Chapter 13

2.8K 73 6
                                    

Mabilis na lumipas ang araw. Isang buwan na simula ng araw na pumayag si Alliyah sa set up na gusto ni Philip. 

Naging maganda naman ang takbo ng relasyon nila. Sa pad na siya ni Philip tumira. Oh well, wala namang nakakaalam na dito na siya tumira kahit sino. 

Umuuwi siya paminsan minsan sa bahay niya at naglilinis. 

Wala siyang pasok ngayon sa opisina. Si Philip ay maagang umalis dahil may aasikasuhin daw sa opisina.

Naglilinis siya ng makarinig siya ng katok. Napakunot naman ang noo niya. Sino naman kaya ang kakatok? May bisita kaya si Philip sa araw na ito?

Nagkibit balikat nalang siya at tinungo ang pinto. Napakunot ang noo niya sa nabuksang tao sa labas ng pinto. Isang Babae ng nakasuot ng dark sunglasses. 

"Anong kailangan mo?" Tanong niya rito.

Tinanggal ng babae ang suot nitong salamin. Nanlalaki ang mga matang tiningnan niya ang mukha nito. Sinuyod siya ng tingin nito mula ulo hanggang paa at humalukipkip. 

"Totoo pala ang balita," may galit sa mga mata nitong tingnan siya. "Na may ibinabahay ang asawa ko dito sa pad niya," marahan itong napailing. "Pang ilan ka na sa mga ibinahay niya rito at ginawang parausan ay hindi ko na mabilang." at humakbang ito papasok. 

"Poor girl. Ngayon at dumating na ako ay umalis kana!" Sigaw nito sa kanya at nameywang. 

"Wala kang karapatan na paalisin ako rito," mariin niyang sagot.

"Wala?" Nakataas ang kilay nitong sagot. "I am his wife ang you are only his toy! Kaya umalis kana!" Nanginginig na sabi nito sa galit.

"I am not his toy. I am his lover," nakataas noong sagot nito sa kanya. "And you know what? He is a great lover" at ngumiti siya ng matamis. Hindi siya magpapatalo sa babaeng ito kahit ito pa ang legal na asawa ni Philip. Wala siyang pakialam.

"You.." At dinuro siya nito.

"What?" Mabilis itong naglakad sa kanya at nagulat siya ng dumapo nalang bigla ang kamay nito sa pisngi niya. Napangiwi siya sa sakit. Maybe she deserve more than that.

"Umalis kana ritong kabit ka!" Nanginginig nitong sigaw sa galit.

"Umalis kana! Bago ko ipatawag ang mga guard!"

Tumingin ako ng diretso sa mga mata niya. "Hindi na kailangan dahil aalis na talaga ako,"

"Dapat lang! At wag na wag ka ng babalik dito! Dahil isa kang kabit! Kahit kailan hinding hindi ako ipagpapalit ng asawa ko sayo!"

Napataas ang kilay ko. "Ows talaga? Kung talagang mahal ka ng asawa mo hinding hindi siya maghahanap ng isang katulad ko and maybe you cannot satisfy him the way I did." and I smirk.

Nakita ko kung paano nagbago ang ekspresyon niya. Walang karapatang apakan ng babaeng ito ang pagkatao ko kahit pa kabit nga lang talaga ako.

Akma na akong tatalikod ng hablutin niya ang buhok ko at sinabunutan ako. 

Napangiwi ako sakit. Pilit kong inaabot ang buhok niya pero nahirapan ako dahil nasa likuran ko siya.

Hinila niya ako at napasigaw ako sa sakit.

"Ano ba!"

"Matapang kang kabit ka!" 

"Ano ba-"

Napalingon kami pareho sa pintuan ng mula room ay lumitaw si Philip.

"Alliyah!" At tumakbo siya patungo saakin. At pilit na tinanggal ang pagkakasabunot ng asawa nito sa buhok ko.

"Ano ba!" Sigaw nito kay Philip.

"Bitawan mo siya Bridgette!"

Binitawan nga siya ng babae pero itinulak siya nito. Mabuti na lang at sa dibdib siya ni Philip naisubsob.

"Okay kalang?" Nag aalalang tanong ni Philio sa kanya.

Tango lang ang naisagot niya.

Inilagay siya ni Philip sa likuran nito.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo Philip? I am your wife! Tapos may babae kang ibinabahay rito? No wonder kaya ayaw mo kaming bumisita dito ng anak mo at kaya ni hindi mo manlang kami magawang kamustahing mag ina!" Sigaw nito.

Si Philip ay tahimik lang na nakikinig. Walang salitang lumabas sa kanyang bibig.

"Alliyah..." narinig pa niyang tinawag siya ni Philip.

Agad na lumabas si Alliyah sa pad at umalis. Nagtungo siya sa bahay niya. Hindi niua inaasahan na ganito ang kahahantungan ng buhay niya. Ngayon umuwi siyang sugatan ang puso. 

Dahil bumalik na ang asawa ni Philip at kinukuha na pabalik kung ano ang sakanya.

Mahal na niya si Philip pero hindi naman siya masamang babae na maaatim na sumira sa isang pamilya lalo pa at may anak sila.

Napahagulgol siya. Hindi niya inaasahang sa ganito magtatapos ang lahat. Hindi niya inaasahang masasaktan siya ng ganito.

Sana hindi nalang siya pumayag sa ganitong set up. Sana hindi nalang sila nagkaroon ng ugnayan. Sana.

Iyak pa rin siya ng iyak. Halos ayaw tumigil ng luha niya sa pagpatak. Ring ng ring ang telepono niya pero wala siyang balak na sagutin iyon.

Maghapon siyang nakahiga at umiiyak lang. Ni hindi niya magawang magutom dahil sa kirot na nararamdaman niya.

Loving Her Husband_ R-18 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon