Ito na muna sa ngayon.
Wag niyo po ako madaliin hehe tatapusin ko pa kasi ang series 3.
salamat sa makakaintindi
______"HOY GABRIELLE anong nangyayari sayo bakit parang gulat na gulat ka? tsaka bakit namumula yang pisngi mo?" nabaling ang tingin ko sa dalawang bruhilda na titig na titig sakin. Sa sobrang madali kong makaiwas sa kahihiyang ginawa ko halos pangapusan ako ng hininga ng makapasok ako sa cafe. Sakto naman na nasa isang table ang dalawa kong kaibigan na tiyak ako ang hinihintay.
Hindi ko lubos maisip na sa sobrang kahumalingan sa hudas na yon ang layo na naabot ng imahinasyon ko. Na pati katawan niya pinagnanasaan ko. grabe nakakahiya talaga ang ginawa mo Gabby.
"Ah..e ahm wa.la naman,mainit kasi sa labas."nautal pa ako. Alam kasi ng dalawang ito pag nagkakaganito na ako hindi sila titigil hanggat di malaman ang totoo.
"Wala? eh bakit namumula ka at nauutal? Naku Gabrielle ha may tinatago kana saamin?" si Kristelle na pinandilatan pa ko. Napaiwas ako ng tingin sa dalawa dahil sa klase ng titig ng mga ito.
"Mainit nga sa labas kaya ako nagmadaling pumasok dito." palusot ko,bago sumipsip sa frappe na nasa harapan ko.
"Weee maniwala kami sayo cake,yang pamumula mo at pagkautal hindi yan dahil sa mainit sa labas."si Beatrice na naman. Hindi na lang ako kumibo inubos ko na lang ang iniinom ko.
Marami akong dapat gawin hindi ko pa nga natatapos ang kaso na pinahawak sakin ni general. Ilang araw na rin ang nakalipas ng maumpisahan ko ang kaso ng mag asawang Francisco. Nasa bago na kong pag iimbestiga ang mga Bautista,ang masugid na kalaban ng mga Francisco. Sa laki ng kompanya ng mga ito ni isa sa mga anak walang sumunod sa yapak nila. Nananatili pa rin hawak ni General Francisco ang kompanya nila.
"Ewan ko sa inyo,bahala kayo kong ayaw niyo maniwala." kunwari naiinis na ako sa mapang asar na ngiti nila.
"Okay! basta kong gusto mo ng sabihin nandito lang kami." pang aasar pa nila inikutan ko din sila ng mata kaya sabay nagtawanan ang mga ito.
"Ikaw gusto mo rin bang eShare sa amin ang tungkol sa inyo ni Mr. Torres hmmm?" naibuga ni Kristelle ang nainom na frappe dahil sa gulat. Akala siguro ng isang to hindi ko malalaman ang tungkol sa kanila ng boss kuno niya. Namula ang buong mukha niya at napatingin sakin na nanlilisik ang mata. Tumingin ako kay Bea na mukhang hindi tin nito alam ang tungkol sa binata.
"Anong kay Mr. Torres yong boss mo cake?" wala nga itong kaalam alam ang isang to. Pano lageng nakababad sa laptop at kausap lage ang hindi pa naming nakikilalang boylet nito.
"W-wala naman..ano bang pinagsasabi mo diyan." anito. Uminom ulit ito at umiwas ng tingin kung kanina ako inaasar niya ngayon siya naman. "Boss ko yon kaya ano naman ang aaminin ko." pagtanggi ulit nito.
Si Beatrice naguguluhan ata sa pinagsasabi namin,wala talaga kaalam alam. Dati lage itong updated sa admirer ni Kristelle pero ngayon hindi na,dahil may pinagbibisihan na ito.
"May hindi ba ako nalalaman sa inyo? ahm kaibigan pa rin ba ako ninyo? pero bakit parang naglilihim na kayo sakin,bakit wala akong alam!" ayan na naman siya best actress ito,nakahawak pa ito sa dibdib na kunwari nasasaktan. "Bakit kayong dalawa lang,hindi na ba ako belong sa inyo." palipat lipat ang tingin nito sa aming dalawa ni Kristelle. Ito ang gusto namin sa babaeng ito dahil pang Famas ang dmacting nito. Nabaling ang tingin ko kay Kristelle na nakatingin din pala kay Bea.
"Hoy loka! sabi ko sayo pag nasa harap ka namin huwag mo masyadong galingan ang pag acting mo wala ka sa big screen." tapik ko sa kanya. Muntikan na kasing tumulo ang luha nito.
BINABASA MO ANG
HOTMEN SERIES:4 CHIEF OF POLICE (COMPLETED)
RomanceMatured scenes..for adult only.. JUSTINE FRANCISCO A CHIEF OF POLICE WHAT HE WANT'S HE GET. MAKUKUHA NIYA KAYA ANG GUSTO kong isang kadugo niya ang kakompetensya? This story of Justine ay gawa lamang ng lumalakbay kong isipan.Wag seryosohin dahil h...