Chapter 1: Birthday Gift

14 0 0
                                    

Pagkalipas ng isang Linggo,

Inaayos ni Richie ang kanyang gamit sa kanyang bag. Maaga siyang nag-out dahil kailangan niyang umuwi nang maaga dahil ngayon ay ang ikaanim na  kaarawan ng anak niyang si Princess. Nagtratrabaho si Richie bilang isang ahente ng real estate company sa may Pasig. Matapos ayusin ang kanyang gamit ay agad itong umalis. Sumakay siya ng kanyang pulang kotse at tuluyan nang umuwi. Hindi na niya nagawa pang makapagpaalam sa kanyang mga kaibigan sa trabaho. Habang nagmamaneho ay tinawagan niya ang kanyang asawa na si Veronica. Nagring ng ilang segundo ang kanyang cellphone bago nasagot ang kanyang tawag. 

"Hello Loves."-Sabi ni Richie  

"Hello"-sagot ni Veronica 

"Pauwi na ako. May ibibilin ka ba?"-Tanong ni Richie 

"Hmmmm. Wala naman.. basta mag-ingat ka nalang sa pagmamaneho at tsaka wag mong kakalimutang bilhan ng regalo si Cess."-Sagot ni Veronica 

"Ahhhh sige.. Hintayin niyo nalang ako Bye Love you!" sabi ni Richie 

"Bye. Love you too!" sagot ni Veronica tapos ay ibinaba na nito ang kanyang cellphone. 

"Regalo,Regalo. Ano kaya ang pwede kong iregalo" -sabi ni Richie sa sarili 

 Makalipas ang ilang minutong pagmamaneho ay narating na ni Richie ang kanilang baranggay sa may Quezon City. Sa tapat ng nasunog na compound ay nakita niya ang isang bagong Thrift Shop. Naisipan niyang tumingin tingin dito kaya inihinto niya ang kanyang kotse at pumasok sa loob. Maraming mga lumang damit,mga libro at mga laruan sa loob ng shop ngunit ang nakapukaw sa kanyang atesnsyon ay ang isang lumang manika. Isang Sheila Model mula sa "It Girls" doll toyline. Sikat na sikat ang ganitong uri ng manika noon. Kaya ng manikang ito na magsalita ng limang pangungusap dahil may built in speaker ito. . Ang manika ay may laking dalawang talampakan at napakaganda ng itsura nito. Naisipan ni Richie na iyon nalang ang bibilhin niyang regalo para sa anak. Tinawag niya ang bantay ng shop. Lumapit sa kanya ang isang lalaking mataba,bigotilyo at medyo napapanot na ang bunbunan 

"Kuya magkano sa ganto niyo?" tanong ni Richie

"Bigay ko nalang ng 250 sa'yo yan boss"-Sagot ng lalaki 

Nagtaka si Richie dahil sa sobrang baba ng presyo ng manika kaya sinuri niya muna ito at wala naman siyang nakitang sira. 

"Sige kuya kunin ko na" sabi ni Richie. 

Nilagay ng lalaki ang manika sa isang kahon na malaki tapos ay ibinigay niya na ito kay Richie at tinanggap niya na rin ang bayad. Tapos noon ay nagmaneho na ulit si Richie Pauwi sa kanila.


Pagdating niya sa kanilang tahanan sa  Number 24 kalye ng Magsaysay ay sinalubong siya ni Princess ng isang yakap. 

"Daddy!"-salubong ni Princess 

"Happy Birthday Baby"-Bati niya sa anak 

"May gift ka ba sa akin daddy?" Tanong ni Princess 

"Siyempre naman" sagot  niya sabay ipinakiita ang kahon. 

"Yehey! Thank you daddy!" Pasasalamat ni Princess sabay yakap sa ama. 

"Mamaya na natin to ioopen baby ha"Sabi niya 

"Sige po Daddy" sagot ni Princess 


Tapos noon ay dummeretso si Richie ng kusina at naabutan niya si Veronica na nagluluto ng Spagghetti. 

"Hello Loves" bati niyo sabay halik 

Kamusta work?" tanong ni Veronica 

"Okay naman. Things run smooth" Sagot ni Richie 

"Mas smooth pa sa skin ko?" Pabirong tanong ni Veronica sabay tawa 

"Mas smooth pa rin ang skin mo siyempre" sagot ni Richie 

"Binola mo pa ako" sabi ni Veronica tapos ay pareho silang natawa. 

________________________________________________________________________________

Nang matapos ang nilulutong pagakain ni Veronica ay nagtipun tipon na ang pamilya sa hapag-kainan. Matapos nilang kumain ay dumeretso naman ang mag-ama sa sala habang si Veronica naman ay nagtungo sa may lababo upang maghugas ng mga pinagkainan.Masayang nanonood ng telebisyon ang mag-ama habang hinihintay nila na matapos sa paghuhugas at paglilinis ng pinagkainan si Veronica. sa gitna ng panonood ay sumingit ang isang breaking news. 

"Nasunog ang isang Thrift Shop sa may Quezon City kaninang alas singko kinse nitong hapon. Sa kabutihang palad ay wala namang namatay ngunit meron namang limang kritikal ngayon ang kondisyon sa ospital kabilang na ang may-ari na si Kenny Bueneventura. Wala pa ring natutukoy na dahilan ang mga awtoridad sa pagkasunog ng establisyimento."  

Ikinagulat ni Richie ang balita. Napatingin siya sa kahon sa may sofa nila na naglalaman ng manikang nabili niya sa mismong thrift shop. Maya maya ay may humawak sa kanyang balikat. Nilingon niya ito at bumungad sa kanya ang kanyang asawa. 

"Tara na buksan na natin ang mga regalo ni Cess" pag-aaya ni Veronica 

Nagtipun tipon sila sa sofa at isa-isa nilang binuksan ang mga regalo ng mga kaibigan at ng mga kamag-anak nila para kay Princess. Samu't saring mga damit at mga laruan ang natanggap ng kanilang anak. Panghuli nilang binuksan ang malaking kahon sa sofa na galing kay Richie. Hinayaan ng mag-asawa na si Princess ang magbukas ng kahon.  Nang mabuksan na ni Princess ang kahon ay bumungad sa kanya ang isang napakagandang manika. Ikinatuwa niya ang natanggap niyang iyon at hinalikan niya ang kanyang ama habang nagpapasalamat. Inilabas ni Princess ang manika mula sa kahon at niyakap ito nang mahigpit. Nakita rin niya ang buton sa likod ng manika. 

"Daddy para saan tong pindutan na to?" Tanong niya 

"Pag pinindot mo'to magsasalita yang doll" Sagot ni Richie 

Pinindot ni Princess ang buton.  

"Hi There! I am Sheila and i'll be your best pal!" 

"Sheila pala name mo! Ako naman si Princess" sabi niya 

Pinindot ulit niya ang buton 

"Hey! Can we play?" 

"Yes!" sagot niya 

"Nagustuhan niya" bulong ni Veronica kay Richie 

"Gustong gusto ko siyang nakikitang masaya" sagot naman ni Richie habang pinagmamasdan si Princess. 

"Ikaw ang pinakadabest na tatay at asawa  sa buong mundo" sabi ni Veronica sabay halik sa asawa.

Tapos noon ay nakipaglaro silang dalawa sa kanilang anak bago sila matulog. 

________________________________________________________________________________









SheilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon