CHAPTER 9: APPOINTMENT
"Kuya pa-on line." nilapag ko na lang yung pera sa lamesa, nangungulangot kasi yung nagbabantay, ang dyahe naman kung mahahawakan ko yung kamay nya.
"Kuya, mag-oonline daw po yung maganda kong bestfriend!" Pag-singit ni Buknoy dahil parang di kami pinapasin.
"Ok na! Istorbo eh." Sigaw nya. Makasigaw si Kuya, kala mo naman kami pa may utang na loob sa kanya.
"Ay. Galit?" Sabi ko sabay talikod dahil babalik ako sa PC#5
"Ay nako. Mainit ulo nyan naudlot ko kasi yung pangungulangot nya." Bulong sakin ni Buknoy. Medyo baboy lang? Hahahahaha.
Email: ibthfhf@chuchu.com Password: ***********. Enter!
"Inday! May 1 message daw. Baka online pa sya! Eto na yun oh. Eto na yun! Go girl bilis open mo na." *click!
"Buksan ko eh pinindot mo na." Siya kasi may hawak ng mouse. Ako sa keyboard.
Oneal: Aww. Seenzoned. :3 :'(
Nagreply naman ako.
Amanda: Uy sorry! Na-out lang saglit. Btw hindi ko po sya boyfriend. Inuulit ko hindi ko po sya boyfriend. :'(
Oneal: Sus ikaw nga nagsabi mismo na boyfriend mo si Enzo. :'("
Amanda: Hindi nga. Ah basta mahirap makipagtalo kapag sa chat lang. Teka nga pala hinahanap kita kahapon wala ka, hindi ka pumasok. :/
Oneal: Uy. Hinanap nya ako. Sabi ko na crush mo ako eh.
Bigla nalang akong kinilig. OMG! Pero naalala ko yung existence ni Buknoy.
"Oh ano na girl? Sya ba yun? Oneal Dizon pala ah. Ang gwapo naman."
"Kaklase ko lang 'to."
"Defensive much?"
Di ko nalang pa siya pinansin at nagpatuloy lang kami sa pagcha-chat ni Oneal.
Oneal: Uy. Di ka na naman nagrereply. Biro lang eh.
Amanda: Psh. Tignan mo! Namimiss mo yung reply ko. Baka ikaw may crush sakin.
"Ay girl! ang kapal mo." Sumingit na naman si Buknoy. -______-
"Hala, sige, kaw na dito." Gusto rin naman ni Buknoy. "Pero joke lang noh! Umuwi ka na nga! Yari ka na naman kay Aling Bebang niyan."
"Oo nga pala! Ako nga pala bantay sa tindahan today. O'sya, babush. Iwanan muna kita dyang kinikilig." At umalis na nga si Buknoy.
Bigla namang tumunog yung FB. May friend request daw.
WOAH!
Nakaka-shock yung nakita ko. Ilang beses na ako nagfriend request sa mga account niya noon kahit pa poser lang. Basta ba may update ako sa buhay niya. Tsk. Lahat nalang wala namang nangyari.
Enzo Thomson [Accept] [Not Now]
1 friend is mutual
Ano 'to? Baka fake lang din? Eh bakit siya ang nag-request? I-aaccept ko ba 'to?
You are now friends.
Inaccept ko na. Matagal ko rin kayang pinagrap na maging friends kami sa FB. Choosy pa ba ako? Eh artista na 'to.
Tapos nag pop-up agad yung chatbox niya.
Enzo: ETV4 Studio. 1pm tomorrow! Pumunta ka. Kung ayaw mong pareho tayong mapahamak dahil sa iskandalo mo.
Aba't kasalanan ko pa? Dahil sa kanya yun kaya ko ginawa.
But on the other hand. Di ako makikilala ng mga tao. Kaya ang kawawa talaga ay si Enzo. Tsk. Kawawa ang career niya.
Amanda: Ayoko.
Enzo: Wag mo akong papahiyain. Kumuha na ako ng hair and make-up, tsaka wardrobe stylist mo. Wag ka nang mag-inarte. Malaking parte ng career ko ang maaapektuhan mo.
Amanda: Bakit pa? Tinatamad kasi ako eh.
Simula kasi ng lumapit ka sa buhay ko, nagulo na ako. Pero ang toto kasi, wala akong pamasahe :3
Nakalimutan ko na tuloy replayan si Oneal. Nag-offline narin pala siya. Sabi lang niya. "Busy ka naman. Bye."
Enzo: You shouldn't be. Aayusin natin 'to. See you later. Bye.
Tsk. Napaka-cold talaga niya sakin. Di ko parin talaga maisip kung bakit niya ako hinalikan. Haay. Napapaisip tuloy ako na, 'di nga totoo na hinalikan niya ako.
Enzo: Wait. I forgot. Incase na wala kang pamasahe. Don't worry, I've got it covered.
Ano daw? Mind reader ba 'to?
Ay nakooo. Kinabahan naman ako bigla. Pupunta pa ba ako?
BINABASA MO ANG
Kissed by My Idol
Teen Fiction"Yung idol mo na hinalikan ka? Naku! Itulog mo lang yan, baka magkatotoo pa." Yun siguro ang sasabihin ng marami kapag kinuwento ko na hinalikan ako ng Idol ko. Pero paano kung too nga! Sige, Let's say, naniniwala ka na. Pero paano kung nainlove rin...