KEIRON
~°~
To the World, you are a mother. But to your family, you are the World.
~°~
Dali dali kong ipinasok ang aking mga libro at notebook sa bag sabay ayos ng kwelyo at necktie ko.
" Ma! Asan yung isang pares ng medyas ko! Malelate na ako! " sigaw ko sa kanya galing sa kwarto habang sya ay nasa kusina at nagluluto ng almusal.
" Hanapin mo lang riyan sa kabinet mo! Nandyan ko lang nilagay kagabi!" sigaw nya rin pabalik.
Hinanap ko sa kabinet ko pero hindi ko parin makita. Hinanap ko ulit sa ibang cabinet at halos halungkatin ko na lang lahat pero wala parin akong matagpuan na isang pares ng medyas ko.
" MA! Hindi ko talaga makita!" sigaw ko ulit sa kanya.
Saan nya nilagay ang mga yun?
Narinig ko ang kanyang mga yabag papunta sa kwarto ko at bumukas ang pinto kasabay ng pagpasok nya habang hawak pa ang sandok na ginamit sa pagluto.
" Sabi kong hanapin mo hindi yung guluhin mo yung buong kwarto." wika nya at tumingin sa mga damit na kinalat ko.
" Hindi ko nga mahanap. Asan ba?"
" Naku Keiron, mata ang gamitin huwag yung bunganga. Paano ko na yun mahahanap dahil sa ginawa mo?"
Napanguso ako sa sinabi nya. " Eh di wala akong gagamitin kung hindi yun mahahanap!" reklamo ko sa kanya.
Hindi ako pwedeng magtsinelas dahil strict ang school sa pagsuot ng complete uniform. Hindi ko rin pwede gawing rason na hindi ko mahanap ang isang medyas ko kaya ako nakatsinelas na pumasok sa school.
" Kumain ka na lang muna at ako na maghahanap ng medyas mo."
Iniwan ko na lang si Mama sa kwarto at hinayaan syang maghanap ng medyas ko. Dalawang pares lang kasi ang mayroon ako at nasa labahan na yung isang pares dahil ginamit ko kahapon.
Kaming dalawa lang ni Mama ang magkasama dito sa bahay. I don't have a dad at hindi ko alam kung sino sya dahil walang sinasabi si Mama tungkol sa kanya. Simula noong bata pa ako, nakakalungkot dahil hindi ko man lang sya nakilala pero mas nalulungkot si mama tuwing nagtatanong ako.
Kaya mas pinili ko na lang huwag magtanong ng kahit ano tungkol sa ama ko. At hanggang ngayong high school ay wala akong balita sa kanya. Tinanggap ko na sa sarili kong hindi ko na sya makikilala. Pero hindi parin mawawala ang maliit na 'sana' ay makilala at makita ko sya kahit isang beses lang.
Lumabas si Mama dala ang isang pares ng medyas na hinananap ko.
" Sa susunod mata ang gamitin mo dahil kukurutin na talaga kita kapag hindi mo pa ulit makita ang mga gamit mo. Paano na lang kung wala ako, sinong maghahanap ng mga nawawala mong gamit?"
" Ma naman!"
Ayan na naman sya. Palagi na lang sinusumbat sakin yung bagay na ayoko sa lahat. Ayokong pag usapan ang tungkol sa mga ganyang bagay pero ang mga nanay talaga mahilig sila magsalita ng mga ganyan.
Alam kong matagal pa kukunin ni Lord si Mama dahil malakas pa sya at 37 palang ang kanyang edad. Minsan tinatanong ko pa sya kung balak nyang mag asawa ulit pero palagi nyang sinasabi. " Hindi na kailangan, masakit ka na nga sa ulo dadagdagan ko pa."
Alam kong nagbibiro sya nang sinabi nya yun kaya sinakyan ko rin ng biro.
" Eh di lalayas na lang ako Ma, para wala na kayong sakit sa ulo." sabi ko sa kanya kaya binigyan nya ako ng isang malakas na batok.