Chapter Four

158 4 0
                                    

Park Jimin POV

"So, here we are!"

Tulala akong napatitig sa Lugar kung saan ako dinala ni Jungkook. Akala ko nga hindi niya tutuhanin ang sinabi niyang ipapasyal niya ako, but, here I am kasama ko siya. Kasama ko ang taong mahal at nilalaman ng puso ko.

"Hindi mo ba nagustuhan ang surpresa ko? Sa pag-kakaalam ko kasi mahilig ka sa Garden at mga bulaklak."

Hindi ko muna siya pinansin. Nagsimula akong maglakad sa gitna ng mga ibat-ibang bulaklak na sa tana ng buhay ko, hindi ko alam kung totoo bang nag-eexist ang mga ito. Hindi isang panaginip, hindi isang biro lang, dahil totoong nasa isang paraiso ako ng mga bulaklak.
Hehe!. Noon pa man palagi kong bukambibig hindi lang kay mama kundi maging kay jungkook na balang araw gusto kong mamasyal sa isang Garden na punong-puno ng mga bulaklak. At heto kaming dalawa ng taong mahal ko. Nasa gitna ng Garden na matagal ko ng pinapangarap sa tana ng buhay ko. Na minsan sana may magbalak na ipasyal ako, ngayon ay natupad na..
Thanks to Jeon Jungkook. he makes me fall Inlove to him much and more.
Umikot ang paningin ko sa paligid.
Mula sa sunflower, calla lily, pink rose, red rose, daisy, dalia, zinia, gladiolus, marigold, tulips, jasmine at marami pang iba. Hindi ko na mapangalanan iyong iba kasi hindi ko na alam kung anong pangalan.
Subrang gulo ko ba?
Peace. Haha.
Napangiti ako ng wala sa oras at napalanghap sa sariwang bango, halimuyak na hatid ng mga flowers.
Bago ko pa makalimutang may kasama ako ay napalingon ako sa subrang guwapong lalaki na nasa tabi ko.
Seryoso itong nakatitig sa mukha ko, hindi naman kunot ang noo niya. Hindi ko alam kung anong nasa isip niya ngayon. At kung bakit naisipan niyang ipasyal ako sa isang Garden.
Bakit mo nga ba ginagawa ito sa 'kin Jungkook?
Dahil gusto niya akong mapasaya habang hindi pa sila ni Taehyung?
Ugh! Hindi ko Alam!.
Bigla akong hindi nakakilos ng unti-unti siyang lumapit sa mukha ko. H-hindi. Hindi! imposibleng may dumi ako sa mukha.
Ang sunod kung naramdaman ay ang kamay niyang humaplos sa kaliwang bahagi ng tenga ko.
Sa una ay nagtaka ako kung anong inilagay niya kaya napahawak ako sa kaliwang tenga ko. Isa pala iyong pulang Rosas.

"Don't try to remove it."

Nakangiti niyang sabi. Hindi ko Alam kung bakit Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa kilig.

"Baka magalit ang may-ari ng Garden Mapagalitan pa ako."

"Siya ang kusang nagsabi na pipitas ako."

Nakangiti pa rin niyang Sagot. Sukat Doon ay Nagulat ako. Wala naman akong narinig na may nagsalita o kausap siya kanina sa tabi niya ah!

"Sinong nagbigay ng pahintulot sa'yo? Kailangan ko na itong tanggalin dahil baka mamaya niyan sigawan pa ako ng may-ari mahirap na."

"Don't try to remove it dahil bagay sayo. "

"Nagbibiro ka lang,"

"Hahalikan Kita oras na tanggalin mo 'yan."

Napairap ako ng dahil sa banta niya. Palagi nalang niya akong tinatakot ng dahil sa halik na yan. Grrrr.. Ano kaya kong ako naman ang gagawa non sa kanya?
Wahhhhhhhh!
Hindi ko yata kayang bantaan siya ng ganon.

" Well, Suko na ako sa'yo. Pero dahil Nandito nalang din tayo,"

Mabilis Kong hinablot ang kanang kamay niya at inilapag ang cellphone ko. Puno naman ng pagtatakang napatitig siya sa cellphone ko na ngayon ay hawak hawak  niya na.

"Hindi tayo Nandito for nothing. Kuhanan mo lang ako ng Ilang shots then sa iba naman tayo mamamasyal."

"But, I'm not your photographer!"

"Ikaw naman ang Hahalikan ko, once na hindi ka pumayag.."

Huli na para bawiin ko ang sinabi ko dahil bigla na lamang siyang napangiti at napakagat-labi. OMO!
Hindi ko alam kung namumula na ako ngayon dahil sa hiya..
But,
He just wants to tease me, that's for sure!.

I Love You✔️(COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon