"Uy bes! Ikaw ha," bungad ng nag iisa kong bestfriend pagkapasok ko ng classrom namin.
"Oh, anong meron sa akin?" masungit kong tugon. Hindi maganda ang gising ko ngayon."Akala ko ba tamad ka magtype?" may pahampas pang wika niya.
"Ano bang pinagsasasabi mo?" naguguluhang tanong ko.
Ito talagang babaeng to. Minsan hindi maintindihan kung anong tumatakbo sa utak.
"Ay naku bes. Don't me!"
"Don't me rin. Tabi nga. Gagawa pa ako ng assignment e."
Hindi ko na lang siya pinansin. Pumunta na ako sa pwesto ko at nagsimula na akong gumawa ng assignment.
Nagiisip pa lamang ako ng magandang sagot nang may humatak sa notebook ko.
"Psh! Pahumble ka pa bes. Oh ito, ano 'to ha? Explanation please~" wika nito habang itinuturo ang lettering ko sa likod ng notebook.
"Lettering," maikli kong sagot dito.
"Ay kaloka ka bes! Hampas ko kaya sayo 'to," nanggigil nitong wika sa akin at kunwari'y ihahampas ang sa'kin ang notebook ko.
"E ano bang meron diyan? Acronym ko lang naman yan.KJV lang yan oh, it's just my acronym. ACRONYM. Problema mo ba?" naiinis kong tanong dito pagkatapos kinuha sa kamay niya ang notebook ko.
Ilang minuto na lang ay darating na teacher ang namin tapos itong babae naman na ito nanggugulo pa. Gosh! Ayaw kong mazero sa assignment no.
Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko at mukhang hindi pa rin siya tapos manggulo.
"Kailan mo ba balak ipaalam sa kanila na ikaw yung gumagawa ng story sa fb page ng school natin?" mahinahon na nitong pagtatanong. Naramdaman siguro niya na naiinis na ako sa kaniya.
Tumigil muna ako saglit sa pagsusulat at tiningnan siya.
"I told you, hindi ako yun," may diin kong sabi at nagpatuloy na sa pagsusulat.
"Katie Jean Villamarin, kung isa kang kriminal ikaw yung mahirap pasukuin. Maganda naman works mo ah bakit ayaw mo pa magpakilala. Dami na kayang naghihintay sa op reveal mo," wika nito pagkatapos pumunta na sa kaniyang pwesto. Pagkarating doon pinagkrus pa nito ang kaniyang braso at nakangusong tumingin sa akin.
Natawa naman akong kaniyang itsura. Mukhang nagtatampong pato pfft.
Hinayaan ko na lamang siya at umayos na rin ng upo dahil dumating na ang teacher namin.
Lumipas ang ilang oras, sa wakas lunch time na! Dali dali kong nilapitan ang bestfriend ko at kinaladkad ito papuntang cafeteria.
"Aray ko naman bes! Wag mo kong kaladkarin. Kaya kong maglakad ano ba!"
"Bilisan mo kasi!"
"Oo na. Eto na nga binibilisan na," nakasimangot nitong wika.
"Bakit ba nagmamadali ka?" tanong nito sa akin.
"Gutom na ako e," masungit kong sagot.
"Ay patay gutom si author oh,"