Chapter 2: The Academy

8K 282 17
                                    

Chapter 2: The Academy

***

"From now on your name will be Jane Zuki," sabi niya habang tumitingin sa mga libro sa office ng bahay niya.

"Bakit kailangan bagohin ang pangalan ko?" tanong ko sa kanya.

Nakaupo ako ngayon sa mahabang sofa niya. Isang linggo na akong nakatira sa bahay niya. Wala naman akong kakaibang nararamdaman sa kanya. Pinabasa niya lang ako ng mga libro na makakatulong sa kin sa pag-aaral sa academy.

"For future purposes. Saka hindi naman nalalayo ang pangalan mo ngayon sa tunay na pangalan mo. Isipin mo na lang na nickname mo ang Jane Zuki," sagot niya.

Tumango na lang ako at nagpatuloy sa pagbabasa ng libro.

"Bukas ka na magsisimulang mag-aral sa academy. Inasikaso ko na lahat kaya wala ka nang proproblemahin. Kapag may nagtanong sayo kung ano kita, sabihin mong pamangkin kita."

Tumango ulit ako. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan kong pumasok sa paaralan na yun. Kung gusto niya akong tulungang lumakas, 'diba dapat pinapagsanay niya na lang ako. Isa pang pinagtataka ko ay kung bakit interesado siya sa kapangyarihan ko at kung bakit niya ako tinutulungan. Gusto ko tong itanong sa kanya pero pakiramdam ko hindi pa ito ang oras para don. Sa ngayon ang priority ko ay ang lumakas at mabuhay para kay Yuki. Hindi pwedeng mabalewala ang sakripisyo niya.

"By the way.." tumingin ako kay prof. Hera nang magsalita siya.

"Mula bukas sa dorm ka na ng academy titira. Nakahanda na ang mga gamit mo. Nandon narin ang unipormeng susuutin mo bukas. Huwag ka na ring mag-alala sa allowance mo. Ako ang bahala don. At kung may tanong ka, huwag kang mahiyang magtanong sakin."

"Okay," sagot ko.

Kinabukasan, sinamahan ako ni prof. Hera sa academy. Unang pinuntahan namin ang magiging dorm ko. Napunta ako sa  may dalawang double deck na kwarto. Walang tao sa loob ng kwarto dahil may klase siguro siya ayon kay prof. Hera. May gamit isang double deck. Sa itaas at ibaba. Kaya sa bakanteng double deck na lang ako. Walang gamit sa ibaba at itaas nito. Tatlo siguro kami sa kwartong ito. Nilagay ko ang mga gamit ko sa ibaba ng deck. Binigyan din ako ng susi ni prof. Hera bago kami umalis at pumunta sa magiging klase ko ngayong umaga.

Habang naglalakad, pansin ko ang mga estudyanteng tumitingin sakin. Nagtataka siguro sila sa akin at kung bakit kasama ko si prof. Hera. Inayos ko ang suot kong uniporme. Kulay puti ang pang-itaas nito na pinares sa itim na necktie at mahaba ang manggas kaya tinupi ko ito hanggang siko. Kulay itim rin ang palda ko na hindi lumalampas sa tuhod at naka-black shoes din ako na pinaresan ng puting medyas na hanggang tuhod.

"Nandito na tayo sa magiging classroom mo," biglang sabi ni prof. Hera.

Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako. Humarap siya sakin at saka ngumiti.

"Are you ready?" tanong niya.

"Oh." tumango ako sa kanya.

"Endure it and keep in your mind that you need to be strong."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Let's go," aniya at naunang pumasok sa room kaya wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya.

Pagkapasok ko pa lang sa room dinig ko na ang bulungan ng mga estudyante. Ang iba hindi malinaw sa pandinig ko pero ang karamihan malinaw pa suot kong sapatos sa sobrang linaw na parang sinasadya nilang ipadinig sa akin.

"Who the hell is she?"

"What the fuck is she doing here?"

"The heck. Huwag mong sabihing magiging kaklase natin siya."

CLARINES ACADEMY: The Battle of PowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon