Chapter 3: Strong Presence

3 0 0
                                    

Nagising si Veronica nang marinig na nagsisigaw si Richie. Dali dali siyang bumaba at naabutan niya ito sa kusina nakayuko sa may mesa at humahagulhol. Nilapitan niya ito at ginising. 

"Anong nangyari sa'yo?" tanong nito 

"Kanina nasa kwarto ako ni" Sagot ni Richie bago siya napatingin sa isang baso ng tubig na nasa mesa. Tumayo siya at nagtungo sa kwarto ni Princess. Naabutan niyang natutulog ito habang yakap yakap ang manika. Lumapit sa kanya si Veronica at humawak sa kanyang balikat. 

"Ano bang napanaginipan mo?" Tanong ni Veronica 

"Hindi ko na maalala" sagot ni Richie 

"Halika na. matulog nalang tayo ulit" Pag-aaya ni Veronica. 

________________________________________________________________________________

Kinabukasan, 

Tulad ng dati ay naghanda ulit si Richie upang pumasok sa opisina. Saktong paglabas niya ng kanilang bahay ay biglang bumagsak ang isang patay na kalapati sa hood ng kanyang kotse. Kapansin pansin ang tatlong mahahaba at malalalim na sugat sa katawan ng kalapati. Pinulot ito ni Richie gamit ang kanyang hintuturo at hinlalaki sabay tinapon sa may basurahan. Tapos noon ay umalis na siya. Habang nagmamaneho ay tumitingin tingin siya sa side mirror niya at naoansin niya na tila may isang batang babae ang nakatayo sa tapat ng kanilang bahay at sinusundan siya nito ng tingin. Hindi niya ito pinansin at maya maya ay nawala na rin ito. Nagpatuloy na lamang siya sa pagmamaneho. 

Sa bahay naman ng pamilya ay naglalaro sa may bakuran si Princess samantalang naglilinis si Veronica. Habang naglilinis ay napansin niyang tila may maliliit na bakas ng paa sa sahig. Sinundan niya ang mga bakas hanggang sa makarating siya sa kwarto ni Princess. Natigil ang mga bakas sa tapat mismo ng pintuan nito. Maya maya ay nakarinig si Veronica ng tatlong katok mula sa loob ng kwarto. Binuksan niya ang pinto at tumambad sa kanya ang manika. Binuhat niya ito at mula sa likurang bahagi ng damit nito ay nahulog ang isang piraso ng papel na may nakasulat na "Gusto mo bang maglaro". Ang nakasulat na iyon kulay pula at tila madiin ang kamay ng nagsulat.  Ibinaba niya sa kama ang manika at inipit niya dito ang piraso ng papel. Tinawagan niya ang kanyang asawa sa telepono upang sabihin ang kanyang mga nakita. Nagring ng tatlong segundo ang cellphone niya at maya maya ay sumagot na rin si Richie. 

"Hello" Bungad niya 

"Oh. Loves Ba't napatawag ka?" Tanong ni Richie 

"May nangyayaring kung anong wirdo ngayon dito sa bahay."-Sagot niya 

"Anong wirdo? Tulad ng?" Tanong ni Richie 

"Ewan ko pero parang may iba kaming kasama dito. May nakita akong mga bakas ng paa tsaka ngayon ngayon lang nakakita ako ng piraso ng papel na may nakasulat na gusto ko daw ba maglaro. Imposible namang gawin ni Princess yun kasi di naman siya marunong magsulat." Paliwanag ni Veronica 

Nagpakawala ng malallim na hinga si Richie 

"Napapansin ko rin na parang may mga wirdo ngang nangyayari sa bahay kahit sa opisina ko may nangyayari din. Hindi ko alam pero parang simula nung... Sabi ni Richie bago siya biglang matahimik nang ilang segundo 

"Richie? Anong nangyari?" Tanong ni Veronica 

"Mukhang may ideya na ako kung bakit may nangyayaring mga gantong kababalaghan sa atin" Sagot ni Richie. 

________________________________________________________________________________

Matapos ang pag-uusap ng mag-asawa ay nagtungo si proncess sa kanyang kwarto upang kunin ang kanyang manika. Nakita niya ito na nakahiga sa kama niya. Dinampot niya ito at dinala sa kanilang bakuran upang laruin. Habang naglalaro siya ay nakasilip naman sa kanya ang kanyang ina. habang pinagmamasdan ni Veronica ang anak ay tila nakaramdam ito ng malamig na hangin na humaplos sa kanyang likuran. Napapansin rin niya na tila kusang gumagalaw ang iilang parte ng manika gaya ng mga mata at ang ulo nito. Mga ilang minuto ang lumipas at nakaramdam ng pagkauhaw si Princess kaya dali dali itong nagtungo sa kanilang kusina upang uminom ng tubig. 

"Magdahan dahan ka anak." Bilin ni Veronica sa anak. Hindi umimik si proncess at diretso lang ito sa pagtakbo. 

Muling ibinaling ni Veronica ang tingin sa kanilang bakuran. Andun pa rin ang manika na ngayon unti unti nang binabalot ng kababalaghan. Habang pinagmamasdan ito ni Veronica ay tila may hindi maipaliwanag na kaba siyang nararamdaman. Maya maya ay napansin niyang dahan dahang umiikot ang ulo nito patungo sa direksyon kung saan siya kasulukuyang nakatayo. Maya maya ay bumalik na si Princess sa bakuran at nagpatuloy na sa paglalaro. Nagtungo naman si Veronica sa kusina ngunit bago ito umalis ay sumulyap ulit siya sa bakuran at nakita niya ang manika na nakatingin sa kanya habang yakap yakap ito ni Princess.  

Tapos noon ay nagtungo siya sa kusina upang magluto. Pagpasok niya doon ay may napansiin siyang piraso ng papel sa sahig. Pinulot njiya ito at nakita niya ang isang simbulo na may mata na may pahalang na arrow na tumatagos dito.Binitawan niya agad ang papel at biglang nagpatay sindi ang mga ilaw. Tumingin siya sa paligid at nakaguhit na ang simbulo sa mga dingding. Natulala siya at tila hindi na niya maigalaw ang kanyang katawan. Maya maya ay narinig niyang tumili si Princess dahilan upang mahimasmasan siya. Dali dali siyang pumunta ng bakuran at naabutan niya si Princess na nanginginig sa takot habang nakatingin sa kanyang manika na ngayon ay nakalutang sa ere. 

________________________________________________________________________________

Sa gitna ng trabaho ay nakatanggap ng tawag si Richie mula sa kanyang asawa. Sinabi ni Veronica ang mga nangyari sa kanilang bahay kaya't dali dali itong umuwi. Pagdating niya sa kanilang bahay ay naabutan niya ang kanilang mga gamit na nagkalat sa buong paligid. May mga marka din ng kalmot sa kanilang ding ding at ang simbulo ng mata na may pahalang na arrow na tumatagos dito. Patay sindi din ang mga ilaw. Nilibot niya ang bahay upang hanapin ang mag-ina. Sa isang kwarto sa may ikalawang palapag ay nakita niya ang manika sa harap ng pinto nito. Pumunta siya rito,pinulot ang manika at inihagis sa kung saan. Pumasok siya sa kwarto at naabutan niya ang kanyanng mag-ina, magkayakap at parehong nanginginig. 

Tapos ng insidente ay itinapon ni Richie ang manika sa basurahan. Saktong nung pagkakataon naman na iyon ay dumating na ang truck ng basura at tuluyan nang nawala sa kanilang mga landas ang manika

Wakas, O Wakas na nga ba? 

________________________________________________________________________________

Paglipas ng limang  araw

Philippine Paranormal Institution Main Office-Pasay City 

Nagpupulong ang ilan sa  mga paranormal investigators tungkol sa misteryosong sunog na nangyari  sa  Quezon City ilang araw na ang nakakalipas. 

"Wala ba kayong napapansin tungkol sa sunog sa Q.C noong isang linggo?"Tanong ni Angelo Capez leader ng Novaliches Chapter ng Institution 

"Napansin ko na tila masyadong misteryoso ang insidenteng yun kaso di naman tayo pwedeng makielam dun kasi wala tayong authority para magsagawa ng imbestigasyon in our own behalf" Pahayag ni Mark Sinag leader ng Manila Chapter at ang legal adviser ng  Institution at 

"Pero sa tingin niyo may kinalaman kaya ang mga demonic entities sa insidenteng yun? Posible kasing may nagsasagawa ng ritwal noong mga oras na yun at nakatawag ng maling demonyo kaya nagkasunog sa lugar" Suhestyon ni Alejandro De Jesus 

Sandaling nahinto ang pagpupulong dahil dumating  ang mag-asawang sina Lucas at Kailee Gozon ang nagtatag ng institution. 

"Team mukhang may problema tayo" sabi ni Lucas sabay pakita ng piraso ng papel na may simubulo ng mata na may pahalang na arrow na nakaguhit gamit ang dugo.   







Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 25, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SheilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon