Excerpt

2.6K 57 11
                                    


"PERFECT," sabi ni Marcus matapos tikman ang kapeng ginawa para sa kanya ni Allie. Nginitian niya ang asawa. "Thank you. Pero sabi ko naman sa iyo, hindi mo naman kailangang gawin iyan. May kawaksi na gagawa. Meron din namang coffee machine na sakto na rin ang timpla ng kape."

"Marc, my love, asawa mo ako. Tungkulin kong pagsilbihan ka."

Muntik na siyang masamid. Hindi na bagong linya iyon sa kanya. Pero hindi niya maiwang ma-amuse na naririnig iyon kay Allie. For a millennial wife like her, akalain mo iyon? Napailing siya at agad niyang isinantabi ang pagkaaliw at itinuon ang atensyon sa pagkain. Mahirap na, baka tubuan siya ng konsensya.

"Hindi ko alam kung ano ang isusuot mo. Naglabas ako ng dalawang set. Kung wala kang magugustuhan doon, just tell me para maihanda ko," sabi nito sa kanya maya-maya.

"Allie, nasabi ko na ito dati at alam kong paulit-ulit na lang tayo. Pero sasabihin ko pa rin. You don't have to do that. Kaya ko namang gawin ang mga iyan sa sarili ko. Sanay akong inaasikaso ang sarili ko. Bata pa lang ako ay independent na ako." Nginitian niya ito nang ubod-tamis. "Don't get me wrong, okay? We are both busy. I won't mind doing the things I usually do even before. I'll take a shower. Whatever you prepared, isusuot ko. I appreciate your effort, wifey." Mas nilambingan niya ang term of endearment niya ditto dahil kitang-kita niyang nasaktan niya ito sa salita niya. "Excuse me."

Bahagya siyang napangiti nang makita ang damit na inihanda ng asawa. Kahit alin naman doon ay puwede niyang isuot. He brushed his teeth quickly. At saka tumapat na sa shower.

Mabulang-mabula sa sabon ang katawan niya nang maramdaman niyang bumukas ang glass partition. Matamis ang ngiting ibinati sa kanya ni Allie nang malingunan ito. At habang naglalakad ito papalapit sa kanya ay hinuhubad na rin nito ang sariling suot.

Tinawid nito ng hakbang ang distansya sa pagitan nila.

"Baka madulas ka," paalala niya dito. On instinct, kinuha niya ang telephone shower at tinapatan ng tubig ang dadaanan nito.

Allie smiled widely with approval. "See! Alam ko namang hindi mo hahayaang mangyari iyon sa akin." Iniabot nito ang kamay sa kanya.

Halos magkayakap silang tumapat sa shower. Sadyang idinaiti nito sa dibdib niya ang malusog na umbok ng dibdib nito. Her nipples were instantly hard. Hindi niya alam kung dahil sa lamig ng tubig o dahil sa init ng pagnanasa na kagaya ng nababasa niya sa mga mata nito. She adjusted the water temperature. Alam niyang maya-maya lang ay giginawin din si Allie kung hindi niya titimplahin iyon.

"You always prefer cold shower," pakli ni Allie.

"Alam mo na, pampabuhay ng dugo sa umaga."

"Mabubuhay din ang dugo mo sa gagawin ko sa iyo," may pang-aakit na sabi nito.

He made a low laugh.

Allie was such a young, hot and passionate wife. Hindi na niya kailangan iungot pa ang pangangailangan niyang pisikal dito. Madalas kaysa sa hindi, si Allie pa ang nag-i-initiate ng ganitong akto nila. Mas mainit pa nga yata ang dugo nito sa kanya. Parang hindi sapat ang dalawang beses na pagsasanib ng katawan nila ng nagdaang gabi at ngayon ay uulit na naman sila.

Napalunok siya, ramdam niya ang mabilis na pagkabuhay ng pagnanasa sa buong katawan niya. Init na init siya sa kabila ng kanina lang ay malamig na tubig na bumubuhos sa katawan niya.

Tinulungan siya nitong magbanlaw. Allie handed the shower cord and rinsed him fully. Nang dumakot sa puwitan niya ang kamay nito at bahagyang pumisil doon, pumihit siya paharap ditto at kinuha sa kamay nito ang shower. Ibinalik niya iyon sa puwesto at saka hinigit ang asawa.

Passion OverloadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon