ang combination ng mom and dad ko kaya't di ko naman sa sinasabing gwapo ako pero ilang beses na akong kinuhang commercial model, extra sa movie at freelance model dito sa Pilipinas. Kadalasan nga habang dumadaan ako papunta sa klase ko ay mag mga nagsisigawan at tumatawag sa akin ng "Oppa!" Oppa... Suwon-Oppa" sa totoo lang naiirita ako pero flattered pa rin ako dahil narerecognized nila ang visuals ko. Pinaplano ko in the future na maging celebrity dito sa Pilipinas subalit hindi bilang artista kundi isang reporter o host ng variety show. Pagkapasok ko sa classroom ay agad lumapit sakin si Tepong nag bespren ko. "Suwon, last year na natin sa senior high!" sabi niya. Si Tepong ay full-blooded filipino. Mahilig din siya sa Kpop. Idol niya ang BTS kaya't nakipagkaibigan siya sakin nung malaman niyang half-korean ako. Mabuting kaibigan si Tepong. Naalala ko last year, ayoko talagang makipagkaibigan kay tepong palagi niya kasi akong kinukulit tungkol sa BTS, BlackPink, Twice at Astro kaya't ayaw kong nakikipag usap sa kaniya. Subalit isang araw, Habang naglalakad ako galing school pabalik ng bahay namin ay may tatlong lalaki na humarang sakin. "Hoy... koreanong hilaw!" sabi ng pinakamalaki at pinakasiga sa kanila. "balita ko ang yabang mo daw".. sabi pa niya "Sino ba kayo? Di ko kayo kilala!" sabi ko. nagtawanan silang tatlo "di kilala ha? eto makikilala mo na kami at di mo pa kami malilimutan!" umigkas ang kamao nya patungo sa akin. Nakaiwas ako.. ang bilis ng kamay niya. kaliwang kamay naman ang isusuntok nya sakin subalit naunahan ko siyang masuntok sa mukha at sinundan ko iyon ng sipa sa tiyan na siyang napagpalaglag sa kaniya nang lalapitan ko pa siya para suntukin ay  may pumalo ng kahoy sa likod ko at bumagsak na lang ako. Doon nila ako pinagtulungang tatlo. sipa dito, sipa doon wala na akong nagawa kundi ang tanggapin na lang ang suntok at sipa nila. Mawawalan na sana ako ng malay ng biglang dumating si Tepong at nagsisigaw para humingi ng tulong. "hoy... itigil nyo iyan.. may pulis na malpit dito.. " malakas na boses. "Pulis, pulis!!!" mas malakas na boses maya-maya pa ay may humuni ang serena ng pulis at biglang kumaripas ng takbo ang tatlo. agad akong nilapitan ni Tepong "Suwon, okay ka lang? Suwon?" pag aalala niya. Tinutungan niya akong makatayo "salamat, Tepong!.. teka, sa bag mo ba nanggagaling yung tunog ng serena ng Pulis?" tanong ko, "ah oo, buti na lang nadala ko yung bluetooth speaker ko at napasimplehan kong iplay yung police siren" sabi niya.. "ang galing ng ideya mo ah!" at sabay kaming tumawa. Simula noon ay palagi na siyang nakakalibreng kumain sa Korean restaurant namin.

Please leave a comment to inspired me to write. :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 04, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Aaliyah, Girl with sad eyes.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon