“Those who are bound to meet eventually do so”.
Last day ng summer vacation ngayon at nandito ako sa Ayala kasama si ate---mamimili sana kami ng school supplies sa National Bookstore. Sabi kasi nila mura lang dun kaya makakasave ka.
As usual ang dami na namang foreigners. Para naman akong ewan na napapatitig nalang sa mga koreanong nag-uusap sa tabi ko na nakakasabay ko na palang maglakad.
Para kasi silang mga korean actors na napapanood ko lang sa K-drama. Ang tangos ng ilong, singkit ang mata, maputi ang balat at biniyayaan pa ng matangkad na height kaya amaze na amaze ako sa kanila.Nakatingin lang ako sa dalawang koreano hanggang sa mawala na sila sa paningin ko. Dun ko lang napansin na nakahinto na pala ako sa gitna ng mall.
Teka, asan na pala si ate? Di ko pa naman kabisado ang mall nato at wala rin akong selpon para makontak siya.
Nagpapanic na’ko sa gitna habang iniisip kung pa’no makauwi sa bahay ng tiyo namin. Nagtaxi kasi kami papunta dito. Wala naman akong dalang pera kasi si ate ang may dala nun. Otteokaji? Anong gagawin ko?
Naglakad nalang ako na parang walang nangyari kahit na pinagpapawisan na’ko ng malagkit at nanginginig pa ang mga tuhod ko. Ang tanga mo kasi gab!Binabatukan ko ang sarili ko habang palakad-lakad sa first floor ng mall---nagbabakasakaling makita ang ate kong iniwan ako. Waaah di na ata ako makakauwi.
Wag kang umiyak, kasalanan mo’to kung di ka sana naumay sa mga koreanong iyon, edi sana di ka naiwan.Naiiyak na’ko . Tumingin ako sa relos ko’t nalaman ko nalang na alas-syete na pala. May dalawang oras nalang ako upang hanapin si ate.
Sumakay ako ng escalator papuntang second floor nang malibot ko na ang first floor. Kahit CR di ko pinalampas. Inisa-isa ko pa yung mga cubicle.
Palinga-linga ako sa mga tao kaso di ko talaga siya makita! Ang laki pa naman ng mall na’to. Ang lawak pa! Pa’no ko makikita ang isang iyon?
After 1 hour and 45 minutes, mabilis kong nalibot ang kabuuan ng mall. Kaso di parin nahahagip ng mata ko ang aking hinahanap.
Nawawalan na’ko ng pag- asa! Waaah naluluha na’ko kaya tumitingala nalang ako para pigilan ang pagtulo ng aking luha. Para siguro sa mga tao, nagmumukha na’kong weird sa ngayon. Well, I don’t care! Sila kaya ang nasa posisyon ko! Tignan natin kung di sila maihi!
Unti-unti nang nagsara ang mga stores sa mall at 15 minutes nalang at tuluyan na itong magsasara. I look pathetic right now kasi ang laki ko na pero iyakin parin. Mukhang sa labas ako ng mall matutulog ngayon.
Lumabas na’ko ng mall knowing that wala na’kong pag-asang makita si ate. Nagtungo ako sa hintayan ng taxi at dun naupo. Di naman ako sasakay kasi nga wala akong pamasahe. Malalim ang buntong hiningang pinakawalan ko. Lord, tulungan nyo po ako.
Chineck ko ang relos ko. 8:50 na pala. Marami pa namang tao dito sa hintayan ng taxi kaya nasisiguro kong may pag-asa pa’ko kahit papaano.
Ano kaya kung manlimos nalang ako ng pera sa mga tao rito? Kaso di naman ako mukhang manlilimos. Baka paalisin pako ng guard pag nalaman yung ginagawa ko.
Tumunog ang tiyan ko. Hudyat na gutom na ang aking mga alaga. Pagod na’ko sa halos dalawang oras na pag-iikot sa mall at simula nang umalis kami ng bahay ay di pa’ko nakakain ng dinner.
Waaah hinilamos ko nalang ang aking kamay sa’king mukha at parang ewan na di mapalagay sa’king inuupuan na bench. Di na ata ako makakalakad. Nanginginig na kasi ang mga kamay ko at tuhod. Wala na’kong lakas.
YOU ARE READING
UNEXPECTEDLY YOURS
General Fiction" If you're a falling star, I will do everything it takes to catch you." ---Gab " I never thought that fate will bring you back to me. All over again."---Dos