Chapter 2
Kung tao nga lang naman ang cellphone ni Yanny malamang napaos na ito sa kaka kulingling. Ilang minuto ng may tumatawag pero ayaw niyang sagutin. Parang hindi rin napagod si Chase sa katatawag. Nag baka sakali pang sagutin ni Yanny ang phone. Hindi maintindihan ng dalaga kung ano ba ang pakay ni Chase. Bakit pa ito tumatawag sa kanya. Para namang sawa kung makalingkis ang kasama nitong babae. Ayaw muna niyang pumuntang restaurant. Bahala na si Chase sa maghapon. Sigurado siyang pumasok naman ito at baka nga pupunta na naman uli ang babaeng Anaconda.
"Hello," dinampot na ni Yanny ang kanyang phone upang sagutin ang ang nahuling tumawag.
"Bakit naman pati ako ayaw mo na rin yatang kausap?
Hindi napansin ni Yanny na nakikipag-unahan din pala si Travis sa pagtawag. Wala na siyang choice kundi ang makipag kwentuhan sa binata. Sa panahong ganoon kailangan niya ng kausap.
"I would like to invite you for a dinner date? seryosong yaya sa kanya ng binata.
"Okay dinner only but not a date," natatawang sagot ni Yanny.
Hangga't maari ayaw niyang popormahan siya ni Travis. Kaya kaagad agad niyang binabara ito. Sanay na rin sa kanyang mga banat ang binata. Kahit nagseseryoso pilit niyang ginagawang comedy ang sinasabi ni Travis.
"Hustisya naman para sa akin," bungad ng binata sa kanya.
Naroon sila sa parke na madalas tambayan ni Yanny pagka nagpapalipas ng oras. Malapit ito sa subdivison kung saan sila nakatira. Sa swing madalas ang dalaga pumwesto. Nakangiting dumating si Travis para kuno sa isang dinner date na gusto ng binata. Ngunit dinner lang ito kung ituring ng dalaga.
"Bakit hustisya, dehado ka ba?" natatawang sagot ng dalaga.
"Hindi ko man lang magawang manligaw sa iyo kasi ginagawa mong laging biro ang mga hirit ko," panunumbat nitong sabi.
"Eh di wag ka ng humirit. As simple as that buddy." pairap na sagot ni Yanny
Lalo pang nang inis ang dalaga habang dahan dahan inuugoy ng binata ang swing. Nalulungkot man si Travis sa laging isinasagot sa kanya ng dalaga nagpapasamat pa rin siya. Dahil sa isang banda hindi mailap sa kanya ang dalaga. Yon nga lang hindi siya ang gusto kundi ang chief nitong si Chase.
"Manong dalawang ice cream nga." Bumili ng ice cream sa nagdaang sorbetero si Travis. Ang pinaka nagugustuhan niya sa dalaga ay iyong hindi maarte. Pwedeng alukin kahit sorbetes lang.
"Ilan ba?" tanong sa kanya ng mamang sorbetero.
"Dalawa manong, para malamigan ang isip ng kasama ko baka sakaling mahimasmasan," birong pasaring ng binata kay Yanny.
"Huh! Hindi na ata talaga ako mapagbibigyan man lang." ani nito sa dalaga.
Nagsasalitang kasabay ang malalim na buntong hininga. Nauubusan na siya ng paraan kay Yanny. Pero maling sumuko siya dahil gusto niya talagang maging kabiyak sa puso niya ang puso ng dalaga. Hindi na nga niya mapigil ang sariling hawakan ang kaliwang kamay ni Yanny.
"So, shall we?" nagyayang tanong ni Travis.
Wala sa isip na iabot ng binata ang kanyang kamay kay Yanny. At mabilis namang humawak ang dalaga para siya ay makababa na sa swing. May spark na nararamdaman ang bawat isa. Nais pa sanang higpitan ni Travis ang pagkakahawak pero iniiwasan niyang bawiin ng dalaga ang kanyang kaliwang kamay. Sapat ng nakahawak siya sa kamay ng babaeng mailap pa sa usa.
