I'll Never Go (One Shot Story)
written by Jhea Talictic (SCCJ)
AllRightsResereved. Copyright 2014 ©★★★★
Isang linggo.
Isang linggo na ang nakalipas simula nung nagkamalabuan kami nang girlfriend ko. Iniiwasan ko sya at halata ring iniiwasan nya ako. Ewan ko ba kung pano at kung anong puno't dulo nang di pagkakaintindihan namin. Basta ang alam ko, Naiinis ako sa kanya. Bakit? Ewan ko rin. Siguro nga, nagseselos ako gaya ng sabi nila. Pero masama ba? Masama bang magselos sa "friend daw" nang girlfriend ko? Eh sa palagi nalang silang magkasama eh! Actually, kasalukuyang nasa 4th year na kami ngayon. Classmate kami since elementary hanggang sa nag 3rd year kami. Ngayong taon lang talaga kami hindi nagkasama sa isang room. Ptang tadhana nga eh! Papalapit na rin kasi ang aming 2nd anniversary. Tapos, eto pa ang nangyari. Sh*t lang! Eh pano kasi, mula nung nag 4thyear kami, hindi na kami masyadong nag uusap. Akala ko hindi problema ang paghihiwalay namin nang room dahil nasa iisang school lang naman kami pero di rin pala. Magkaiba kasi yung schedule namin. Halos nga di na kami nagkikita. Gusto ko man syang kausapin, di ko magawa dahil sa magkaiba kami nang schedule. At eto pa yung matindi! Simula pa nung nag 4th year kami, Palagi na syang may ibang kasa - kasama. Eto nga yung kanina pa pinagpuputok nang butchi ko. Itong Marlon na 'to na kala mo naman kung sinong gwapo. Kung makadikit sa girlfriend ko wagas. Kung tutuusin wala lang naman sa kalingkingan nang paa ko yung pagmumukha nya. Sh*t. Nakakabadtrip lang. Ewan ko din ba dun sa ungas nayun. Dikit nang dikit kay Camille. Psh! Nakaka init nang dugo. Wala na nga kaming quality time together eh tapos ganito pa yung pinapakita nila? Tang*na seloso na kung seloso pero masama ba?
---FLASHBACK Araw ng Lunes.
"Hoy Kenneth.." sabay tapik sa balikat ko nang kaibigan kong si Shirwen. Nandito kami sa corridor ng katapat nang room namin sa 2nd floor. Napatingin si Shirwen sa tinitignan ko kanina pa.
"Ahh! ganun pala. Teka nga bro, break naba kayo?"
Sa sinabi niyang yun, napaisip ako. Oo nga no? Break naba kami? Di pa naman ah? Ang dami na ngang nagtatanong kung kamusta na kami ni Camille. Wala naman akong maisagot. Kasi alam kong hindi kami okay.
Kinabukasan nung araw na yun, napansin kong walang imik 'tong si Shirwen. Nakatunganga, lutang at parang may malalim na iniisip. Kaya kinausap ko sya kaagad.
"Win, lalim yata nang iniisip natin ngayon ah. May problema ba?" Panimulang tanong ko sa kanya.
"Kenneth, may dapat kang malaman.."
Di ko maiwasang kabahan sa sinabi ni Shirwen sakin. Ano bang dapat kong malaman at parang nag-aalala sya ng sobra?
"A-ano?"
Kitang kita mo sa mukha ni Shirwen ang kanyang pag aalinlangan sa pagsasalita. Di kasi sya makatingin sa'kin ng deretso.
"Na- nakita ko kasi si Camille.. Hinatid ni Marlon kahapon nung uwian. Magkahawak kamay.." sabi nya.
Nak nang. SAKIT! Yun yung naramdaman ko nung time na yun. Halo halong emosyon ang naramdaman ko nun, Galit, Sakit, Selos! Gusto ko syang puntahan pero ayoko dahil baka makita ko na naman siyang kasa-kasama nang Marlon na yan. Araw-araw na lang ba Camille? Di nya ba alam na sya lang palagi ang nasa puso't isipan ko? Ni minsan di ako lumingon sa ibang babae. Gabi gabi, pinagdadasal ko na sana magtagal pa tong relasyon namin.. Na sana, di sya bumitiw, Sya kasi yung kauna unahang girlfriend ko. At sana sya narin yung huli. Pero ganito? Ganitong balita nalang ang maririnig ko? Naman oh! -.-
Sinubukan kong lumapit sa kanya at kausapin sya ng masinsinan, Sinubukan kong gumawa ng paraan para lang magkausap kami at nang maayos namin tong problema namin, pero wala rin eh. Wala ring nangyari. Di nya ako pinapansin. Busy nga kasi sya. Busy sa Marlon nya. Eh di magsama na sila pareho!
BINABASA MO ANG
I'll Never Go (OneShot)
Short StoryLove is worth fighting for. Dahil sa pagmamahal, kaya mong gawin lahat lahat kahit ikapahamak mo pa. Eh pano kung ikaw nalang ang mag isang lumalaban? Pano kung yung taong dahilan kung ba't ka lumalaban eh iiwan ka nalang bigla sa ere? Pano kung wal...