Wakas

251K 8.6K 5.7K
                                        

Here we go again. This is the last part of this book, Heart of Darkness. I hope you enjoyed reading these stories as much as I enjoyed writing them. I hope you loved War's coldness and Win's darkness.

I am hoping that through this story, you can finally find forgiveness, love. And in the darkness, may you find the light.

xxx

Wakas

The Heart's Light

"MALULUSAW na 'yan kakatitig mo." My forehead creased at my brother's comments. Iritado ko siyang nilingon, tumataas ang kilay.

"What?" I asked.

He chuckled, raising the glass to his lips.

"Sabi ko, matutunaw na 'yong babae kakatitig mo."

"Who? Wala akong tinititigan," I denied, raising my glass to take a sip.

"Sus!" He laughed, binangga niya pa ang balikat ko kaya sumimangot ako.

"Wala nga!" I exclaimed.

"E, bakit ka defensive?"

"Am I?" I asked, annoyed. "I just don't want you teasing me around girls. They're annoying."

"Oh?" Humagalpak siya ng tawa at nagtawag ng kakampi. "Hoy, Lucian, h'wag ko raw siyang asarin sa babae, bakla ata 'tong kapatid ko!"

"Tang ina mo." Sinipa ko ang paa niya at nagsitawanan ang mga may saltik kong pinsan.

Napatingin ako sa nakangising si Vioxx. Bigla niyang itinaas ang kamay niya.

"Alcantara number two, hindi tayo talo!" asar pa ng tarantado.

Kumuha ako ng mani at tinapon sa mukha niya. Humagalpak siya ng tawa at hinila pa si Wave para makisama doon kay Kuya at Lucian na may sayad.

Naisip ko, matagal na, na baka kulang ang mga 'to sa buwan.

"Sino bang bet mo, Warrion? Gwapo?" Asar pa ng peste kong kapatid kaya ipinakita ko ang gitnang daliri. Mas nagtawanan sila.

Muli akong sumulyap sa kabilang table.

The beautiful woman caught my attention ever since last week. She seems familiar to me, 'di ko lang matandaan saan ko siya nakita. I'm not really into parties so I probably saw her before and couldn't remember. Nalaman ko rin ang pattern ng pagpunta nila rito noong isang linggo pa kaya nandito ako ngayon.

No, no way, Alcantara. You wanted to go here to get drunk. That's it.

Umiling ako, sumimsim sa alak at sumulyap sa babae. I froze when she suddenly shifted her gaze. Our eyes met.

Her doe-like black eyes shone with the colorful disco lights above, the wild song playing on the stereo suddenly faded when our eyes met.

Ibinaba ko ang baso ko. I slowly licked my lip and stared at her. She didn't seem to be bothered. Sa halip ay sumimsim lang sa baso at nakipagtitigan!

Fuck. That's hot.

"Ang lupit ni ganda, a? Nakikipagtitigan sa 'yo. Kung ako 'yan baka nangingisay na ako," bulong ng lintek kong kapatid kaya na-distract ako.

Muli akong napaharap sa babae at nakitang may iba na siyang kausap kaya mas sumimangot ako at masamang tinignan si Kuya.

"Fuck you," I gritted my teeth and smacked his nape.

Napamura siya at binatukan din ako.

"Inaano kita?" He hissed.

"Hindi na tuloy nakatingin!" I hissed at ang kaninang iritadong kapatid ko ay lumaki ang ngisi at naki-chismis sa mga pinsan ko.

Heart of Darkness (To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon