THIRTY EIGHT
Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)
"Anak, hinahanap ka kanina noong kasintahan mo." Bigla akong natigilan sa pagkain dahil sa sinabi ni Manang Bien, ang mayordoma sa bahay. Agad akong nag-angat ng tingin sa kanya at hinintay ko ang susunod niyang sasabihin.
"Mga tatlong oras din nag-antay iyong batang iyon. Aba, ala-singko pa lang ng umaga ay naririto na iyon. Napapadalas na ata ang pagpunta ng batang iyon dito at lagi kang hinahanap. Mayroon ba kayong pinag-awayan, anak?" Kunot noong sabi sa akin ni Nanay Bien habang naglilinis sa may harapan ko. Tinignan ko naman siya at mapait akong ngumiti sa kanya.
"Wala ho, 'nay." Sagot ko at tsaka ko muling itinuon ang pansin ko sa pagkaing nasa harapan ko.
"Sigurado ka ba, anak? Sa tuwing pumupunta si Axcel dito ay lagi ka namang wala o hindi kaya'y tulog ka. Nangangayayat na nga iyong batang iyon sa kakaparito't sa Cavite. Alam mo namang ang layo pa ng batang iyon." Ani ni Nanay Bien. Hindi na ako sumagot pa sa sinabi ni Nanay Bien at tahimik ko na lamang pinag-laruan ang pagkain ko. Bigla akong nawalan ng gana kumain at parang mas gusto ko na lamang magkulong na lang sa kwarto ko.
Isang buwan na ang nakalipas simula nang mag-usap kami ni Axcel. Ginawa ko lahat ng kaya kong gawin para lamang maiwasan siya at hindi siya makausap. He keeps on texting and calling me, pero binaliwala ko ang lahat ng iyon. I actually changed number para lamang hindi niya ako matawagan o ma-text man lang. I even deactivated all my accounts para lang mawalan ako ng koneksyon sa kanila, specifically, sa kanya. Miski si Nicollo ay iniiwasan ko rin kahit panay ang pangungulit niya sa akin. I once told him na kung pupwede ay h'wag na muna niya akong kausapin dahil gusto ko lamang mapag-isa. Tinupad naman niya iyon at hindi na niya ako kinukulit pa.
Hindi naging madali sa akin ang kalimutan siya, dahil hanggang ngayon. Alam ko pa rin sa sarili ko na mahal ko siya. Kung pupwede nga lang na iuntog ko ang sarili ko sa isang malaking bato para makalimutan siya ay ginawa ko na. Pero hindi pwede, dahil mayroong proseso at hindi iyon madali.
"Nanay Bien, tapos na po ako." Sabi ko kay Nanay Bien at tsaka ako tumayo.
"O siya sige, anak. Iwan mo na lamang 'yang pinag-kainan mo d'yan at ako na ang bahala." Saad ni Nanay Bien. Tumango lamang ako. Kumuha muna ako ng isang basong tubig bago ako muling umakyat sa kwarto ko.
Hindi madaling kalimutan si Axcel dahil sa tagal ng aming pinagsamahan. Sa tuwing naaalala ko ang mga araw, oras at pagkakataon na magkasama kaming dalawa. Hindi ko maiwasang hindi umiyak, pero ganoon naman talaga iyon. Sa una talaga mahirap, pero darating ang oras, araw, at panahon. Hindi mo aakalaing nakalimutan mo na pala siya.
Biglang naputol ang malalim kong pag-iisip ng biglang tumunog ang phone ko. Agad akong napatingin doon at tinignan ko kung sino ang tumatawag. Agad na kumunot ang noo ko ng makitang si Jeorge iyon. Walang pag-aalinlangan kong sinagot iyon.
"Heena! Gimik tayo mamaya! May ikukwento ako sa'yo kasi namimis na kita—Takte, Travis! Umayos ka nga! H'wag mo sabing hawak 'yan! Argh, Travis! Sasakalin kita, makikita mo! Travis, panty ko 'yan! Ano ba!" Kumunot bigla ang noo ko at tinignan ang phone ko.
"Jeorge?"
"Sorry Heena, bwisit kasi 'yong Ravis na 'yon! Ayaw akong tigilan, nang-iinis na naman. Pero basta ah, mamaya. Susunduin kita diyan sa bahay n'yo!" Sunod-sunod niyang sabi.
"Isasama mo si Travis?" Tanong ko.
"Oo, andito nga siya ngayon sa unit ko at nanggugulo. Sige na, tatawag na lang ako maya-maya at mayroon pa akong papatayin dito." Sagot sa akin ni Jeorge at tsaka niya pinutol ang linya. Huminga naman ako ng malalim.
BINABASA MO ANG
Just If (What If It's Love, Published Under Summit Media)
RomancePublished Under Summit Media, Pop Fiction. (What If It's Love) A story where forever doesn't exist. #BSS3