A/N: oopss gulat ka noh??? Happy reading!!! Peace mga readers.)FM'S POV.
"RING!!!" Napabalikwas ako ng marinig ko ang tunog ng alarm.Haysst panaginip lang pala ang lahat. Akala ko naman istroo na. Paasa si Author🤦♀️
So ayun nga Monday na naman makikita ko na naman ang itsura ni Carumba pero goodthing nandoon si betla para kahit papano maenjoy ako sa school. Wala kase akong maasahan jan kay Imma pano ba naman puro naman selpon kung hindi naman matutulog. Ewan ko ba jan. Tsk tsk.
Pero sayang talaga yung panaginip ko ano? Sana magkatotoo. Ms. Author kaming dalawa ni LG ang magkasama habang buhay puh-lease...
A/N: it depends...)
"Bangon na jan at may klase kapa!" rinig kong sigaw ni mama mula sa baba.
"Oo ma!!! Maliligo na po!" sigaw ko pabalik. Oh diba para lang kaming taga bukid. Namiss ko tuloy ang bukid.At yun na nga nagsimula na akong maligo. Kiskis duon, kiskis dito, shampoo doon, shampoo dito. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na din ako at kumain. Pagkatapos nun...pupunta nako sa school yehey!!! Charot.
************* /*andami ha/
"BETLAAA!!!" Gigil kong tawag kay LG. Namiss ko kasi siya. Two days din kaming hindi nagkita ano.
Nagpameywang siya. " Kung makasigaw wagas. Masyado mo ata akong namiss."
Inasiman ko siya ng mukha. " Kapal naman ng mukha mo! Baka ikaw namiss ako."
"hmmp! Pano mo nasabi?" sabi niya sabay nguso. Hangkyut!
"Napanaginipan kasi kita kanina at sabi nila pag may tao daw na bumisita sa panaginip mo ibig sabihin iniisip ka ng tao na yun."
Tumawa siya ng pagak. " Hindi totoo yan. Ikaw ang nakakamiss sakin. Sa sobrang miss mo sakin napanaginipan mo ako ganun yun. "
" Ewan ko sayo. Kapal ng mukha mo. " irap ko sa kanya.
" Ha-ha lika nga dito. Ang pangit mo. " asar niya sabay akbay sakin. Shit bebeh ang bango niya.
" Aba't-. Mas pangit ka! Ulol mo! " Kainis tong bakla na ito ang hilig manukso. Natutukso na telege eke sekenye ehe!
Tumawa lang siya at patuloy parin sa pag-akbay sakin. Putcha idikit mo pa beybeh! Charot.
"Ang baho ng kilikili mo. Ano ba!?" angal ko. Kakagatin ko na talaga toh.
Inalis niya pagkaka-akbay saakin. Buti naman. "Excuse me. Mabango kaya kili-kili ko noh."
Tinaasan ko siya ng kilay. " Huh I'm sure mas mabango parin ang kilikili ni Hethan ano."
Bigla namang nagdilim ang mukha niya nangutnot ang nuo. "Tsk. Yun? Mas mabango pa kili-kili ko kesa sa kaniya. Sakanilang apat ako ang may pinaka mabangong kili-kili!"
" Weh? Para sakin mas mabango parin ang kili-kili ni Hethan." asar ko. Hehe ang kyut niyang magalit.
Mas lalong nagunot ang nuo niya. Uh-oh. " BAKIT NAAMOY MO NA BA ANG KILI-KILI NIYA?! "
Shit lumalim ang boses niya. Boses lalake na." H-hindi pa. "
" Hindi pa pala tapos siguradong-sigurado ka na. " Boses lalake pa din niyang ani. " Tsk. Tsk. Your unbelievable." iling iling niya sbay walk out.
" H-huy! San ka pupunta dadating na si ma'am maya-maya--uy!" tawag ko sakanya ngunit hindi man lang niya ako nilingon at patuloy lang sa paglalakad.
San kaya papunta yun? Joke lang naman eh galit agad. Pero ang gwapo talaga ng boses niya kanina. Kaso lang ginagamit niya yun pag galit siya eh ayaw ko namang makita siya na galit lagi diba? Haystt baklang yun pinapagulo niya mundo ko. Bakit kasi hindi nalang siya maging mundo ko eh. Char!
*******
Axcel's POV
"Fuck! Fuck! What the hell is happening to you Axcel. This is not so you! " bulong ko sa sarili habang naglalalad patungo sa VIP room nila Jarex.
Bwisit na Hethan na yun! Anobang meron sa kili-kili niya at gustong-gusto nung babae na yun? Patutunayan ko na mas mabango ang kili-kili ko kesa sa buhok-bunot na yun. Mas mabango at mas gwapo ako kesa sa saknya---DID. I. JUST. SAID. GWAPO.YUCK! Maganda ako. Maganda! AND WHY THE FUCK I'M COMPARING MYSELF TO HIM!?
"Aish..." Napasabunot ako sa buhok ko.That girl is making me crazy. Kaloka! Ayoko na sa world.
Maybe i should start making distance between that girl. Kahit ako diko na kilala sarili ko dahil sakanya. Shit.
***
"Hey! Problem?" tanong sakin ni Hethan. Leche tong gagong toh. Sa laht ng taong pwede kong makita siya pa talaga? Wow ha.
Nandito na ako ngayon sa VIP room nila Jarex nagmumuni-muni. Iniisip kung dapat na ba akong dumistansiya sa babaeng yun. Naguguluhan na ako diko alam kung ano na nangyayari sakin.
"Huy tinatanpng kita. Bakit ka nakatunganga jan?" tanong niya ulit.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Mas mabango ang kili-kili ko kesa sayo. Ang baho ng kili-kili parang sa Arabo! Putangina ka! Qiqil moko ha! Sa ating lahat ako ang may pinaka may mabangong kili-kili. Tandaan mo yan!"
Kumunot naman ang nuo ni Hethan. "Pinagsasabi mo? Baliw ka na ba? At saka bakit nasali ang kili-kili ko eh tinatanong ko lang naman kung problema ka."
"Basta mas mabango ang kili-kili ko!" sigaw ko.
Napailing nalang siya. "Ewan ko sayo. Jan ka na nga." Pagaksabi niya nun ay umalis na sa harapan ko. Buti naman.
Haysst... I should make a distance between me and that girl.
------
A/N:
Okay guys. Gulat kayo noh??? Well surprise. IT'S A PRANK. marami pa akong plano sa story nato kaya...stay tuned!!! HAPPY READING!!!