****
Lexine's Point of View
Naglalakad na ako ngayon papasok ng Empire High. Tatlong araw na ang nakalipas ng mangyari iyong ‘date’ kuno namin ni Justine. At malapit na rin ang Interhigh namin kaya busy masyado ang mga athlete ngayon sa kani-kanilang sports. Lalong lalo na ang Basketball Team.
Tatlong araw ang nakalipas at masyado kaming naging close ni Justine hanggang sa umabot ang point na may nambabato na sa akin ng papel, nangbubuhos ng juice nang sinasadya. Pinapatid na ako. In short, binubully na nila ako at alam niyo ba kung sino ang pasimuno? Syempre! Walang iba kundi ang nag-iisang SABINA! WALANGHIYANG YON!
At sa loob ng tatlong araw na iyon ay iniiwasan na ako ni Kristelle. Minsan ko na siyang nakitang kasama si Sabina at yun yung araw na pinatid ako ng isa sa mga alipores ni Sabina. Tuwang-tuwa si Sabina nun samantalang si Kristelle naman ay walang emosyong nakatingin sa akin ng mga panahong iyon. Samantalang kay Vince, hindi siya yung umiiwas sa akin. Ako ang umiiwas sa kanya. Kahit busy sila sa pagpapractice ay naghahanap siya ng oras, kahit konting oras para mag-usap kami. Syempre, awkward para sa akin yung nangyari noong nasa Hospital kami kaya parang hindi ko siya kayang harapin.
"Hey, you, slut!"
Umirap ako ng wala sa oras ng makita si Sabina kasama iyong tatlo niyang alipores. I'm sure sinadya nilang mag abang sa may gate para bullyhin na naman ako.
"Where's your friends?" wika niya habang lumalapit sa akin. Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Lalampasan ko na sana siya ngunit hinawakan niya ang kamay ko.
"Ano ba?!" inis na wika ko tsaka ko at padabog na inalis ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko.
She smirked. "Wow! Ang tapang, ah?" parang amused pa na wika niya. Umirap ako.
"Ano bang kailangan mo, ha?" marahang tanong ko sa kanya kapagkuwan ay lumayo sa kanya ng isang hakbang.
"Gusto kong layuan mo si Justine. Yun lang naman sana ang gusto ko, pero mas lalo mo talagang pinaninindigan na malandi ka." Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Who's malandi? Ako? Malandi?
Pagak akong tumawa. "Wow. Ako? Malandi? Well, sino sa'ting dalawa ang tanga? Ikaw? Kasi iniwan mo siya?" derechong wika ko na nakapagpatulala sa kanya. "Alam mo kasi, nasayo na, iniwan mo pa. Ayan tuloy, natikman mo ang lasa ng karma." nakangising wika ko tsaka siya tinalikuran ngunit mabilis pa sa alas kwatro niyang hinigit ang braso ko at sa oras ng pagharap ko ay bumungad sa akin ng isang sampal. ISANG SAMPAL!
"Huwag mo akong masabihan ng ganyan kasi wala kang alam! Mahal ko siya! Pero kailangan ko siyang iwanan! Wala kang alam! Wala kang alam!"
"Then try to explain to me! Or atleast to him! Kasi kahit sabihin mong kailangan mo siyang iwan, dapat nag-explain ka naman! Kasi kahit masakit sa side mong iwan siya, mas masakit sa side niya kasi, iniwan na nga, hindi pa ipinaliwanag ang dahilan!" malakas na sigaw ko sa kanya ngunit nakatanggap lang ako ng isang malutong na sampal! Damn it!
"Huwag mo akong diktahan sa kung anumang gagawin ko! Wala kang alam! You're just a bitch, slut, whore." aniya.
Nakangisi akong humarap sa kanya. "But you're bitcher, slutter and whorer than me!" balik sigaw ko sa kanya. Nawawala na ang pasensya ko sa babaeng ito. Isama mo na ang mukhang tae niyang mga alipores! Tae!
YOU ARE READING
Perfect Haters (COMPLETED)
Teen Fiction"We both hate each other. We both don't want each other.. and we didn't expect us to love each other. Destiny is really playful."