"Travis, magpalit man lang ako ng suot," maarteng wika ni Yanny.
Hindi siya sanay na magsuot ng maiksing short na gagala pa kung saan. May dress code si Yanny kumporme sa lakad. Kaya mas gusto niyang umuwi muna.
"No, you look so sexy with that small jean short, long straight legged." Halatang isa ito sa mga asset ni Yanny na gusto ni Travis bukod pa sa magandang mukha ng dalaga. Napakasaya sa pakiramdam niya ang nakahawak pa rin siya sa kamay ni Yanny. At hindi mapigil na hagkan pa ito.
"Travis." Nagsasalita habang hinihila ni Yanny ang kanyang kamay. Pakiramdam niya may kakaibang hatid sa puso niya ang isang halik sa kamay na ginawa ng binata. Pagkatapos noon tuluyangg napabitaw na si Travis. Lumakad na si Yanny diretso sa pinto ng kotse ng binata.
"Hindi ako karapat dapat sa pag-ibig mo, Travis," diretsahang sabi ni Yanny. Gusto niyang malinaw sa kaibigan na hanggang doon lang ang kaya niyang ibigay. Aminado siya sa sarili noon na nagkagusto sana siya sa binata. Ngunit noong panahon na yon buntis si Sharmaine ang babaeng ina ni Raizel ang 3 yrs. old boy na anak ni Travis. Mas pinili na ni Yanny noon ang ibaon sa limot ang kanyang nararamdaman. Mabuti na lang at nalagpasan naman niya at naging kaibigan pang matalik. Kung meron sa kanilang dalawa ang hindi nakalimot ay si Travis. Nanatili itong may gusto pa sa kanya at umaasang mapaibig siya.
"Damn it, Yanny," hindi mapigil salitang nasabi ni Travis. Sino ba ang deserving si Chase ba ganun! Don't you see? He doesn't even care your existence.
"I don't care," napaiyak ng sagot ng dalaga.
"But I care for you. Bakit ba hindi mo ba makita. Ano yan, kung saan ka tanga doon ka pa masaya." May pagkabanas na nga sa mga tono ni Travis. Hindi kasi niya maintindihan ang dalaga. Kung nahuhumaling sa lalaking wala naman yatang gusto sa kanya.
Nasa loob na sila ng kotse at bahagyang nasa tonong mataas na ang kanilang pag-uusap. Masyado lang silang palagay ang loob sa isa't isa kaya hindi nagkaka ilangan. Ramdam ni Travis ang mabalewala. Kaya alam niya ang pakiramdam na meron si Yanny na umaasang mahalin din ni Chase.
"I love you so much, Yanny." Kasabay ang hindi nito mapigil na alab ng nararamdaman.
Napatigil ang dalaga sa hindi niya inaasahang pagdampi ng halik ni Travis sa kanyang labi. Hindi rin maintidihan ni Yanny ang sarili. Bakit ba hindi siya nagalit. Napahawak siya sa labi at ninamnamn pa sa huli ang dumamping halik. Si Chase nga lang ba talaga ang gusto niya o may bahagi pa rin si Travis sa kanyang puso.
"Oh sorry, masyado akong nadala." Buong paghingi ni Travis ng paumanhin.
"Please take me home or maglakad na ako pauwi. Don't worry sa dinner magpa deliver na lang ako sa bahay," kalmanteng wika ng dalaga. Solo ng nakatira sa sariling bahay ang dalaga di kalayuan sa bahay nila Rigo at Cleffy na kanynag mga magulang. Dahil napahiya na si Travis sa kanyang ginawang paghalik sa dalaga pumayag na lang siyang ihatid ito.
BINABASA MO ANG
Yanny, I Love You (COMPLETED)
RomanceKung ano man ang kasalanan ng ama ay pagbabayaran ng anak. Napakalapitin ni Rigo noong kanyang kakisigan kung kaya madalas nilang pinag-aawayan noon ni Cleffy na humantong pa sa hiwalayan. Bayad utang nga ba ang isang anak na babae sa mga kalokohan...