Tearing at the Seams(One-shot)

47 7 6
                                    

Note:This is work of fiction.It just contains the author's imagination ,so every names ,places and events mentioned here have nothing to do in real life.

————-

Meldy Eucliffe's POV

'Mihael Eucliffe (*639-*657)'

Naalala ko ang puntod ng aking yumaong kuya tatlong taon na rin pala simula ng siya ay namatay.Napa-buntong hininga ako ng unti-unti kong maramdaman ang pag-bagsak ng ulan,dali-dali akong sumilong sa malapit na puno.Nasa isang maluwag na lupain ako na kung saan basta-basta na lamang inililibing ang mga dukhang tulad ko—-namin.

"Meldy!you pip-squeak"nagulat ako ng biglang may sumigaw sa akin tumingin ako sa aking kaliwa at nandoon si Capt.Leon na nagpupuyos sa galit.Dali-dali akong pumunta sa kinaroroonan niya kahit na lubos ng malakas ang ulan.Hindi pa naman ako nakakalapit sa kaniya ay rinig na rinig ko na ang bawat mura niya.

"Anong gunagawa mo dito?Hindi ba't sinabi kong maglinis ka?!"singhal nito.Napa-yuko naman ako ,kaya hinablot niya ako sa braso at kinaladkad.Amoy na amoy rin sa kaniya ang amoy ng alak,kung kaya't napag-tanto kong lasing na naman pala ito.

"P-pero tapos na po akong mag-linis sa loob ng barko"nauutal na saad ko kung kaya't tiningnan niya ako ng masama at mas hinigpitan ang hawak sa akin.

"Sa loob?sa loob ka lang naman tapos,at mayroon pang napaka-raming kalat sa labas!inutil."saad niya at umakyat sa barko't sinalansan ako rito.Unti-unting namuo ang mga luha ko ,gustong-gusto ko ng umiyak ngunit iniwasan ko hanggang sa umalis na ang Kapitan at pumasok sa loob.

Sinimulan kong linisin ang kahoy na sahig ng barko kahit na sobrang lakas pa rin ng ulan.Nasa pantalan pa lamang ang barko ngunit masasabi mong napaka-pakas na ng alon sa dagat ang dilim na rin ng langit .Muli akong napa-buntong hininga at tumingin sa pintong pinasukan ni Capt.Leon rinig mo ang ingay rito,ang ingay ng kasiyahan nila habang nag-iinuman na tila humahalo sa tunog ng malakas na ulan.

Nag-tuloy ako sa pag-lilinis at inalis ang lungkot sa aking mukha at ngumiti.Kahit ganiyan si Capt.Leon mabait siya kasi pinapakain niya ako kahit na ayaw niyang sumasabay ako sa kanila,pinapatulog niya rin ako kahit doon lang sa imbakan sa ilalim ng barko.Binilhan rin niya ako ng sapatos bilang reward sa pagiging masunurin kong bata.

Onse pa lamang ang edad ko ngayon ngunit nag-ta-trabaho na ako,simula ng mamatay si Kuya ay nag-layas na ako sa bahay at iniwan ang aking Ama,ang ama kong kinasusuklam ko ng dahil sa kaniya ay nawala si Kuya

Flashback

Gabi iyon ng Miyerkules tatlong taon na ang nakakalipas ng humahangos si Ama na binuksan ang pinto dahilan upang magising ako ng mag-isa .Nag-mamadali siyang kinuha ang iba niyang importanteng gamit at aalis na sana ng harangin siya ng dalawang kawal na may crest na simbolo na sila ay kawal sa council

Sa takot at pagtataka ay nanginginig na ako at tumulo na ang luha sa mata ko na kanina ko pa pinipigilan napansin ako ni Ama at ng kawal kung kaya't ang isa sa kanila ay kinuha ako at tinutukan ng espada

"Sumama ka sa amin kung hindi ay tutuluyan ko itong anak mo"aniya ng isang kawal.Dahilan upang humagulgol na ako sa takot,tumingin ako sa Ama ko at kita sa kaniyang mga mata ang pagdadalawang-isip

"H-hindi totoo ang inaakusa ninyo sa akin!S-sino bang hangal ang lumapit sa inyo?!"sigaw ng aking Ama.Noong mga panahon na iyan ay labis akong naguguluhan sa mga nangyayari at hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 04, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tearing at the Seams (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon