Nanatiling nakatitig ang kaniyang matatalim na mata sa lalaking nasa harap niya,kung nakakamatay lang ang tingin malamang kanina pa nakahandusay ang lalaki sa kaniyang harapan.“Sorry po! P-pasensya na po h-hindi na po mauulit”pagmamaka awa ng lalaki na halos lumuhod na para lang mapatawad siya.
Hindi niya pinansin ang pagmamaka awa niya sa halip sinipa niya ito sa kaniyang tyan na siyang dahilan ng pagkakahiga niya sa lupa,napadaing sa sakit ang lalaki habang hawak ang kaniyang tyan na tinamaan.
Ang mga studyante sa kanilang paligid ay parang walang nakikita at naririnig sa kadahilanang ayaw nilang madamay sa gulo.
Siya si Jeon Wonwoo ang anak ng may ari ng Pledis University.