[24]: Ineng is HOME

303 7 0
                                    

[HUNTER's POV]

Grabe! Namiss namin siya sobra. Yung natutulog na kaluluwa namin nagising bigla. Sobrang nasuprise kami. Di namin akalain na uuwi siya ngayon.

Isang taon siyang nawala sa tabi namin. Isang taon kaming nangulila sa kanya. Isang taon siyang nagtiis na hindi kami makita.

Pero nandito na ulit siya.

"Ate, bakit ngayon ka lang? Miss na miss ka namin." -Samantha

"Nag-isip isip lang naman ako at the same time pinalago ko ang business ko. Alam niyo na. *wink*"

Kilala niyo ba siya? *chuckle* Oo nga pala, simula pa hindi niyo siya kilala. Siya ang pinakamamahal naming ATE.

SUE TORRES..

Actually, mag pinsan sila ni Tristan. Kaya naman 'tong si Tristan ayun tumabi sa pinsan niya.

"Ate, kumusta naman yung mga kaibigan mong baliw? ^_^" -Leigh

"Yung mga yun? Baliw pa rin hanggang ngayon. Mukhang nasa mental nanga yung mga yun. Hahaha!"

Yan si Ate Sue. Siya ang nagsilbing modelo kay Jace at Ava. Ay, grabe. Pag nagsama yang tatlo? Parang barangay na nagpipiyesta sa sobrang ingay.

Nakakabingi nga eh. Minsan nageearphones kami kahit walang tutog. Makatakas lang sa pagdudugo ng tainga namin.

*

*

[AVA's POV]

I'm soooooo happy! Umuwi na rin ang pinakapaborito kong tao sa buong mundo!

"Ate anu-ano nga yung pangalan ng mga baliw mong kaibigan? Namiss din namin sila ate, Lalo na si Ash Suarez! ^_^" sabi ko. Sorry naman. Happy lang talaga ako kasi umuwi na si ate.

"Nakalimutan niyo na? Mas matanda pa ata kayo sa'kin eh. Haha. Sige na nga iisa-isahin ko na. Si Adien Berganio, Ash Suarez, Monique Mercado, Ellaisha Castil, Airies del Castillo, at Jessa Ramos."

(Miss V: Paplug po! Haha! Segway lang sandali. :) Story ng mga Baliw ang title ng story by Tatch02. Ge yun lang!!^_^ Arigato!)

Walo silang lahat. Super friends kaya sila. Kaya gustung-gusto ko sila. I hope, I can meet them in person soon. ^_^

*

*

[JACE's POV]

Nasa sala na kaming lahat ngayon. Nagbobonding. Buti na nga lang sabado ngayon. Makakasama namin si Ate.

"Aish! Kabwesit siya ha! GGGGRRR!!! >__<" napatingin kami bigla kay Ate Sue na galit na galit na nakatingin sa screen ng phone niya.

"Anong problema Ate?" tanong ni Mika na katabi niya.

"Yung ex ko." tipid na sagot ni Ate saka binaba ang phone niya sa may center table.

"Yung gagong nangiwan sa'yo Ate?" -Tristan

Tumango lang si Ate.

"Hindi ka pa rin ba makamove on Ate? Ang tagal na noon ah." -Ashley

"Nakamove on na ako. Ang kinagagalit ko lang bakit kailangan pa niyang magparamdam. Siya na nga 'tong nagsabi sa'kin na kalimutan ko siya. Walang isang salita eh. Tapos ngayon siya 'tong maghahabol ulit? Akala niya siguro mapapatawad ko pa siya. Hell no! Bahala na siya. Masaya ako sa piling niyo, kaya ok na ako." saka ngumiti si Ate. Kahit kailan talaga pinakamaganda yung ngiti niya. Naghug ulit kami sa kanya. Dikit-dikit na, kahit hindi pa kami naliligo.

Ramdam namin ang pagmamahal ni Ate sa'min. Kahit noong nandun siya sa US di siya nakakalimot magpadala ng gift pag may nagbibirthday sa amin.

Noong nacomatose si Leigh. Kahit gustong-gusto daw niyang umuwi, hindi pwede dahil sa trabaho. Kahit mag-22 na si Ate this October. Isip-bata pa rin siya. Kaya siguro batang-bata pa siyang tignan.

"O siya, tama na nga yang drama. Buti pa manuod nalang tayo ng movie. Dali na! *pout*"

*
*

[XAVIER's POV]

Forever childish 'tong si Ate Sue eh. Kaya love na love namin siya. Pag may lalaking nanakit ulit sa puso niya. Dadaan saming lahat.

We ar currently watching Lucy. Ewan ko ba dito sa mga 'to, napanuod na namin lahat to pwera nalang sa pinakamatanda sa'min. Haha, amaze na amaze daw kasi siya kay Lucy kung pwede lang daw 100% ng utak ng tao ang ginagamit. Baliw talaga.

Ginala ko ang tingin ka sa buong sala. Ang say tignan pag kumpleto kami. Pati si manang nakisali na rin sa panonood.

Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko sa may bulsa ko. Kinuha ko ito.

"Siya na naman? Hindi ba siya nagsasawang magtext halos araw-araw."

Sabi ko sa isip ko. Binalik ko ulit ang phone sa bulsa ko. Ano nang gagawin ko? Siguradong di ako titigilan noon pag di ako pumunta. Tch, bahala na.

"Ate, guys, babe, alis muna ako ah. Urgent daw sabi ni Mommy eh." pagsisinungaling ko sa kanila.

"Sige babe. Ingat ka. Love you." tugon ni Leigh saka ako hinalikan sa pisngi.

Tumango lang silang lahat. Pero si Ate di umuimik. Kaya lumabas nalang ako ng bahay.

Sana naman naganda yung excuse na sa'kin this time.

--------

A/N: Sorry natagalan ang update. ^_^

Meet The Populars (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon