Ikapito

404 11 2
                                    

Isa isang nagsidatingan ang mga taong nasa listahan na pinatawag ko. Nang kumpleto na ay saka lamang ako nagsalita.

"Magandang Hapon po sa inyong lahat, nagagalak po ako at napaunlakan ninyo ang aking nais na magtungo kayo dito"

"Kami po ay nangangamba sa inyong kalagayan binibini, amin pong nalaman ang mga plano ni Ka Omay na paalisin kayo dito upang siya na ang maging pinuno namin dito"

Huminga ako ng malalim at aking nilibot ang aking paningin.

"Binibini, pano mo po nalaman na isa po kami sa mga gustong magbago ang buhay?" tanong ng isang magandang babae na sa tingin ko ay mas bata lang sa akin ng konti. Maganda sya at may biloy sa kaliwang pisngi.

"Almeerah, isang kalapastangan na sumali ka sa usapan ng matatanda. Dencio, pagsabihan mo nga ang iyong apo at pauwiin na" sita ni Ka Erneng sa dalagita.

Narinig kong inutusan ni Ka Dencio si Almeerah na umuwi na.

"Hayaan nyo na lamang po si Almeerah dito. Tingin ko po ay maganda din na sa murang edad niya ay bukas na ang kanyang isipan sa ganitong usapin" sinenyasan ko ang dalagita na umupo na. Ngumiti sya at umupo sa tabi ng kanyang Lolo Dencio.

"Kami po ay may nabuong plano Binibini, pasikreto po kaming nag uusap ukol sa usaping ito. Kami po ay maingat upang hindi malaman ni Ka Omay na may nalalaman na po tayo sa kanyang masamang plano" singit ni Ka Dencio.

"Maraming salamat po Ka Dencio at hanggang ngayon ay tapat pa din po kayo sa aking Ina at nagagawa nyo pa po akong tulungan hanggang ngayon. Mahaba pa naman ang araw bago ang susunod na kabilugan ng buwan. Inaasahan ko po ang inyong kooperasyong lahat. Ang laban na ito ay hindi lamang po para sa akin kundi para sa ating lahat na gusto pang magbago at magsimula ng bago at mapayapang buhay"

"Tinatanong mo kung paano ko nalaman na ang mga naririto ngayon ay ang mga taong gusto pang magbago?" tanong ko kay Almeerah.

Alanganin naman ito tumingin sa kanyang lolo bago tumango at tumingin sa akin. Napangiti ako, dahil nakikita ko ang sarili ko sa kanya.

"Ang mga pangalan na nasa listahan ay gawa pa ni Ina, alam ni Ina kung sino sa kanyang nasasakupan ang mga ayaw sa kanilang gawain. Pinaplano ni Ina na paslangin ang mga taong nasa listahan" nakita ko ang pagkabahala sa mga mukha nila.

"Ngunit, hindi nagawa ni Ina na paslangin kayo dahil kahit alam nya na hindi nyo gusto ang ginagawa nyo ay naging tapat pa rin kayo sa kanya nanatili sa lugar na kanyang sinasakupan" pagpapatuloy ko.

"Muli, nagpapasalamat ako sa lahat ng naririto. Maari na kayo umuwi" pagtatapos ko.

Isa isa silang nagsilabasan sa aming bahay, paakyat na ako sa hagdanan nang maalala ko na dadalhan ko pala ng pagkain si Rosco. Akma akong liliko patungo sa kusina ng makarinig ako ng boses ng lalaki.

"Hindi pwede ang gusto mong mangyari Almeerah"

"Bakit hindi Kolas? Ang tagal mo ng pinapangako sa akin na aalis tayo dito at isasama natin ang Lolo Dencio ko" napatakip ako ng bibig!

Si Kolas at Almeerah ang nag uusap.

"Totoo yun, gusto kong umalis na tayo dito ngunit paano? Hindi pa tayo nkalalayo ay baka paslangin na tayo. Umayon na lamang tayo sa plano nang Binibini, matatapos din ang kaguluhang ito at aalis tayo dito kasama ang Lolo Dencio mo"

Pumasok na ako sa kusina at nakita ko ang gulat sa mga mukha nila. Magsasalita pa sana si Kolas ngunit nagsalita na ako.

"Huwag kayong mag alala, isipin nyo na lamang na wala akong narinig" nginitian ko sila at dumiretso na upang makakuha na ng pagkain ni Rosco.

Parehong tahimik ang dalawa nang umalis ako ng kusina. Nagmamadali ako dahil alam kong nagugutom na si Rosco.

Nagulat ako ng pagbukas ko ng pinto ay may biglang yumakap sakin. Muntik ko pang mabitawan ang dala kong tray sa sobrang higpit ng yakap sakin ni Rosco!

"Ano ba Rosco matatapon ang pagkain" saway ko sa kanya na may halong pagpipiglas.

"Bakit kasi ang tagal mo? Miss na miss na kita agad" tugon nya at mas hinigpitan pa ang yakap.

Unti unti syang naglakad patungo sa kama habang magkayakap kaming dalawa.

Nang makarating kami sa kama ay saka lamang sya umalis sa pagkakayakap. Kinuha nya ang tray at pinatong sa lamesa.

Buong akala ko ay kakain na ito ngunit binuhat ako at inihiga sa kama! Agad naman itong tumabi sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Sinisiksik nya ang kanyang mukha sa aking leeg, bagay na nakakapagbigay sa akin ng hindi malamang nararamdaman!

-

SPG po yung next chapter. Sa mga below 18 or hindi mahilig sa BS. Pa skip na lang ng next chapter. Thankieeee.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 13, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

End This WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon