One Shot Story

52 7 2
  • Dedicated kay x
                                    

One shot story lang po ito.. sana magustuhan nyo.. Enjoy reading! :))

- - -

Hindi ko maipaliwanag itong aking nararamdaman. Basta ang alam ko, napapa- "Party! Party!" ako tuwing ika'y nariyan. Bawat oras na lumipas na ikaw ang kasama ay hinding-hindi ko malilimutan.

Naaalala mo pa ba kung paano tayo nagkakilala? Nung ipakilala ka sakin ng bestfriend ko bilang crush nya. Nagulat ako kasi ikaw pala yung tinutukoy nya sa mga kwento nya. Ikaw na nagpapa-saya sa kanya. Ikaw na inspirasyon daw nya. At ikaw na gusto ko na bago pa nya ipakilala.... :(

Simula palang sinubukan ko nang pigilin tong nararamdaman ko para sa'yo alang-ala sa bestfriend ko. Pero anong magagawa ko? Ikaw ang ang dinidikta ng puso ko... kung kaya't pinili ko nalang na itago itog nararamdaman ko...

Pero di ko akalaing magiging magkaibigan tayo...

Ang saya saya ko!
Araw-araw lalo pang lumalalim ang pagtingin ko sa'yo at lalo pang tumindi nung nung yakapin mo ako mula sa likuran at sinabing...

"Simula ngayon, ikaw na ang 'Close Friend' ko"

Ang saya saya ko nun. Para akong humakbang sa ilang libong bahagdan paakyat sa puso mo..

- - -

Hanggang sa tuluyan na nga kitang minahal dahil sa mga gawain mong nagpapalundag sa aking puso. Tanda mo pa ba nung tawagin mong "mommy" ang mommy ko? e yung pag-kiliti mo sa akin sa tuwing natatapos ang flag ceremony? Pati yung pagsundo mo sa akin mo sa akin sa bahay para magkasabay sa pag-pasok.. At yung mga panahong sabay tayong kumakain ng fishball bago mo ihatid pauwi. Nung pinayungan mo ako pauwi at inakala ng lahat na nanliligaw kana sakin at maging ang mga "Good night kiss" at "Labyuh! " mo sa text ay nakakadagdag kilig sa akin..

Di ko namalayan, ang lalim na pala ng ating pinagsamahan..

Hinding-hindi ko malilimutan ang "First Friendship Anniversary" natin.. Sana nagustuhan mo yung surpresa ko. Nung nag-text ako sa isang istasyon ng radyo at dun idinaan ang pabati ko sa'yo. Napagkamalan pa nga tayong magkasintahan nung DJ diba? ^__^

Bawat oras na magkasama tayo, dinarasal ko na sana wala na tong wakas.

Haaaay.. Ang saya saya ng mga ala-ala natin noh? Di ko tuloy maiwasang magtanung.

"Ito na ba yung tinatawag na 'Fairy Tale' ?"

"Mahal mo rin ba ako?"

"Ikaw na ba ang prinsipe ko?"

Pero ....

"Paano na ang bestfriend ko?"

- - -

Dumaan pa ang mga araw.. ang daming naganap. Tuluyan na akong iniwan ng bestfriend ko. Pero hindi dahil galit sya sakin ng malaman nyang gusto rin kita kundi dahil abala na sya sa kanyang kasintahan.. Masaya ako para sa kanya. Kaya naisip kong aminin na rin sa'yo itong itinatagong pagtingin.

- - -

Dumating na nga ang araw na pinaka-tumatak sa akin...

Nung nagtapat ako sa'yo ng pagmamahal ko.. Sa ilalim ng punong acasia, ngiting-ngiti kong sinabi sa'yo..

"Jhake! Crush kita simula palang kaso ... Mahal na kita.."

Umasa akong sasabihin mo rin ang mga salitang Mahal mo rin ako.. Kaso nagulat ako nung sinabi mong..

"Sorry Kylie pero kaibigan lang turing ko sa'yo"

Unti-unting nawala ang ngiti sa mukha ko.. hinihintay ko ang susunod mong sasabihin... hinihiling ko na sana biro lang ang sinabi mong iyon pero bumagsak lang ang mga luha ko sa sumunod mong sinabi ..

"At hindi ko na kasalanan kung minahal mo ako. Dahil simula palang, kaibigan lang talaga ang turing ko sa'yo"

Hindi ko na napigilan kaya tumakbo na ako palayo sa'yo.

At dun ko nasabi sa sarili ko na..

"Hindi pala ikaw ang prinsipeng pinapangarap ko sa inaakala kong Fairy Tale.."

-WAKAS.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Imperfect Fairy TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon