Chapter 32: Holding back

7.6K 336 66
                                    

Diana's POV

"Kailan daw po ang operasyon?" Tanong ko kay mama, kasalukuyang pinupunasan nito ang mga paa ni papa.

Wala parin syang malay.. sabi ng doktor temporary comatose daw ito. Magigising din daw sya after a week or so.

"Agad o-operahan ang papa mo, pagkagising nya. Mabuti nalang at nakahanap ka ng pera, Dee. May maidadagdag tayo sa perang naipon ko." Pinilit ni mama ang ngumiti, pero makikita mo sa pagod nitong mga mata; that she's been crying, "Nakuha mo ba talaga yun sa fast food? Ang laki naman ng sweldo anak?" Halatang hindi naniniwala sa dahilan ko si mama, hindi na sya bata; na madaling utuin.

Mas mabuti pang aminin ko nalang ang totoo. Ayoko ng may tinatago sakanya, "Sorry, ma.. nagsinungaling po ako sainyo, hindi po talaga sa fast food galing yan.."

Napatingin saakin si Danny, nakaupo kasi sya sa tabi ko at nakikinig saamin, "Ano ate?! Kung ganon, saan mo galing yung pera??" Nagtataka nitong tanong.

Si mama hindi muna nagsalita, hinihintay ang paliwanag ko.

"May nag-offer saaking mag-model sa isang carshow." Mahina kong sabi; natatakot sa magiging reaksyon nila.

Napahinto si mama sa ginagawa nya at tumingin saakin. Si Danny naman lumaki ang mga mata.

"Bakit mo yun ginawa, Dee? Mabuti at walang masamang nangyari sayo. Hindi natin alam.. baka sindikato na pala yun." Kalmado lang si mama magsalita pero sobra syang nag-aalala.

At halatang hindi nya nagustuhan ang ginawa ko.

"Oo nga, ate! Bakit mo yun ginawa?? Hindi mo ba nababalitaan yung mga ganyang modus??" Hindi rin magkamayaw si Danny.

"Hindi naman sila sindikato, Dan. Kakilala sya nung.. nung kaklase ko. Nag-aaral din sya sa school namin, actually anak sya ng isa sa mga doctor dito sa ospital." Depensa ko.

Isang blessing talaga ang pagtulong ni Buck saakin.

"Dee.. alam kong ginawa mo iyon para sa papa mo, pero sa susunod huwag mo namang isugal ang buhay mo. Alam kong hindi magugustuhan ng papa mo kung may mapahamak sainyo ni Dan." Sermon ni mama.

"Naiintindihan ko po mama. Kaya po humihingi po ako ng tawad sainyo.."

Her face; worried but understanding, "Halika nga dito.." sabi nya and she opened her arms wide, bumalik na ang ngiti sa mga labi ko.. lumapit ako kay mama at dahan-dahang niyakap sya ng mahigpit. "Proud ako sayo, Dee."

"O anong tinitingin-tingin mo jan bunso?" Nagbibirong tanong ni mama kay Danny, habang kayakap ako. "Halika dito at yakapin mo kami ng ate mo."

Natawa si Dan dahil dun.

Nahihiyang lumapit sya at niyakap din sya ni mama; siniksik nya si Danny sa yakapan namin.

"Mahal na mahal ko kayo; Dee, bunso at si papa." Sabay halik nito sa mga noo namin.

"I love you too ma." Sagot ko naman.

That's how we spent our day sa ospital.. ang alagaan ng mabuti si papa at mahalin ang isa't isa. Kung hindi lang naka-ospital si papa, siguro abot langit na ang saya ko ngayon.

(GxG) Let somebody love you 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon