"Sa taas tayo pwesto Sis para maganda ang view" sabi sa akin ng kasama kong si Bea habang nasa pila.
Andito kami sa chowking ngayon para maglunch. Kanina pa kasi kami gala ng gala kaya kanina pa ring nagrereklamo ang mga bulate namin sa tiyan.
Kaya papakainin muna namin sila.
"Hintayin na lang kita sa taas. Hanap na ako ng magandang pwesto dun" sabi ko dito.
"Naku Cha. Ayos ayusin mo lang ng pagpili ha"
"Oo na"
Umakyat na ko sa taas at naglibot kung saan may magandang pwesto.
"Ayun!"
May nakita na ko. Sa pinakadulo at tabing bintana. Ang sarap pumwesto dito dahil kita ang landmark na rainbow ng lugar na to. Kita rin ang mga bundok dito. Ang palubog na araw. At ang isa pa, kita rin dito ang Jollibee na malapit lamang dito.
"Nice spot sis. Madali tayong makakapaghunting ng boys sa paligid" wika nito sabay tingin sa paligid.
Yep. Boys is life. HAHA. Madalas kami manghunting ng boys. And then papaibigin namin sila pagkatapos iiwan namin.
Ganyan kami ng kaibigan ko. Simula ng mapaglaruan kami, natuto na rin kaming makipaglaro.
Bakit pa kami magseseryoso kung pareparehas lang naman silang manloloko?
"Tara lamon na tayo" aya nito sa akin.
"Ang sama naman ng term mo!" Pangongontra ko. E kasi naman ang gaganda naming nilalang tapos ganun ang mga salita. Nakakaturn off! Hahaha
Ilang minuto pa ang lumipas ay natapos din kami sa pagkain at chikahan.
"Tapos na tayong kumain pero wala pa rin tayong chickas. Ano ba yan!" Naiinip na wika ni Bea.
"Hintay lang sis. Sabi nga nila 'Love waits' diba. HAHAHA"
"Ay sis. Ano yung love?" Painosenteng tanong nito.
"Awan! Narinig ko lang yun. Nakakain kaya yung love?" painosente ko ring sagot dito.
Ano nga ba ang love? Di kasi ako naniniwala diyan. Kasi kung ang ibig sabihin lang ng Love ay heart break and pain. Mas mabuti ng wag na lang paniwalaan.
"OH MY FUTURE!" bigla kong sigaw.
May nakita kasi ako sa Jollibee ng dalawang gwapong nilalang. Yes naman! May nahanap na rin kami.
"Sis. Tingnan mo yun oh" sabi ko kay Bea sabay turo sa dalawang nakaupo sa may bintana ng Jollibee.
"Gosh sis! Ang gagwapo. Kyaah! Tara na dali. Puntahan natin" naeexcite nitong wika.
Tuluyan na kaming umalis ng chowking at nagtatakbo papuntang Jollibee.
Pagdating namin dito. Dumiretso agad kami sa taas para hanapin yung dalawa.
"Sa akin yung mukhang korean Sis ha" paninigurado ko kay Bea. Baka kasi yun yung puntahan niya e.
"Sayo na. Haha yung may blonde naman na buhok type ko e"
"Buti naman."
Nakalapit na kami sa pwesto nung dalawa kaya naman walang pakundangan umupo kami sa harapan nila.
"On three seconds. You're mine" wika ko. Di uso samin ang pabebe na moves. Yung magha-hi ka muna tapos tatanungin kung may gf na ba.
Wala naman kasi kaming paki kung may gf na ang mga natitipuhan namin. Sabunutan na lang kami ng gf niya. Hahaha.
"On three seconds at kumurap ka. Sa akin ka na" sabi naman ni Bea kay Blonde boy.