Chapter 10: Mesmerized

69 7 0
                                    

CHAPTER 10 : MESMERIZED

Alas dose ngayong linggo. Di ko akalaing, ba-byahe talaga ako papuntang ETV4 Studio. Kasalukuyan akong nasa jeep at kinakabahan nang marinig kong nag-chcichismisan yung mga babae.

"Bes, totoo ba yung tungkol sa girlfriend DAW ni Enzo?" Agad kong tinakpan yung mukha ko.

"Hala, napanuod mo na rin? Tsk. Nakita mo naman sa video eh. Edi, Oo. Pero I'm wishing na hindi. Huhu." 

"Sana nga bes. Parang di ko kakayanin eh. Mas hamak naman na mas maganda ako dun. Ano kayang nakita ni Enzo dun? Ang PANGET PANGET naman!!!!!!!!"

"Aba! Wait lang po ano?" Di ko mapigilan sarili ko. Nag-react na ako. Ako kasi yung nilalait.

"...Baka dumiretso na kayo sa impyerno sa panlalait nyong yan no? Hindi po ba mas maganda kung hihintayin na lang natin yung interview kung may katotohanan po ba yun o wala. Tska malay nyo yung video yung may mali, may cut kaya yun!" singit ko, hindi ko na kasi napigilan yung panlalait ng mga ito kala mo naman eh ke gaganda magkahawig naman sila ng aso namin tapos yung isa na mas malakas manlait kamukha ng galis ng aso namin. Tse!

"Ha? Bakit mo naman nasabi yun, miss, nandun ka?!"

"Ay, baka kamag-anak mo ba yung girl na yun?"

"A-aa-eh ah! Hindi ha. Sinasabi ko lang yung opinyon ko, kayo kayang malagay sa sitwasyon nung girl na yun? Anong gagawin nyo?"

"Hoy! Ano ba yan! Ang iingay nyo marami rin kayong pasahero ko oh! Makapag-sigawan kayo dyan akala nyo naman may magagawa kayo. pano nga kung totoong girlfriend niya yun may magagawa ba yang panlalait nyo? Tska kung makadescribe kayo sa babae akala nyo naman nakita nyo talaga yung itsura nya, hindi naman diba kasi nakaside view lang yung babae dun?" singit ng driver ng sinasakyan namin na naging dahilan ng katahimikan at pagkabigla ng lahat.

"Kuya? Updated ka?" tanong ko.

"Oo. Yung misis ko kasi idolo nya si Enzo, kaya yun nahahawa ako wala rin naman akong magagawa kahit na  basketball talaga yung gusto ko." nagtawanan ang lahat pagkatapos nun. Akalain mo si Manong driver updated at ang pinaka the best dun kahit wala talaga syang  kaalam-alam na ako talaga yung girl na yun pinagtanggol nya ako.

"Bes, may update pala from ETV4 oh. May interview daw si Enzo Thomson mamaya." Sabi nung isang babae kanina habang nakatingin sa cellphone niya.

"Ah. Oo, nakalagay nga rin sa newsfeed ko. Hahaha. Ayos! Magsasalita na daw siya tungkol sa issue na yun." Sagot naman nung isa. 

Tinotoo nga ni Enzo. Shems! Kinakabahan ako. Napansin ko narin kasi na malapit na yung ETV4 Studio. 

"Manong sa ETV4 lang po." Pagkasabi ko nun lahat nakatingin sa akin hanggang sa nakababa ako. 

Gulat na gulat sila. Siguro nakahalata rin sila na ako yun. Pero naniniwala naman ako kay Enzo na aayusin niya lahat.

Kissed by My IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon