CHAPTER 8: YOUTUBE SENSATION
"Hala! Tae! Anong oras na pala?" Dali-dali akong tumayo at dumampot ng towalya para pumuntang banyo.
Pagtapos maligo at pasuot na sana ako ng pantalon. "Aish! Sabado na nga pala!" Ano ba naman yan. Sayang naman yung effort kong anim na hakbang at benteng buhos ng tabo. Wala na! Di na ako makakatulog ulit. Mag-aalmusal na nga 'ko. Tsk.
Wala na si Nanay pagbaba ko. Malamang nasa trabaho. Marketting Officer kasi siya este Sales Lady, in other terms, tindera. Bantay ng isang shop... Sales Lady parin naman yun diba?
Basta isa sa mga ukay-ukay sa may Bayan. Kaya kung akala niyo mga model lang ang may supply ng damit, mali kayo. Ako rin noh! Mga imported pa yung mga yun. Medyo napaglumaan na nga lang ng iba.
Psh. Naalala ko tuloy yung maarteng Hazel na yun! Grabe. Pag nakikita ko siya sa billboard, hangang-hanga ako sa ganda niya at kung paano bumabagay sa kanya lahat ng damit. Eh? Bakit ang laki ng problema niya sakin. Ang sama-sama ng ugali!
Tapos yung idol ko dati na si Enzo, bukod sa kaklase ko siya, nakapasok pa ako sa kotse niya. Bakit kaya di na ako kinikilig? Malamang ay ganoon lang talaga kabilis mawala ng infatuation. But to be honest, he will have a special place in my heart.
Wait. What?
Yung baliw na nagnakaw ng first kiss ko?! SPECIAL PLACE IN MY HEART? Special place sa sementeryo, pwede pa. Aiiish! Ayoko na talaga magkagusto sa kanya. Dear heart, paawat ka please.
"Amandaaaa! Buksan mo pinto! Sikat ka naaaaa!" Ano na naman ba 'to? 6:30 palang po ng umaga. -___-
"Aling Brenda, ang agaga. Ano pong satin?" Pinagbuksan ko ng pinto si Aling Brenda. Siya yung tsismosa naming kapitbahay. Pero mabait naman eh. Kaso medyo direct-to-the-point magsalita.
"Nasa Youtube ka nga day! Di mo na naman sinabing boyfriend ka pala ni Enzo. May pa-idol-idol ka pang nalalaman diyan. Sige na day. Magkapitbahay naman tayo. Autograph lang. Solb nako!" Anong sinasabi neto -____-
Wait. What?
Youtube? Boyfriend? Enzo? Biglang nag-flashback sakin yung mga pinag-sasabi ko kahapon sa cafeteria nang umamin yung baklang ex ni Andrea. Oh noes! Wag naman sana...
"Pano ba kayo nagkakilala? Di ka naman maganda ah? Baka di totoo yung sinabi mo sa youtube?" Kanina nakatulala ako, pero natauhan ako sa sinabi ni Aling Brenda. Dire-diretso kung manalait. Oo na! Ako na di maganda! :3
"Aling Brenda, hind ko po siya boyfriend!" Tapos agad na akong lumabas ng bahay para makapunta sa computer shop.
Pagpasok ko, makikita mo kaagad yung mga kabataang may muta-muta pa pero naglalaro na kaagad. "Kuya! Half hour lang po!" Kuripot ako. Alam ko yun. -_-
BINABASA MO ANG
Kissed by My Idol
Teen Fiction"Yung idol mo na hinalikan ka? Naku! Itulog mo lang yan, baka magkatotoo pa." Yun siguro ang sasabihin ng marami kapag kinuwento ko na hinalikan ako ng Idol ko. Pero paano kung too nga! Sige, Let's say, naniniwala ka na. Pero paano kung nainlove rin...